Aila PARA akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ko ang isa sa mga taong naging malapit sa aking puso sa mansyon na aking tinatapakan ngayon. Bakit siya narito? Isa pa'y napakalaki ng pinagbago ng kanyang itsura ngayon. Oo, hindi ko itatanggi na noon pa man ay gandang-ganda na ako sa kanya. Ngunit, ngayon ay tila dumoble pa ito. Nakadagdag pa ang kakaibang uniporme na kanyang suot-suot. Iba ang awra niya, ibig sabihin ba nito'y . . . hindi na siya isang simpleng kasambahay lamang rito? Hindi ako makapaniwala sa 'king nakikita ngayon, sapagkat ang pagkakaalam ko ay kinuha siya ni Calter bilang kasambahay kung saan ako nito itinago noon. Mahirap paniwalaan ang mga nasasaksihan ng aking mga mata sa gabing ito, tila pinaglalaruan lamang ng tadhana ang aming mga buhay— sa huli

