KABANATA 64

1995 Words

NAPABANGON ako mula sa pagkakahiga ng makarinig ng sunod-sunod na katok. Kaagad naman akong tumungo sa pintuan. Biglang kumunot ang noo ko nang makitang bagsak na naman sa kalasingan ang asawa ko. Inaalalayan ito ni Manong Jose. "Pakihatid na lang ho sa loob." Kaagad naman itong tumugon. Narinig ko pa ang mahinang pag-ungol ng asawa ko. Nang umalis na ang matanda, natitigan ko naman ang asawa ko. Hanggang sa unti-unting namasa ang gilid ng mga mata ko. Pakiramdam ko, hindi maaayos ang relasyong ito dahil sa ginagawa nito. Ilang Linggo na ang nakalilipas simula ng makita ko ang babaeng Adele na iyon, hindi pa rin kami nito nagkakausap. Madalas itong umuwi ng gabing-gabi na. Ni hindi ko na rin ito naaabutan tuwing umaga at kaagad itong umaalis ng bahay. Pakiramdam ko nga, sinasadya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD