KABANATA 35

1530 Words

NAPAANGAT ang tingin ko ng makita kong pumasok si Manang Glenda. Dahan-dahan naman akong tumayo mula sa kinauupuan ko. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito. "Hindi ko alam kung bakit biglaan ang pagpapaalam mo, Nikki. Pero hindi kita mapapayagang umalis sa ngayon. Bukod sa kukulangin kami ng kasambahay, hindi rin pumayag si Sir Bradley na basta ka na lang daw aalis. Kung maaaring maghintay ka muna ng kapalit mo." Bigla akong napalunok. Kumabog din ang dibdib ko dahil sa narinig? Gusto ko ngang mapaluha dahil hindi ko akalaing magagawa pa talaga ako nitong pigilan? Dahil ba kukulangin ng kasambahay? Hindi ba siya natutuwang aalis na ako at wala nang p'wedeng gumambala ng kasal nila ni Adele? Hindi ako nakapagsalita. "Ano ba talagang dahilan mo at bigla-bigla ka na lang aalis?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD