KABANATA 3

1350 Words
SERYOSONG nakikipag-usap si Bradley sa kaniyang mga ka-negosyo sa isang British restaurant ng biglang dumako ang kaniyang mga mata sa babaing kakapasok lamang ng restaurant. Bahagya siyang natigilan. Napahinto rin siya sa pagsasalita at natitigan ang dalaga. Kung 'di siya nagkakamali ito ang babaing nakita niya sa Museum? Hanggang sa biglang kumabog ang dibdib niya ng makumpirmang ito nga ang babaing nakabungguan niya? Matamis itong nakangiti habang nakikipag-usap sa waiter. Napasadahan pa niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Mataba ito pero hindi maitatangging maganda ang babae? Makinis ang balat at napakaputi! Halatang nanggaling sa mayamang pamilya? Halata naman kasi sa pananamit na suot-suot nito ngayon? Simple pero class na class ang dating? Sa suot nga nito nagmukha itong prinsesa? Lihim siyang napailing. Kung bakit pinag-aaksayahan niya ng panahon ang babaing ito. 'Di naman ganito ang mga tipong babaing gusto niyang ikama! Muli niyang itinuon ang pansin sa mga kasama. Ngunit 'di niya maintindihan kung bakit hindi niya mapigilang muling sulyapan ang babae? Napalunok siya ng matitigan ang magandang ngiti sa mamula-mulang mga labi nito. Kung pagmamasdan, mukha itong inosente? Mukhang wala pang karanasan pagdating sa kama? Fvck! Bumigat ang paghinga niya ng pumintig ang p*********i niya. Pasimple niya ring niluwangan ang necktie niya habang napapalunok! Para siyang hindi makahinga ng mga oras na iyon! Isang tikhim ang pinakawalan niya at muling nag-fucos sa mga kasama. Mabuti na lang talaga at hindi siya pansin ng mga ito na may ibang pinagkakaabalahan ang kaniyang mga mata! Gusto na naman niyang mainis sa sarili at hindi siya makapaniwalang isang matabang babae pa ang pupukaw ng kaniyang interes! "Thank you!" rinig niyang wika nito. Napakalambing ng boses nito. Ang sarap pakinggan. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang napakagandang buhok nito na sobrang haba na umabot na sa p'wetan nito. Kung 'di nga lang ito mataba, magmumukha talaga itong isang prinsesa! Sa gilid ng kaniyang mga mata, kitang-kita niya ang pinong pagkilos nito. Hindi rin nakaligtas sa kaniya na mukha itong pinagsisilbihan ng kasama nitong matanda? Nanny kaya nito? Ano ba, Bradley? Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa isang babae? Kumunot ang kaniyang noo. Sinikap niyang huwag nang mapalingon pa sa gawi nang babae. Hanggang sa lumipas ang ilang minuto. Nang wala sa sariling bigla na naman siyang napalingon sa gawi ng dalaga. Muntik na siyang mapalunok nang sakto naman itong napalingon sa kaniya. Pansin niya pa ang pagkagulat nito. Gusto niyang mapangiti ng makita ang pamumula ng buong mukha nito. Ang paglunok nito na 'di nakaligtas sa kaniyang paningin! Ngunit hindi niya inaasahan ang pagkagat labi na naman nito! Para siyang tanga na biglang natulala sa dalaga! Gumalaw din ang kaniyang panga! Samantalang ang babae, bahagya nang nakayuko habang namumula ang pisngi nito. Nang-aakit ba ang babaing ito? Wala sa sariling bigkas niya sa kaniyang isipan. "I need to go ahead of you. I still have someone to talk to." Bigla siyang napaangat ng tingin nang magsalita si Mr. Chow. Tumayo na rin ito at nakipag-kamay sa amin. Nagpaalam naman akong gagamit ng banyo sa ibang mga kasamahan. "Kailan mo pa nagustuhan ang pagkain ng mga British, Princess?" Biglang bumagal ang paghakbang ko. Princess ang pangalan nito? Lihim siyang natawa ng pagak. Akalain mo nga naman, kaya pala mukha rin itong prinsesa at ganoon din pala ang pangalan nito. "Simula nang makilala ko siya." Muntik na siyang mapahinto sa paghakbang. Pinigilan pa nga niyang mapalingon! Sino ba ang tinutukoy ng babaing ito? Bigla siyang napalunok ng maramdaman ang pagkabog ng kaniyang dibdib. Nakakapagtakang simula ng makilala niya ang dalaga, napapadalas yata ang pagkabog ng kaniyang dibdib? SAMANTALANG lihim na kinikilig si Nhikira habang palihim na sinusundan ng tingin ang binatang nagpatibok ng kaniyang puso! Walang kaalam-alam ang kaniyang nanny na may dahilan kung bakit sila naroon sa British restaurant na iyon. Iyon ay dahil sa lalaking si Bradley Hames Rhys! Ang CEO ng Rhys Company. Isa rin sa pinakamayaman sa buong mundo. Ginamit niya ang perang nasa bank account niya upang