KABANATA 9

1443 Words
BIGLA akong napayuko ng mapansing lihim akong pinagtatawanan ng tatlong dalaga na kapwa ko rin naman kasambahay? Tiningnan din nila ako mula ulo hanggang paa. "Ang taba naman niya!" wika ni Cherry. "Oo nga! Mukhang baboy!" segunda naman ni Lucca. "Paano kaya 'yan makakakilos? Mukhang hirap na hirap sa sariling katawan?" wika naman ni Maylyn. Biglang namula ang mukha ko ng sabay-sabay silang nagsitawanan. Huminto lang sila ng sitahin sila ni Aling Magda. Ang kusinera. Inirapan pa nila ako bago sila tumungo sa kaniya-kaniyang gawain. "Pagpasensyahan mo na sila, hija. H'wag mo na lang silang pansinin." Hinaplos nito ang mahabang buhok ko. Muntik nang manubig ang mga mata ko ng maalala ko bigla si nanny. Halos 'di nalalayo ang edad ng mga ito. "Salamat po." Marahan akong ngumiti. Tumungo ako sa likod bahay at doon ako naka-assign. Ang magdilig ng mga halaman. Hindi ko naiwasang mapangiti at sobrang gaganda ng mga bulaklak. Laking pasalamat ko nga at dito ako inilagay. Hindi mabigat na trabaho. "Sayang, wala pala si Bradley ngayon," wika ko sa sarili habang kandahaba ang nguso. Nalaman kong nasa business trip pala ito. Hindi naman sinabi kung kailan ang balik nito. Pagkatapos kung magdilig ng mga halaman, pina-akyat ako sa itaas ni Manang Glenda. At halos gusto kong tumili ng ako ang mautusang maglinis ng kuwarto ni Bradley! Para akong tanga na natulala ng makapasok sa loob ng kuwarto ng binata. Amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito. Sa sobrang kabaliwan ko, niyakap ko ang unan nito at inamoy-amoy pa! Hindi ko rin pinalampas ang hinihigaan nito. Nagawa ko pa ngang humiga habang may ngiti sa labi! "Bradley Hames!" Para akong tangang humagighik habang yakap-yakap ang mabangong unan nito. "Sana umuwi ka na. Gusto na kitang makita." Pumikit pa ako habang may ngiti sa labi. Napabalikwas lang ako ng makarinig ng yabag mula sa labas. Taranta kong inayos ang hinihigaan ng binata. Tinungo ko naman ang closet area nito. Nagawa ko pang tingnan ang mga damit nito. Hanggang sa namula ang mukha ko ng makita ko ang mga brief nito?! Sunod-sunod akong napalunok! Ang laki naman yata? Nanginginig na ibinalik ko sa drawer ang brief na nadampot ko. "Ano bang ginagawa ko?" kabadong bulong ko sa sarili. Pagkatapos kong maglinis sa kuwarto at closet area nito, tinungo ko naman ang banyo. Sobrang lawak at sobrang ganda! Nagdala na kaya siya ng babae sa banyo nito? Bigla kong nasampal ang sariling pisngi ng maisip kong marahil may umungol na sa banyong ito? Napailing-iling ako. Nagulat ako ng makitang nasa labas ang mayordoma. Kakatapos ko lang maglinis ng banyo ng binata. Nagtaka ako at kunot na naman ang noo nito. "Bakit po?" alanganing tanong ko. "Bakit mukha kang naligo sa itsura mo?" Bigla akong napalunok. Ramdam ko kasing tagaktak na ako ng pawis. Pakiramdam ko nga, hinihingal na ako sa sobrang pagod?! Pilit ko lang itinatago at ayokong makahalata itong 'di ako sanay sa trabaho. Mukhang nakakahalata na nga e! Lagi na lang akong pinagmamasdan na para bang naghihinala ito? "Pawisin lang po, Manang Glenda. Pasensya na po. Sa susunod, magdadala ako ng maliit na tuwalya." Ngitian ko ito. Lalong kumunot ang noo nito. Kinabahan naman tuloy ako. "Tapos ka na ba?" Maagap akong tumango. "Tumulong ka muna sa gawain sa kusina at masama ang pakiramdam ni Aling Darlen." Pagkatalikod nito, pabagsak naman akong sumandig sa pader. Mariin ko ring ipinikit ang mga mata ko. Isang araw pa lang, ngunit ramdam ko na ang matinding pagkapagod. Pakiramdam ko, hindi ako magtatagal dito? Para akong lalagnatin?! Tapos kakaiba rin ang trabaho dito? Kahit saan yata ako inilalagay at inuutusan? Samantalang iyong tatlong dalaga na halos kasing edad ko, nanatili lang sila sa iisang trabaho? Iyong isa, tagalinis ng mga sahig? Iyong isa, tagalinis sa labas ng bahay? Iyong isa naman, tagalaba? Bakit ako, mukha yatang all around? Lahat iniuutos sa akin? Pagkatapos sa likod bahay, iyong malaking kuwarto naman ni Bradley? Tapos ngayon naman, sa loob naman ng kusina? Ano pa kayang sunod na ipag-uutos nito sa akin? Nakakapanibago. Dahil sa mansion namin, bawat kasambahay, may kaniya-kaniyang ginagawa. Hindi maaaring gawin ng isa, ang gawain ng kasama. Pwera na lang kung nagkasakit ang isang kasamahan nito? So, ngayon nagrereklamo ka? Hindi ba ginusto mo 'yan?" Mabigat akong napabuntong hininga. "Kaya ko ito..!" Napangiwi ako ng makita kung gaano abala ang mga