3rd Person's POV TAKOT at pangamba ang bumalot kay Aila sa buong byahe hanggang sa makarating sila sa bahay ng Ate Irieth niya. Bagaman, hindi alam ang gagawin ay hindi ito nagpatinag sa kanyang nararamdaman, sapagkat kailangan niyang pangatawanan ang kanyang pasyang hindi muna magpakita sa ama ng kanyang anak na si Alther. Sa tulong ni Dale ay payapang nakapasok ang mag-ina sa kwartong inihanda ni Irieth para sa kapatid at pamangkin nito. Kaarawan niya, at matalik na kaibigan ng kanyang asawa si Calter kaya nakasisiguro ito na nasa ibaba pa rin ang lalaki na pilit iniiwasan ng kanyang bunsong kapatid. Iyon ang dahilan, kung bakit hindi makalabas ng kwarto sina Aila at Alther. Dahil sa tagal at layo nang binyahe ng mag-ina, hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon si Alther upang makipag-

