CHAPTER 1

337 Words
GRACE’S POV Pagkapos ko sa Bar usok kaagad ang tumambad sakin. Ang weird ko dahil ako lang siguro yung naiiba yung suot. Kung bakit ba naman kasi inimbita nila ako dito eh alam naman nila na wala akong hilig sa mga ganitong bagay. Muntikan na nga akong hindi papasukin dahil ganito yung itsura ko. Luminga linga ako sa paligid hanggang sa makita ko yung tatlong kalalakihan, kaya lumapit ako at sinuntok sa braso yung isa sakanila dahilan para magulat sila. "Grace, bakit mo naman ginawa yun?" Sabi ni Jack habang hinihimas yung braso na sinuntok ko. "Kainis naman kasi kayo! Alam niyo naman na wala akong hilig sa mga ganito." Nanghihimutok na sabi ko sakanila. Habang yun dalawa nakatingin lang sakin mula ulo hanggang paa. "Anong tinitingin niyo dyan?" Masungit na tanong ko sakanila. "Ganyan ba talaga yung tamang isuot sa mga pupunta sa bar? Woman Suit?" Tanong ni Finn. Napahirap na lang ako dahil sa tanong niya. "Galing kaya ako sa trabaho tapos pauwi na sana ako ng biglang tumawag si Tobby para lang mag-aya dito." Pagdadahilan ko. "Hindi ka man lang nag-abalang mag-ayos man lang kahit ngayon lang." Sabi ni tobby. Hindi na ako sumagot at umupo na lang sa tabi nila saka kumuha ng beer. Habang umiinom kami napansin ko na nag-iba yung sound. "Bakit ganyan yung sound? Na usually hindi naman talaga ganon yung tunog." Nagtatakang tanong ni Jack. "Baka naman may bagong Dj kaya ganon. Alam mo naman friday ngayon walang available." Sagot ni finn. Tahimik lang akong umiinom at si tobby. Nakakailang inom na din ako ng parang nararamdama ko na naiihi ako. Tumayo ako at papunta na sana ako sa CR ng may dalawang nakaharang. Dito ba naman sila magharutan. Nagtago ako at tinitigan yung dalawa. Ang tagal naman nilang nakaharang. Hindi ko na mapigilan hanggang tumakbo na ako papasok ng Cr. Nabangga ko pa yung balikat nung lalake. DAEWON’S POV Hindi man lang nagpasorry yung babaeng nakabangga sakin. Pssh. Iinom hindi naman pala niya kaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD