"YOU SON OF A b***h! WHAT THE f**k DID YOU DO TO HER f*****g ASSHOLES?!" Napaiktad ako sa lakas ng boses ni Sean. Bakit kasi ginalit nila? "Pare, papapiliin ka namin, bibitawan mo ang kompanya o papatayin namin 'tong babaeng ito?" Napatili pa ako nang bigla nilang itayo si Meilla pero hawak sa leeg nung itinayo nila. At ang lakas ng loob ng mga ito! Pinapili pa si Sean. Ha! Nakakaawa iyong kalagayan ni Meilla ngayon, sure ako galit-galit na si Sean at halata naman dahil halos lumabas na ang ugat niya sa leeg. Sobrang namumula na rin siya dahil sa galit. "Bitawan niyo siya." Malamig pero mahinahon na sabi ni Sean. Tumawa 'yung panget na may hawak kay Meilla. "Ano kami tanga? bobo?" Umiling-iling pa ito at nilaro ang baril sa kamay niya. "Isn't it obvious?" Sabat ko. Tiningnan ako n

