Grace's POV
Pagkagising ko madilim na sa labas. Tinanggal ko yung braso ni Daewon na nakapalupot sa bewang ko at dumeretso sa banyo saka naghilamos at nagtoothbrush.
Pagkalabas ko nakita ko pa din siya na mahimbing yung tulog. Lumapit ako sakanya saka hinaplos yung buhok niya.
Habang hinahaplos ko yung buhok niya narinig ko na lang na parang bumukas yung pintuan kaya tumingin ako pero malabo, kaya lumapit ako saka siya tinitigan hanggang sa makita ko ng konti yung mukha niya kamukha siya ni Daewon.
"Sino po sila?" Tanong ko.
"I'm Daewon's dad. Ikaw siguro yung asawa ni daewon diba? Grace Jin?"
"Opo, ako nga po. Pasensiya na po hindi ko po kayo makita." Pagdadahilan ko.
Naramdaman ko na lang na parang may pinasuot siya sakin para makita ko siya ng maigi. "P-paano niyo po nalaman yung grado ng mata ko?" Nagtatakang tanongg ko dahil nakikita ko na talaga siya.
Tumawa lang siya. "Pinakiusapan kasi ako ng asawa ko, kahit galit yun at inutusan niya ako." Sabi nito.
"Thank you po." Nakangiting pagpapasalamat ko sakanya.
"By The Way, are you related to Felix Jin?" Tanong nito.
Tumango ako, "Opo, siya po yung daddy ko."
Ngumiti ito. "Isa ako sa mga kaibigan niya, pero bakit ngayon lang kita nakita o nakilala?" Tanong nito.
Lumabas kami sa kwarto ni daewon saka dumeretso sa dinning room, pagkarating namin nakita ko si mama na nakaupo habang nagkakape pero wala si Daemien.
"Good Evening po mama. Thank you po pala sa salamin." Bati ko saka umupo sa harapan niya.
"Good evening din hija, you're welcome. Inutusan ko talaga yung isa para hindi ka mahirapan." Sabi nito.
Nag-umpisa na kaming kumakain. Napansin ko na hindi siya masyadong nagpapansinan. Tumahimik na lang ako, nasa kalagitnaan kami ng dinner ng biglang may humalik sa pisngi ko dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Buti gising ka na, sumabay ka na." Sabi ko.
Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya sakin. " Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Lalo kang gumanda dyan sa bagong salamin mo, kanino galing?"
Natawa ako dahil sa narinig ko. "Sa Parents mo." Nakangiting sabi ko habang nakatingin sa parents ni Daewon.
Ngumiti ito. "Salamat dad, mom." Sabi nito saka nag-umpisang kumain.
Nang matapos kaming kumain nila daewon umakyat kami kaagad. Habang nakaupo ako sa kama habang siya nakahiga pero nakayakap sa bewang ko.
"Pupuntahan ko yung kapatid mo bukas." Panimula ko.
"Tapos ano? Mapapahamak ka nanaman?" Inis na tanong nito.
"Hindi na, mag-iingat na ako."
"Hindi. Sasama ka sakin sa company, dun ka lang sa tabi ko." Sabi nito.
"Kakamustahin ko lang naman yung kapatid mo aa." Naiinis na sambit ko.
"Buo na yung desisyon ko, sasama ka sakin." Sabi nito bago tumayo saka dumeretso ng banyo.
Napabugtong hininga ako dahil sa sinabi niya, mukhang talo na naman ako sakanya.