tagaluto sa loob ng kusina. Ikot dito, ikot doon. Tinitingnan ko palang sila, nahihilo na ako? "Nikki, hiwain mo nga ang mga ito," utos ni Aling Loreng. Maagap naman akong kumilos. Napalunok ako at sobrang laki ng panghiwa! Halos 'di ko napigilang panginigan ng mga kamay! Pasimple ko pang tiningnan ang mga kasama. Mahirap ng may makahalata na 'di ako sanay sa ganitong gawain! Mas gugustuhin ko pa yatang maglampaso na lang ng sahig! Kaysa naman, mahiwa ako ng malaking kutsilyo na ito? Napalunok ako at pakiramdam ko, unti-unti akong pinagpapawisan. "Nikki, pinapatawag ka ni Mang Glenda." Lihim akong nakahinga ng maluwag. Ngunit hindi ko inaasahang uutusan ako nitong kunin ang lahat ng pinamili sa loob ng sasakyan. Napangiwi ako ng maramdaman ang bigat ng dala-dala ko. Pakiramdam ko, mabilis maglalaho ang taba ko sa ganitong trabaho! "Bilisan mo, Nikki. Kailangan na ang mga 'yan." "Opo, Mang Glenda." Bigla akong napayuko. Unti-unting namamasa ang sulok ng mga mata ko. Kung kailan naman isang malaking plastic bag na lang ang ipapasok ko sa kusina ng bigla pa akong madapa. Ang kamalas-malasan, nakita pa ako nang tatlong kasambahay na malakas kung manglait! "Ang lampa!" wika ni Lucca. "Sa taba ba naman niya!" segunda naman ni Mylyn. Tumawa ang mga ito. Mariin kong nakagat ang ibabang labi ko. Tagaktak na rin ako ng pawis. Napalunok ako ng maramdaman ang pananakit ng mga kamay ko. Nanginginig na rin ang kalamnan ko. LUMIPAS ang tatlong araw. Ganoon pa rin ang gawain ko. All around. 'Di ko naman matanong ang mayordoma kung iyon ba talaga ang trabaho ko sa mansion ng mga Rhys? Baka bigla ako nitong singhalan at isipin pang nagrereklamo ako? Ayoko namang maging dahilan iyon upang sibakin ako nito sa trabaho. Ang totoo, nagawa kong umiyak dahil sa unang araw ko, tinamaan ako nang lagnat kinagabihan. Laking pasalamat ko talaga at pinabaunan pa ako ni nanny ng gamot. Pinilit ko pang bumangon ng maaga dahil iyon ang trabaho ko. Laking pasalamat ko naman at nakatulong ang gamot na ininom ko. At ngayon, naglalampaso ako sa mataas na hagdan. Maya't maya ang pagpunas ko sa sariling mukha. Pakiramdam ko, naliligo na ako sa sariling pawis. Halos ramdam ko na ang pamamasa ng katawan ko! "Nikki!" Bigla akong napalingon. "Tumulong ka muna sa loob ng kusina. Maraming lulutuin ngayon at darating na si Sir Bradley." Muntik na akong malaglag sa hagdan dahil sa sinabi ni Aling Darlen. Lumakas din ang kabog ng dibdib ko pagkarinig sa pangalang binanggit nito. Sa isang iglap, naglaho ang matinding pagod na nararamdaman ko. Nagawa ko pa ngang ngumiti sa matanda. "Sige ho, Aling Darlen." Nagmamadali akong bumaba. Para akong tanga na kinikilig habang nangingiting mag-isa! Hindi ako mapakali sa isiping makikita ko na si Bradley! "Ano ba iyan?!" Bigla akong napapitlag. Nagulat ako nang hampasin ako ni Aling Rosa sa braso. Mabuti na lang talaga laging mahaba ang kasuutan ko. Ayokong ipakita sa kanila kung gaano kakinis ang pangangatawan ko at baka paghinalaan nila ako. Lagi rin akong nakasuot ng pantalon. Kung minsan nga mahabang palda para makahinga ako ng maluwag-luwag. Sa taba ko kasi, minsan naiipit ng pantalon e! "Ano bang ginagawa mo, Nikki? Bakit mo naman inihalo ang suka sa bigas?" inis na wika nito sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata ko. Namula rin ang mukha ko. "P-pasensya na po--" "Tatanga-tanga ka naman. Wala ka ba sa sarili?" Bigla akong napayuko. Bumigat din ang paghinga ko. Naramdaman ko rin ang panginginig ng mga kamay ko. Ngayon ko lang naranasan ang masabihan ng ganito? Sa isang kasambahay pa? Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang hindi mapansin nang kahit sino ang pangangatal nito. Pansin ko kasing napatingin sa akin ang ilang kusinera. Ngunit nanatili silang walang kibo? Laking pasalamat ko nang lumapit sa akin si Aling Magda. "Maghiwa ka na lang ng regado, Nikki," wika nito. Marahan akong tumango. "H'wag mo na lang pansinin si Aling Rosa. Sadyang masungit lang iyon. Palibhasa, ipinagmamalaki niyang matagal na siyang naninilbihan sa mga Rhys." Kumabog ang dibdib ko dahil sa nalaman. Kaya pala, ganoon na lang ang asta nito? Akala mo, kung sino? "Okay lang po, Aling Magda." Ngumiti na lang ako. Nang pumasok si Manang Glenda. "Nasa Airport na si Sir Bradley. Pakibilisan niyo." Muli kong naramdaman ang kabog sa dibdib ko sa isiping makikita ko na ulit ang binata!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD