KABANATA 34

1513 Words

"Nikki, ayos ka lang ba?" tanong ni Aling Magda. "Ilang araw ko nang napapansing nanghihina ka?" Gumuhit sa mukha nito ang pag-aalala. Pinilit ko namang ngumiti. "Ayos lang ho ako, Aling Magda. May dalaw ho kasi ako kaya ako nanghihina. Magiging okay din po ako." Bumitaw ito ng buntong hininga. "Akala ko kung napapaano ka na. Hindi ko na kasi makita ang matamis mong ngiti sa labi e!" Bahagya naman akong natawa. Pilit na itinatago ang totoong nararamdaman. At dahil magkasundong-magkasundo kami nito, masuyo ko itong niyakap ng mahigpit. Naaalala ko sa kanya ang aking nanny. Halos walang pinagkaiba sa ugali ng mga ito. "Sorry na po." Hinaplos nito ang mahabang buhok ko. "Alam mo bang hindi ko nakikita sa iyo na anak ka ng isang mahirap? Sobrang ganda at kinis ng balat mo, Nikk

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD