HINDI mapalagay si Nhikira sa kaniyang kinahihigaan. Pabaleng-baleng siya at hindi makatulog. Hanggang sa mapagdesisyunan niyang bumangon at lumabas ng kuwarto. Nang mapatulala siya sa kaharap niyang kuwarto. Bigla siyang nalungkot sa isiping hindi siya tinabihan ng kaniyang nobyo kahit ilang buwan silang hindi nagkita. Ngunit naisip niya rin na marahil paggalang nito iyon sa kanyang mga magulang lalo na't 'di pa sila ikinakasal. Hindi na rin niya kasi ito nakausap kanina at mukhang ang haba yata ng pinag-usapan nila ni daddy? Pagkatapos nang hapunan, kaagad itong dumiritso sa kuwartong nakatalaga rito at katwiran nitong masyado itong pagod sa byahe. Hinayaan na lang niya at may bukas pa naman. Hindi na kasi siya makapaghintay na malaman kung mananatili ba ito rito ng matagal? Hind

