NATIGILAN ako ng makitang kasa-kasama ni Bradley ang kababata nitong si Adele Winter. Kitang-kita ko ang tamis ng ngiti ng dalaga habang nakakawit ang kamay nito sa braso ng binata. Bigla akong napalunok. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko dahil sa nakikita ng mga mata ko. Talaga bang pinaglaruan lang ako nito? Tama ba ang hinala kong posibleng magkasama ang mga ito sa business trip at may namagitan sa kanilang dalawa? At napagtanto nitong si Adele ang nanaisin niyang mapangasawa kaysa sa isang tulad ko? Bigla akong napaiwas ng tingin nang pakiramdam ko, sa akin sila mapapalingon. Kaagad namuo ang luha sa mga mata ko ng maramdamang paakyat sila sa itaas?Parang may pumipiga sa puso ko sa isiping magsasama sila sa kuwarto ng binata. Bigla akong napasinghot kasabay ng pagka

