DIRE-DIRETSO ako paakyat ng kuwarto. Ni hindi ko ito nilingon. Wala rin naman akong pakialam kung saan siya pupunta. Napilitan akong sumama sa kanya pauwi ng bahay dahil umuwi pala si Manong Jose kung saan kasa-kasama ko kanina papuntang opisina nito. Hindi ko alam kung inutusan ba nito. Ngunit wala na rin naman akong pakialam. Hindi ko makalimot-limutan ang pagtrato nito sa akin. Kung paano ako nito sigawan. Nagtaas-baba ang paghinga ko habang nasa loob ng kuwarto. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa tuwing naaalala ang eksenang naabutan ko kanina. Kung minsan, napapaisip ako kung dapat ko pa ba siyang paniwalaan? Una sa lahat, sana bago pa nahubad nang malanding babae na iyon ang bra nito, kaagad na nitong napigilan kung talagang ayaw nito? Bakit humantong pa sa ganoong eksena,

