SA loob ng eroplano. Natitigan ko ang malaking kama na nasa harapan ko. Hindi ko maiwasang mapalunok at mukhang madidiligan ako sa eroplanong ito. Katatapos lang ng kasal naming dalawa at ngayon nga nasa private plane kami patungong United States. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagmamadaling makabalik ang asawa ko. Hinayaan na lang din ito nila mommy't daddy lalo na't honeymoon naman daw naming dalawa. Napalingon ako ng maramdaman ang papalapit na mga yabag. "Mauna ka nang maligo," wika nito sa akin. Lihim akong napalunok. Simula kanina, 'di pa rin nagbabago ang expression ng mukha nito. Napakaseryoso na daig pang 'di asawa nito ang nasa harapan nito. Kanina sa araw ng kasal namin, 'di ko man lang ito nakitaan ng masayang ngiti gaya ng nakikita ko sa kanya noong nasa Singapore

