Elizabeth Pagkatapos pakalmahin ang sarili ay bumalik na siya sa loob at nakita niya na kausap ni Bernard si Roy. Naiisip niya na umalis na pero ayaw naman niya isipin ng mga kaibigan niya na affected siya sa presensya ni Roy. Tinext na niya si Nickolas para alamin kung nasaan na ito pero hindi pa ito nagrereply. "Nasaan na raw si Nick?" tanong ni Gem pagbalik niya sa pwesto niya at umiling lang siya. "Nagawa pa talaga niya pumunta?" inis na tanong ni Gem ng makita nito si Roy. Nagkwekwentuhan ang mga ito pero hindi siya masyado sumasali dahil nasa ibang lugar ang isip niya. Kahit hindi niya kumpirmahin ramdam niya na panay ang tingin ni Roy sa direksyon niya pero hindi na lang niya ito pinansin. Tinapik na lang niya sa balikat si Gem nang tingnan nito ng masama si Roy. "Hinay-hina

