KABANATA 8

1418 Words
ISANG mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa aking nanny. Wala itong ginawa kun'di ang mapaiyak habang nagpapaalam ako rito na aalis na. Hindi ko naman napigilang mapaluha at alam kong mamimiss ko ito. Hahanap-hanapin ko ang pag-aalaga nito sa akin. Siguro nga ito na ang pagkakataong kailangan kong baguhin ang sarili ko? Hindi na ako bata upang umaktong parang bata na kailangan pang alagaan ng ibang tao? "M-mag-iingat ka, anak. Tumawag ka 'agad kapag sinaktan ka roon o kaya pinahirapan." Napatango-tango ako habang nagpupunas ng butil ng luha. "H'wag na po kayong umiyak. Pati tuloy ako, panay luha na rin. Hindi naman ako kakatayin doon, nanny. Kaya h'wag na po kayong mag-alala sa akin. Tatawag naman ako sainyo." Ngunit panay ngilid pa rin ng luha sa mga mata nito. "Hindi ko maiwasang mag-alala ng labis. 'Di mo alam kung gaano ako nasasaktan sa ginagawa mong ito, Princess Nhikira. Hindi mo alam ang ginagawa mong ito.." paulit-ulit na sambit nito sa akin na siyang ikinalulunok ko. Pansin ko rin ang kalungkutan at pag-aalala ng mga kasambahay at ilang bodyguards ko. Nakayuko ang mga ito at para din silang naiiyak? Gusto ko tuloy humagulhol at ramdam ko ang pagmamahal at pag-aalala nila para sa akin? Alam ko ring namumuo ang takot sa loob nila oras na malaman ito ng mga magulang ko. Ngunit naniniwala naman akong mananatiling tikom ang kanilang bibig. 'Di naman yata nila nanaising maparusahan ng mga magulang ko? "Malaki na ako, nanny. Alam ko na ho ang ginagawa ko. Lagi naman akong mag-iingat. Lagi rin kitang tatawagan at kukumustahin." Marahan akong ngumiti. Bahagya itong umiling. "Ikaw ang dapat kong kumustahin. Mararanasan mo ang magpakahirap kahit hindi dapat.." naiiyak na namang wika nito. Marahan kong hinaplos ang likuran nito. Pigil na pigil kong muling mapaluha. Baka tuluyan akong hindi makaalis kung bubuhos ang luha sa mga mata ko. Kailangan kong ipakitang ayos lang talaga ako at masaya ako sa desisyong ito. "Uuwi naman ako kaagad, nanny. Hindi ko naman hahayaang mahirapan kung hindi ko talaga kaya. H'wag na kayong mag-alala." Isang mahigpit na yakap ang isinukli nito sa akin. Hinaplos-haplos pa nito ang likuran ko. Gusto kong maiyak at hinaplos nito ang magkabilaang pisngi ko. Alam ko namang tinatrato pa rin ako nitong parang bata na kailangan pang kalingain? Ngunit kailangan kong patunayan dito na kaya ko na ang sarili ko. Na kahit wala sila sa tabi ko, maaalagaan ko ang sarili ko. Malalaki ang hakbang ang ginawa ko upang hindi ko marinig ang mahihinang paghikbi ni nanny. Lihim ding bumubuhos ang luha sa mga mata ko. Kung minsan gusto kong sisihin ang lalaking Bradley na iyon? Hindi nito alam kung anong sinakripisyo ko para lang sa kaniya. Ngunit wala naman itong kaalam-alam at wala nga akong katiyakan kung may mapapala ba ako sa kalukuhan kong ito? Kung bakit para akong bata na may isang napakagandang laruan na gustong-gusto kong makuha? At iyon si Bradley Hames! HABANG papalapit sa address ng mga Rhys, palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa mansion ng mga Rhys. Sana lang talaga mababait ang mga kasambahay na makakasama ko. Isang maliit na bag ang dala-dala ko. Hindi ko rin dinala ang mamahaling damit at tiyak na mapaghahalataan ako. Inihanda ko na ang lahat ng sasabihin ko kung sakali mang may magtanong tungkol sa pagkatao ko. Umaasa naman akong hindi ako makikilala ng kahit na sino at hindi naman ako madalas nakikita sa social media o kahit sa mga magazine. Sa madaling salita, hindi ako sikat na tao kahit pa ang angkan namin ang pinaka-mayaman o pinakatanyag sa buong mundo. Hindi katulad ng mga kapatid ko na talagang kilalang-kilala at sila lang naman ang CEO ng kompanya. Para akong mamahaling Diamante na pinakatago-tago nila mommy't daddy sa mga social media. Ayaw nilang mainvolve ako sa kahit anong pangyayari. Good news man yan o bad news. Iyon ang pinaka-iiwas-iwasan nila pagdating sa akin. Ganoon sila ka-protekta sa nag-iisang Unica hija nila. Kaya nga, labis ang habilin ko kay nanny, na lagi niyang paalalahan ang mga kasambahay at ang ilang bodyguards ko. Mahirap na at baka bigla silang madulas. "We're here, maam.." anang driver. Kaagad naman akong nagbayad at nagpasalamat dito. Hanggang sa bumaba ako sa taxi nito. Napalunok ako habang nakatitig sa mataas na gate na nasa harapan ko. Bigla ko ngang naramdaman ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kaya kong magpanggap? Baka mautal-utal ako oras na makaharap ko ang mayordoma ng mga Rhys? Huwag naman sana! Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Kaya mo 'yan, Princess Nhikira!" Isang ngiti ang pinakawalan ko bago lumapit sa maliit na pinto, kung saan ako magd'doorbell. Lihim pa akong naexcite sa isiping makikita ko na si Bradley! Napapaisip ako kung ano kaya ang magiging reaksyon nito oras na makita ako? Matandaan niya kaya ako? Imposible namang makalimutan niya ako? Hindi pa naman inabot ng maraming buwan bago iyong huling pagkikita namin? Ang tanong, may pakialam naman kaya siya sa iyo? Kung isang kasambahay ka lang naman pala? Bigla akong napalunok sa sariling naisip. Bahala na! Bahagya akong napaatras ng unti-unting bumukas ang pinto. Sumungaw doon ang isang security guard? "Good morning ho? Ako ho iyong maid na--" "Ah, ikaw ba si Nikki Lauren? Iyong bagong kasambahay?" tanong nito sa akin. Napangiti ako ng maluwang at hindi ako nagkamali. Pinoy din ito katulad ko. Hindi ko na kailangan gumamit ng English na lengguwahe. Ang alam ko naman talaga, mga pinay din ang mga kasambahay na nandito? Kahit na may lahi ang pamilyang Rhys? "Ako nga ho!" Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Lihim pa akong napalunok at huminto ito sa pangangatawan ko. Ngunit nakahinga ako ng maluwag ng bahagya itong ngumiti at niluwangan ang pinto. Ipinakita ko lang ang I.D ko at saka ako nito tuluyang pinapasok. Lihim pa akong namangha at napakalaki nga naman ng bahay ng mga Rhys? Hindi maikakailang mayaman nga ang pamilya nila? "Nikki Lauren?" anang ng matanda. Tiyak kong ito ang mayordoma ng mansion na ito? "Ako nga ho.." mahinang wika ko habang bahagyang nakayuko. Tiningnan din ako nito mula ulo hanggang paa. Kinabahan pa ako at nakakunot ang noo nito? "Talaga bang sanay ka sa gawaing bahay?" tanong nito. Lihim akong kinabahan. Iniwasan ko ring mapalunok at baka isipin nitong kinakabahan ako sa harapan nito? Iniwasan ko ring maging mailap ang mga mata ko. Baka bigla itong makahalata at mag-isip ng masama laban sa akin. Dahil sa yaman ng mga Priscela, nagawan ko 'agad ng paraan upang makagawa ng pekeng pangalan. Umaasa naman akong hindi mag-aaksaya ng panahon ang Bradley na iyon upang paimbestigahan ang mga katulong nito? Ayon sa nakuha kong information sa investigator ko, wala namang isyu pagdating sa mga kasambahay nito? Kaya inaasahan ko ring hindi ito mag-iisip ng masama laban sa akin? Hindi naman ako mukhang hindi mapagkakatiwalaan kung pagbabasehan sa mukha at kahit sa paraan ng kilos ko? Mukha pa nga akong anghel sa amo ng mukha ko e! "Opo, ma'am. Sanay na sanay po ako!" sagot ko. Nagkibit-balikat ito. "Ako ang mayordoma sa bahay na ito. Tawagin mo akong Manang Glenda. Mamaya, ipapakilala ko sa iyo ang mga kasamahan mo dito. Sumunod ka sa akin." Napakagat-labi ako ng kaagad din itong tumalikod. Ni hindi man lang nito hinintay ang sagot ko. Lihim akong nakaramdam ng kalungkutan. May mga tao pala talagang ganito? Akala mo, kung sino? Akala mo, siya ang may-ari ng bahay na ito? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Laking pasalamat ko talaga at mababait ang lahat ng kasambahay sa aming bahay. Mukhang mararanasan ko pa yatang masungitan o mapagalitan sa mansiong ito? Ngunit sisikapin kong magawa ko ng maayos ang trabaho ko. Hindi nila kailangang mahalata na wala talaga akong alam sa gawaing bahay. Kun'di mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng plano ko! Napatingala ako sa mataas na hagdan. Hindi ko naiwasang mapakagat-labi sa namumuong kilig sa isiping maya-maya lang tiyak na makikita ko ang masungit na Bradley Hames na iyon! Hindi ko mapigilang maexcite! Para bang 'di na ako makapaghintay na makita itong muli! "Dito ang higaan mo. Ilagay mo na lang sa kabinet iyang mga gamit mo. Nandoon na rin iyong uniporme mo. Bukas ka na magsimula. Bukas ko rin sasabihin kung saan kita ilalagay." "Opo, Manang Glenda." Maaliwalas na mukha ang laging ipinapakita ko sa kaniya. Ngunit muli ako nitong tinitigan. Para bang may nakikita itong hindi kapani-kapaniwala sa mukha ko? Dahil ba makinis at maputi ang balat ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD