Chapter 46

1435 Words

3rd Person's POV "NAGPANGGAP AKONG KEYLA, DAHIL NAPAGOD AKONG MAGING AKO, ATE." Garalgal ang tinig ni Aila habang sinasabi ang mga salitang iyon sa nakatatanda nitong kapatid. Sa totoo lang, ayaw na sana niyang pag-usapan ang tungkol sa mga nangyari na itinuring nitong bangungot sa kanyang buhay. Ngunit, hindi niya iyon magawang takasan, sapagkat ang lahat ng iyon ay nakaukit na sa kanyang isipan. Napakatagal na ng mga nangyari, ngunit tila sariwa pa rin ang lahat sa tuwing napag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon. "Okay lang naman akong maiwan mag-isa no'n sa bahay, Ate. Dahil naiintindihan ko na kailangan ni Mommy at Daddy umuwi sa England para sa mga negosyo roon ng pamilya natin. Okay lang din sa 'kin na mas pinili ni Ate Bianca ang trabaho niya sa ibang bansa, pati ang pagpapam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD