Chapter 40

1063 Words

Aila "ALAM KONG TAKOT KA PANG MAMATAY." Huminga ako nang malalim habang dama ang pagtulo ng mga pawis mula sa aking noo dahil sa kanyang sinabi. Kahit takot na takot at hinang-hina na ako ay nag-angat pa rin ako nang mukha sa kanya. Oo, tama siya. Dahil marami pa 'kong nais patunayan sa 'king buhay. Marami pa akong gustong gawin, at isa na 'ron ang makasama pa ng matagal ang lalaking minamahal ko. "Tama ba 'ko, Aila?" muli niyang salita. Ngalay na ngalay na 'ko mula sa aking puwesto. Kahit ang paggalaw ng maayos ay hindi ko na magawa, sapagkat matinding takot ang siyang namumutawi sa 'king dibdib dahil sa babaeng nasa aking harapan. Hindi ko alam ang takbo ng kanyang isipan. Lalong-lalo na kung ano ang binabalak niya laban sa akin. Maaawa kaya siya't titigil mula sa kanyang mga gi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD