ILANG beses na napabuga ng hangin si Nhikira bago mahinang kumatok sa pinto ng kuwarto ni Bradley. Pagbukas ng pinto, 'agad tumama ang mga mata niya sa hubad nitong pangangatawan. Gusto niyang pamulahan ng mukha nang makitang nakasuot lang itong boxer! Halos nakahubad na ito sa harapan niya! Parang malalaglag ang mga mata niya sa pagkakatulala ng makita kung gaano kalaki ang bumubukol sa ibaba nito! Kasabay ng paglunok niya nang kunin nito ang kamay niya at 'agad isinara ang pinto. Nahigit niya ang paghinga nang isandig siya sa pintuan. At walang babalang hinalikan ang kanyang mga labi. Muntik nang malaglag ang hawak niyang kape kung hindi nito iyon kinuha sa kanyang mga kamay. Ang galing nga e! Nakakahalik pa rin ito kahit na hawak-hawak nito ang mainit na kape? Ganito ba ito

