Aila "TIGILAN MO NA 'TO, ZAINA." Puro pagmamakaawa. Iyon lamang ang aking ginagawa buhat kanina, kasabay nang walang tigil na pagluha, at pagkamalat dahil sa kanyang mga salita't gawang walang awa. Ano ba ang aking magagawa? Gayo'ng ako'y hinang-hina na. "Tumahimik ka!" hiyaw niya sa akin. Hindi ba siya nagsasawa? Kasi ako, sawang-sawa na! "Nag-uumpisa pa lang ako. Alam mo ba 'yon?! Nasa ex-girlfriend pa lang tayo ni Calter— na binayaran ko para sirain kayo!" Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi. Ewan ko, pero tila huminto ang aking mundo nang biglang bumalik ang mga ala-alang pilit kong kinalilimutan— mga pangyayari noong nasa condominium kaming dalawa ni Calter. At ang . . . biglaang pagsulpot ng babaeng nakasabay kong bumili ng sushi noon. Pati ang tungkol doon ay may kinal

