3rd person's POV RAMDAM na ramdam ni Aila ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Gerald habang tinutuyo niya ang alak na nagkalat sa mukha nito. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maaawa nang makita nito ang naging ekspresyon ng mukha ni Gerald matapos niyang mabugahan iyon ng wine. Hindi niya maiwasang mabahala habang iniisip ang tungkol sa nangyari. Nakadagdag pa sa isipin nito ang biglaang pag-alis ni Calter sa hindi niya malaman na dahilan. "Are you okay? Kanina pa kasi kita napapansin. Hindi ka yata mapakali?" litanya ni Gerald kay Aila. Ngumiti ito rito bago tumugon, "O-ou, kasi—" "Huwag mo nang isipin ang tungkol sa nangyari," putol nito sa pagsasalita ni Aila. Pagkatapos ay matamis siyang ngumiti rito, "It's okay," dagdag pa niya. Diretsong tumingin si Aila rito, saka t

