HINAYAAN kong magsilandasan ang luha sa mga mata ko habang nanginginig na hinahaplos ang sarili tiyan na may kaunting umbok na rin. Tatlong buwan na rin ang nakalipas. Ngunit wala siyang balita tungkol sa binata. Pasimple niyang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata nang makarinig ng mga yabag. "Anak, nasa ibaba na sila." Muling namuo ang luha sa mga mata ko. 'Di ko akalaing tototohanin ng aking ama ang kagustuhan nitong ipakasal ako sa lalaking nagngangalang Jarold. Ilang beses akong nagmakaawa at nakiusap, ngunit sadyang matigas ito at buo ang desisyon nitong ipakasal siya sa lalaking hindi man lang niya kakilala at hindi niya mahal. Sobra din siyang nasasaktan na kaya nilang makitang nasasaktan ako at nahihirapan. Hindi ko nais maikasal sa Jarold na iyon, ngunit wala akong ka

