Ilang minuto ang lumipas at lumabas na rin ako ng CR, baka nagsisimula na 'yung program. Kung hindi lang mahalaga sa akin itong araw na ito, hindi na talaga ako dapat pupunta, e. Magmumukmok na lang ako sa bahay at matutulog. Wala talaga ako sa mood, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamalungkot na tao ngayon kahit na dapat ay masaya ako. I should be happy. My Mama's happy, for sure. Ganoon din si Papa. Dapat nga ay magpost na ako ng status sa f*******: na nakagraduate na ako at itag 'yung mga kapitbahay ko rati na may sabing hindi raw ako makakagraduate. "Huy Meilla! Saan ka galing?" Tanong ni Eya. "A, wala, nag-cr lang." "Ang tagal naman?" Singit ni Lara. Ngumuso ako. "Hindi nagustuhan ng tiyan ko 'yung kinain ko kagabi..." I lied to them. Ayokong malaman nila na hindi man lang nagp

