"Ay shet!" Napatayo agad ako nang marinig ko ang tunog ng alarm clock ko. Ingay, tsk. Tiningnan ko 'yung orasan, 6 in the morning pa lang naman, 8am pa naman ang pasok ko. Matutulog na muna ako ng mga 20 minutes, maaga pa. "Ma'am Meilla..." I yawned as I opened my eyes. Hmm... sino bang gumigising sa 'kin? May pasok ba ngayon? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Manang. May iuutos ba si Sean? Bakit hindi na lang siya ang pumunta rito? "Bakit po?" Humikab ulit ako at umupo sa kama at saka lubusang tiningnan si Manang. "Hindi ka ba papasok hija? 7:30am na kasi." Itong si manang naman, masyadong nag-aalala, parang siya ang papasok. 7:30 pa lang naman! . . . Teka... Jusko! Ba't hindi man lang umalarm itong walang kwentang alarm clock? "Papasok po ako, sige na p

