KINABUKASAN maaga kaming nagising ni daewon. Dumeretso kaagad kami sa company niya, kahit hindi pa ako nakakain samantalang siya kumain na.
Papasok na sana kami ng elevator ng pinigilan ko siya. Nagtatakang tumingin siya sakin. "Mauna ka na, cr muna ako." Paalam ko bago pumunta ng C.R
Pagkapasok ko cr, may mga nakita pa ako na mga empleyado na nag-aayos, nag-ayos na din ako saka ko inayos yung buhok ko. Inipitan ko pa para comportable ako.
Pagkalabas ko nang CR may mga nakikita ako na nakatingin sakin at may naririnig ako na parang pinag-uusapan ako. "Diba siya yung sinasabi nila na asawa daw ni Sir Daewon? Ang ganda pala niya kahit nakasalamin siya." Sabi nung mga nadadaanan ko.
Napangiti tuloy ako habang papasok ako sa elevator, pagkarating ko sa mismong floor dederetso na sana ako dun sa pintuan ng may marinig ako.
"Bakit siya pa? Pwede naman ako. Di hamak na may ipaglalaban ako sakanya." Familiar na boses pero sana naman hindi ako magkamali.
Sumilip ako sa nakabukas na pintuan at nakita ko si kim na nakaupo sa mesa ni damien at nakaharap pa si Kim sakanya.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng sakit dahil sa nakikita ko. Nakita ko kung paano lumapit si kim kay daewon at hinalikan siya sa labi.
Hindi ko alam kung paano ko nakayanan yung nakita ko, umiinit yung gilid ng mata ko kaya kaagad kong pinunasan.
Nakita ko na kung paano itulak ni daewon si kim. "May mga gusto ako na wala sayo na meron kay grace. Hindi siya mahirap mahalin." Sabi nito.
"At matagal na tayong wala, matagal na kitang iniwan." Dagdag pa ni Daewon. So naging sila pala? Kaya ganon ba yung reaction niya nun nung nakwento ko yung nangyari sakin? Ang ganda.
"Ma'am bakit po kayo nandyan? Bakit hindi po kayo pumasok sa loob ng office ni sir?" Biglaang tanong nung secretary niya.
Tumingin ako sakanya saka ngumiti ng tipid. "Huwag na, paalis na din naman ako." Sagot ko.
Tumingin ako ulit kina damien bago umalis. Pagkasakay ko sa elevator tinext ko si finn na sunduin ako dito.
Pagkalipas ng 20 minutes dumating si finn, pagkalapit niya sakin pinagbuksan niya kaagad ako ng pintuan. Sumasakay naman ako saka sumakay na din siya.
"Dadalian natin aa, hinahanap ka din kasi ni Rex at nilalagnat siya." Sabi nito habang binibilisan yung pagmamaneho.
"Bakit hindi mo sinabi kaagad." Nag-aalalang sabi ko.
Biglang tumunog yung phone ko, pagkakita ko sa screen tumatawag si daewon. Pinabayaan ko na lang siguro ako na yung tatawag sakanya mamaya.
Pagkarating namin sa bahay ni Finn dali-dali akong bumaba saka mabilis na pumasok sa bahay nila nakita ko sina Tobby saka si Jack na pinapatahan si Rex.
"Tito, please puntahan natin si mommy." Umiiyak na sabi nito habang yakap-yakap si Tobby.
"Nandito na si mommy." Biglang sabi ko dahilan para mapatingin sila sakin.
"Mommy." Umiiyak na tawag ni Rex saka tumakbo papunta sakin kaya binuhat ko siya.