TATLONG buwan ang nakalipas.. Abala ang lahat sa loob ng kusina. Ngayon ang pagbabalik ng mag-lola mula sa United States. Lahat masaya nang malamang maayos ang kalagayan ng matanda. At ngayon nga ang uwi ng mga ito. Hindi naman siya mapalagay ng mga oras na iyon. Alam niya sa sarili kung gaano katindi ang pagkasabik na makitang muli ang binata. Simula no'ng huling may mangyari sa kanilang dalawa, hindi na sila nagkita pa at maagang umalis ang mga ito. "Nikki, haluhin mo muna nga ito," utos ni Aling Rosa. "Okay po." Halos mahilo ako sa mga kasamahan na paroon at parito. Hindi ko nga maintindihan kung bakit ganito na lang sila kaabala? At nakakapagtakang ang daming putahe ang inihahanda ngayong araw? Samantalang ang mag-lola lang naman ang darating? Nang pumasok si Manang Glen

