Nickolas Katatapos lang niya tawagan ang flowershop para sa delivery ng bulaklak para bukas. Kung noon sa mga special na okasyon at piling tao lang siya nagbibigay ng bulaklak pero iba ngayon. After knowing na mahilig si Elizabeth sa mga bulaklak ay naisipian niya agad na padlahan ito. Expected na niya na tatanggihan nito ang padala niya kaya naman hindi lang isang beses niya ito pinadalhan kundi araw-araw hanggang hindi ito tumatawag sa kanya. Pagkalipas ng ilang araw ay hindi na ito tumatawag sa flowershop para ibalik ang delivery. "Sana ay magustuhan niya," nakangiti na sabi niya. Magte-text sana siya kay Elizabeth nang biglang mag-ring ang phone niya at nakita niyang si Cristy ang tumatawag. "How's the honeymoon?" tanong niya rito. "Totoo ba na pumunta ka sa office ni Ate Ellie? A

