"SANDALI.." Kasabay ng paghinto ni Nhikira ay siyang pagkabog ng kanyang dibdib nang marinig ang pamilyar na boses. Awtomatikong napalingon siya gaya nang ginawa ni Jarold. At ganoon na lang ang matinding pagkagulat niya nang makita ang nobyong nasa bungad ng pintuan. Hindi niya maitatanggi ang sayang rumagasa sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon! Hindi niya rin napigilang mapalunok habang titig na titig sa nobyo. Ngunit hindi niya mabasa ang damdaming nakapinta sa mukha nito. Seryoso iyon at blangko. Pakiramdam niya naninigas siya sa kinatatayuan at di niya magawang gumalaw sa tindi ng kabiglaan! Ang pinapangarap niyang isang araw ay makikita niya ito mismo sa pamamahay nila ay natupad na! At ang isiping pumunta ito rito upang hadlangan ang kasal nila ni Jarold halos magrigo

