DALAWANG LINGGO ANG LUMIPAS.. Muntik nang madapa si Nhikira sa pagmamadaling makarating sa malawak na sala. Hindi na siya makapaghintay na masilayan ang guwapong mukha ng kanyang mahal na nobyo. Dalawang Linggo itong nawala dahil sa isang business trip. Biglang sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang labi ng bumungad sa malawak na pintuan ang mukha ng kanyang nobyo. Ngunit unti-unting naglaho ang ngiti sa labi niya nang malamig siya nitong titigan. Wala man lang kangiti-ngiti at talagang nilagpasan lang siya nito na para bang hindi siya nito nakikilala? May kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa kanyang dibdib. Bigla siyang nahirapang huminga. Napalunok din siya ng maramdaman ang unti-unting takot na gumagapang sa buong pagkatao niya. Nasundan niya ito ng tingin. Mariin siy

