"Ano bang gusto mong kulay ng eyeshadow, Ate Swerte?" Ngumuso ako at pinagmasdan ang sarili ko sa salamin. Kanina pa niya ako tinatawag ng Ate Swerte kasi raw ang swerte ko sa magiging asawa ko-- kay Sean. "Kahit ano na lang, wala naman akong masyadong alam diyan." Though, lagi akong nanonood ng mga make-up tutorial sa YouTube, natutuwa kasi ako sa panonood. Malay mo naman at kapag nagka-anak kami ni Sean ay mai-apply ko sa kanya iyon. "Sige na nga! Ako na ang bahala sa'yo... Pero dapat ay mag-aral ka kung paano magpaganda, alam mo naman ngayon ang mga boys..." Umiling-iling pa ito. Nang magtama ang paningin namin ay nginiwian ko siya. "I'm just telling the truth, darling!" He said, laughing. Konti na lang talaga at sasapukin ko na itong baklang ito, e. "Iba naman si Sean, 'tsaka hindi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


