Daewon's POV
Kasalukuyan akong nagbibihis ng may biglang kumatok.
"Pasok." Tipid na sabi ko.
Bumukas naman yung pintuan at nakita ko si dad na nakangiti sakin.
"Makangiti dad ah. Anong meron?"
Lumapit ito sakin at tinapik niya yung balikat ko habang hindi pa din nawawala yung ngiti niya. "Pumunta ka mamaya sa party. Para sayo yun dahil promoted ka na as a CEO." Sabi nito.
"Thank you dad." Nakangiting sabi ko.
Hindi ko alam pero pinagkatiwala sakin ni dad yung kumpanya. Hindi niya ibinigay kina Damien at Dalhia dahil may kanya kanya silang business.
FAST FORWARD
Habang nasa pagtitipon kami may mga bumati sakin, dumating din si mommy na galing kina lola. Sina damien at dalhia din dumating.
Habang kausap ko si Mr. Jin ipinakilala niya yung bunso niyang anak na si Elix Jin. Hindi pa daw kasi dumadating yung panganay niya.
Napansin ko na may magandang babae na lumapit kay Mr. Jin nakabackless dress siya na kulay black may kasamang tatlong lalake na parang pamilyar.
Hanggang sa maalala ko na sila yung nasa club. Napatingin ako dun sa babae, pinakatitigan ko siya ng maigi baka namamalikmata lang ako pero hindi dahil siya yung babaeng nakasalamin na kasama nung tatlong lalake.
"Daewon hijo, ito yung princess namin na si Grace at sila yung kaibigan niya." Pagpapakilala ni Mr. Jin.
"Daewon." Tipid na sabi ko at nilahad yung kamay ko. "Grace Jin." Sabi nito at tinanggap din yung kamay ko.
Nakilala ko din yung tatlong lalake na kasama niya. Matagal na pala silang magkakaibigan. Pansin ko kay Mr. Jin hindi niya kasama yung asawa niya.
"By the way Tito Felix nasaan po yung asawa niyo?" Tanong ko.
Napansin ko naman na biglang nag-iba yung emosyon ni grace. "Wag mo ng itanong." Walang emosyon na sabi ni grace at iniwan kami.
Susundin na sana nung tatlo si grace ng bigla silang inawat ni tito felix. "Hayaan niyo na siya, alam niyo naman hindi pa tanggap ni grace na wala na yung mommy nila ni elix." Sabi nito.
"Pero tito, baka anong mangyari sakanya." Pag-aalala ni tobby. Sumang-ayon naman yung dalawa.
"Kaya niya naman yung sarili niya saka alam ko na gusto niya din mapag-isa." Sabi nito.
Napatango na lang sila saka umupo sa tabi nila tito felix. Napatingin naman ako sa gawi ni grace nasa bar counter umiinom.
"Tito wag niyo sanang ikagalit pero nasaan po ba yung asawa niyo?" Tanong ko.
Ngumiti ito ng tipid pero alam ko na may lungkot iyon. "Namayapa na siya. Hindi tanggap ni grace na wala na yung mommy niya dahil sinisisi niya yung sarili niya kung bakit siya nawala. Kaya hindi siya nakatira sa bahay namin kundi nakatira siya sa bahay ng kaibigan niyang si Jack. Pagdadahilan nito kung patuloy daw siyang titra sa bahay baka palagi daw niyang maalala yung mommy nila kaya pinayagan ko na tumira siya dun sa condo ni jack." Kwento nito dahilan para mag-iba yung mood ko. Inis ang nararamdaman ko.
"Ano po bang nangyari?"
"May sakit kasi yung mama niya sa puso at yung araw na yun ipinagmaneho ni Sintia si grace umuulan non kaya naaksidente sila dahil madulas ang daan. Palaging sinisisi ni grace na kesho kung hindi daw pinilit ni grace yung mommy nila noon edi sana buhay pa daw siya, pero hindi ko siya sinisi dahil wala naman may kasalanan sa nangyari." Dugtong nito.
Natahimik na lang ako, hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin ko.