CHAPTER 2

658 Words
Habang umiinom ako may nahagilap ako na babae at may kasamang tatlong lalake umiinom sila. Napansin ko kung paano ngumiti yung babae. Maganda siya kaso nakasalamin at parang siyang grim reaper. Halos parang hindi na mawala yung paningin ko sakanya. Nakita ko kung paano tumayo yung babaeng nakasalamin kasama yung tatlong lalake. Ilan minuto lang nakita ko na lang yung sarili ko na sumusunod sakanila. Habang nagmamaneho ako nakita ko kung saan sila huminto. Isang condominium building. Siguro dito nakatira yung babae. Napagpasyahan ko na lang umuwi total ano narin naman oras, may trabaho pa akong aasikasuhin. Grace's POV Matapos akong ihatid nung tatlo kinausap ko sila na dumeretso ng uwi dahil baka saan nanaman magpupunta yung tatlong mokong na yun. Kung hindi dahil sakanila bala wala akong matutuluyan ngayon. Baka pupulutin na lang ako sa kalsada pag nagkataon. Actually kay Jack talaga itong condo kung saan ako nagsstay. Hindi naman daw niya ginagamit kaya pinatuloy niya muna ako. Silang tatlo lang talaga yung kaibigan ko since high school hanggang college. Naalala ko tuloy yung pagtatanggol nila sakin yun time na binubully ako ng mga classmate ko. Kundi dahil sakanila wala akong kaibigan, wala akong masasabi na pamilya ko talaga. Kung makikipagkaibigan naman ako sa babae alam na alam ko na iba yung gusto nila. Kaya nagpapasalamat ako sakanilang tatlo dahil dumating sila sa buhay ko. Naghilamos na ako at humiga na. Matutulog na sana ako ng biglang sumagi sa isip ko yung kanina sa club. Napansin ko kasi kanina na parang may nakatingin sakin. Tumingin naman ako dun sa may gawi nung nakatingin sakin pero hindi ko masyadong maaninag dahil madilim sa parting yun, kaya pinagsawalang bahala ko na lang kasi baka nagiilusyon lang ako. Hanggang sa makauwi ako. Itutulog ko na lang to tutal sobrang pagod din yung nararamdaman ko. KINABUKASAN habang nakasakay ako sa taxi papunta sa pinagtatrabuhan ko biglang tumunog yung phone ko. Nakita ko na tumatawag yung kapatid ko. Huminga muna ako ng malamin bago sinagot. "Hello?" "Ate? Kamusta ka na?" Tanong ni Elix sa kabilang linya. "Okay lang naman ako. Ikaw bunso?" Tanong ko. "Okay lang din ako ate. Namimiss na kita, kailan mo ba ako bibisitahin dito sa bahay?" Malungkot na tanong nito. Napabugtong hininga naman ako dahil sa narinig ko. "Miss ka na din ni ate bunso. Pag dayoff ko pupuntahan kita dyan." Sabi ko. "Sabi mo yan ah? Aasahan ko yan ate, nga pala pinapasabi ni dad na pumunta ka daw dun sa party. Aasahan ka daw niya na pupunta ka. Mamaya na yun ate." Sabi nito. Ito nanaman. Bakit ba ang hilig ni dad na papuntahin ako sa mga ganon, alam naman niya na ayoko. "Bunso. Nandyan ba si dad?" "Oo ate, kasama ko siya ngayon." Sabi nito. "Ibigay mo muna sakanya. Kakausapin ko siya." Sabi ko. Ilan segundo lang narinig ko na yung boses ni dad sa kabilang linya." "Dad. ." Tawag ko. "Anak? Princess. Kamusta ka na?" Tanong nito. "Okay lang ako dad. Kayo po?" Tanong ko. Bumaba na ako ng taxi dahil nandito na ako. "Okay naman ako anak. Buhay pa naman." Natatawang sabi nito. Napangiti na lang ako, dahil sa tuwing kinakamusta ko siya palagi niya yun sinasabi. Walang nagbabago. "Dad. Ano po bang party yung sinasabi ni Elix?" Tanong ko. "Napromote na kasi yung anak nung kapartner ko sa kumpanya iniimbita nila tayo." Sabi nito. Hindi kaya kasama yung tatlong mokong? Dahil sina dad magkakaibigan sila. Actually lima silang magkakapartner sa kumpanya, pero may sarili din naman kumpanya si dad lalo na sina tito. Kumbaga parang naunang kumpanya nilang magkakaibigan yun. "Imbitado po ba yung tatlong kaibigan ko? Syempre dad alam niyo naman sina tito kaibigan niyo din." Sabi ko. "Oo naman anak, hindi naman mawawala yun." Sabi nito. Lalong lumapad yung ngiti ko dahil sa narinig ko mula kay dad. "Okay dad, pero wag niyo pong aasahan na mageenjoy ako." Sabi ko. Pagkatapos nun nagpaalam na ako dahil may trabaho pa ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD