Aila "HIHINTAYIN KITA SA LABAS." Tulala, at tila wala sa sarili nang maiwan akong mag-isa sa toilet, kung saan, aming pinagsaluhan ang gabing kailanman ay hindi na sumagi sa 'king isipan na mangyayari, buhat nang umuwi ako rito sa pilipinas. Terible. Matapos ang nangyari sa amin ay iiwan na lamang ako rito nang ganito. Mag-isa, mangha, at tila hindi alam ang gagawin. F*ck! Parang nais umusok ng ilong ko dahil sa galit, habang sinusundan nang tingin ang papalayong lalaki na kung umasta, akala niya'y wala lang sa akin ang nangyari! Para lang siyang umihi, impakto siya! I sighed. Mabilis kong inayos ang aking sarili. Saka tahimik na lumabas mula sa toilet na aming pinanggalingan. Yumuko ako habang nagpapatuloy sa paglalakad. Hindi ko alam, ngunit bigla na lamang akong nakaramdam nang

