Elizabeth "Ate, nabanggit na ba sa 'yo ni Ate Maricon?" tanong nito at napatingin siya rito. "Ang alin?" tanong niya rito at nakita niya na nagalangan ito. "Gusto kasi ni Ericka na tayo ang mag-organize ng Fashion event niya this coming summer?" tanong ng kapatid niya habang matamang nakatingin sa kanya. Araw ng linggo, katatapos lang nila maglinis ng bahay at kasalukuyan sila kumakain ng almusal. Hindi siya sanay mag-almusal noon pero nakasanayan na rin niya ngayon dahil kay Nickolas. Sinusundo kasi siya nito ng umaga sa bahay para sabay sila na mag-almusal it's either sa office niya o sa labas sila kumakain. "Nabanggit nga niya," simpleng sagot niya saka humigop ng kape. Si Maricon ang nag-open sa kanya ng issue na 'yon, nag-email sa kanya si Ericka as a client. Nangangailangan kas