alamin ang pagkatao ng binata. At sobrang nag-uumapaw ang kaniyang puso ang malamang wala pa itong asawa ni kasintahan man! Halos gabi-gabi siyang hindi pinapatulog ng maayos sa kakaisip sa binata. Buong buhay niya ngayon lang siya nagkainteres sa isang lalaki. Araw-araw niya ring inaalam ang bawat lakad ng binata. Kaya nga, nandito sila ngayon at nalaman niya kaagad sa spy niya na nandito ngayon ang binata. Pigil na pigil pa niya kanina ang 'wag 'agad mapalingon dito. Ayaw niyang magkaroon ito ng hinala na sinusundan niya ito. At nang hindi inaasahang magtatagpo muli ang kanilang mga mata! Para siyang tanga na biglang pinamulahan sa harapan nito! Hindi na naman nga niya napigilan ang mapakagat-labi! Pakiramdam niya tuloy, nang-aakit siya sa pinaggagawa niya! "Anong sinabi mo, Princess Nhikira?" kunot noong tanong ni nanny. Doon naman ako natauhan. Lihim na napalunok. "Anong sinabi ko?" Pagmamaang-maangan ko pa. Seryoso itong tumitig sa akin. "Gagamit lang ako ng banyo, nanny." Pag-iwas ko bigla habang may tipid na ngiti sa labi. Hindi pa ako handang magtapat dito. Saka na kapag nakabuo na ako ng desisyon! Nagmamadali ang bawat hakbang ko. Umaasa akong makakasalubong ko ang binata sa pasilyo. Isang tili ang kumawala sa labi ko nang sumalpok ako sa isang katawan! Mariin akong napapikit. "Watch your step." Bigla akong napamulat ng mga mata. Lihim akong napalunok ng marinig ang seryosong boses nito. Galit ba ito? Ngunit ramdam ko pa rin namang maingat ako nitong inalalayang makatayo. Napalayo pa ako ng bahagya at nakaramdam ako ng hiya. Lalo na nang pasadahan ako nito mula ulo hanggang paa. Bigla na naman tuloy akong nanliit sa pangangatawang mayroon ako! "I-im sorry.." nakayukong wika ko. Nahawakan ko pa ang dress ko. Nagtaka ako ng hindi na ito kumibo. Kaya naman dahan-dahan akong umangat ng tingin. And there.. Muling nagtagpo ang aming mga mata! Napalunok ako sa lalim ng mga titig nito. 'Di ko mabasa ang nilalaman niyon! Ang napansin ko lang, ang kaakit-akit nitong mga mata! "Next time, be careful. Not all men will save you." Sabay tingin nito sa katawan ko. Biglang namula ang buong mukha ko sa kahihiyan! Nakaalis na ito lahat-lahat, nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Hanggang sa manubig ang mga mata ko sa pinipigilang mapaiyak! Hindi ko rin napigilang mapakuyom ng kamao. Hindi ko inaasahan na lalaitin nito ang itsura ng pangangatawan ko! Ang sama mo, Bradley Hames Rhys! Mariin akong napakagat-labi. Para akong batang lumuluha sa kinatatayuan ko. Porket mataba ako?! Hindi mo alam na ikaw ang kauna-unahang nanlait sa akin! Hinayaan kong magsilandasan ang luha sa mga mata ko. "Ang sakit niyang magsalita..." bulong ko sa sarili. Nayakap ko pa ang sariling katawan. Para pa akong tanga na pinagmamasdan ang sarili. Sobrang taba ko nga! Pero kailangan bang ipamukha pa nito iyon sa akin? Sinadya ko bang mabunggo siya? Hindi naman ah?! Himutok ko sa sarili. Inis na pinalis ko ang luha sa mga mata ko. "I hate you, Bradley Hames! Buburahin na kita sa puso ko!" bubulong-bulong na wika ko sa sarili. Habang nasa banyo, malungkot akong napatitig sa sariling mukha. Maganda naman ako, ngunit mukhang hindi iyon magiging sapat upang magustuhan din ako nito? Hindi naman lingid sa akin na kadalasan nagugustuhan ng mga kalalakihan ang mga babaing seksi ang pangangatawan. Pero hindi ko kayang magpapayat! Malungkot siyang bumalik sa mesa kung saan naghihintay ang kaniyang nanny. Natigilan pa siya ng makitang nandoon pa rin ang binata. Nang maramdaman niyang titingin ito sa gawi niya, siya na ang kusang umiwas. Hindi niya malimot-limutan ang salitang binitiwan nito sa kaniya. "Anong nangyari at nakasimangot ka?" tanong ni nanny sa akin. Itinuon ko ang pansin sa pagkaing nasa pinggan ko. Ngunit nawalan na akong ganang kumain. "Wala na akong ganang kumain. Umuwi na po tayo." Nagtataka man ito ngunit pinili nitong sumunod sa gusto ko. Hindi na ako muling tumingin sa gawi ng binata. Pakiramdam ko, broken hearted ako ng mga oras na iyon! Hindi ba niya alam na siya pa lang ang lalaking nagustuhan ko? Masuwerte nga siya e! Kandahaba ang nguso ko habang nasa loob ng sasakyan. Kakalimutan na kita! I really hate you! Himutok ko sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD