Elizabeth Pagdating nila sa bahay ni Bernard at Maricon ay marami ng bisita ang nandoon kaya medyo nahihirapan sila sa parking. Pagpasok nila sa gate ay patakbo na sinalubong siya ng inaanak niyang si Mela. Kinarga niya ito at niyakap naman siya nito ng mahigpit saka hinalikan sa pisngi. Sa kanilang magkakaibigan ay ito pa lang ang may anak kaya naman super spoiled ito sa kanila lalo na sa kanya. "Hello po Tita Ellie and Tita Gem," masiglang bati nito habang karga niya. "Wow! Ang laki na ng inaanak ko ang ganda-ganda pa manang mana -- "Sa Tita Gem niya," dugtong ng kapatid niya at natawa na lang siya ng sabay mag-pose ang dalawa. "Of course all my Tita's are beautiful and sexy," malambing na sabi ni Mela at hinalikan niya ito sa pisngi. "Ang liit-liit mo pa pero bolera ka na." Sabi

