CHAPTER 18

746 Words
Daewon's POV Matapos kong makausap si kim, nagtataka ako dahil hindi pa bumabalik si Grace. Nasaan na siya? Napagdesisyunan ko na tumayo at lumabas ng office ko hanggang sa nadaanana ko yung table ni Sammy. "Sammy. Hindi pa ba pumunta dito si Ma'am Grace mo?" Tanong ko. "Hm. Si Ma'am Grace po ba? Nandyan po siya kanina nung kausap niyo si Ms. Kim. Umiiyak pa nga po." H-hindi kaya nakita niya yung kanina? s**t! Kinakabahan tuloy ako. "Nasaan siya ngayon?" Tanong ko. "Hindi ko po alam sir. Kanina pa po siya umalis." Sagot nito. "Osige. Salamat." Sabi ko at mabilis na umalis ng company. Tinatawagan ko siya pero hindi siya sumasagot. Nagmaneho ako papuntang bahay ng dad niya, pagkarating ko bumaba kaagad ako at nagdoorbell. Ilan beses akong nagdoorbell hanggang lumabas si Elix, yung kapatid ni grace. "Kuya Damien. Anong ginagawa niyo dito? Buti dumalaw ka?" "Nandito ba si Grace?" "Wala siya dito e, tignan mo sa kabilang bahay baka nandon. Nilalagnat kasi yung anak ni Kuya Finn." Sabi nito. Alam nila na asawa ko si grace, pero grace walang alam na alam ng pamilya niya. "Salamat elix." Sabi ko bago pumunta sa tabing bahay nila. Nagdoorbell ako, ilan minuto lang binuksan ni Finn yung pintuan. "Nandyan ba si grace?" Tanong ko. Tumango siya. "Oo, pumasok ka na." Sabi nito saka niluwagan yung pagkakabukas ng pintuan. Pagkapasok ko sa bahay napansin ko yung picture frame na malapit sa hagdan. Si grace saka yung anak ni Finn. Kami kaya kailan kami magkakaanak? Ilan ng beses na may nangyari samin pero bakit hanggang ngayon wala pa din? "Nasaan si grace?" Tanong ko. "Tignan mo sa kwarto na malapit sa hagdan nandon siya kasama nung anak ko." Sabi nito Sumunod ako sa sinabi niya at itutulak ko na sana yung pintuan ng marinig ko yung sinabi ni Rex. Dahil nakabukas ng konti kaya naririnig ko sila. "Mommy, pag po ba nagkababy na po kayo ni Tito Daewon anak niyo pa din po ba ako?" "Oo naman baby. Nahihirapan kasi si mommy na magbuntis kaya hindi ko alam kung may baby na sa loob ng tummy ko." Sabi ni grace. "Mommy, pag po girl yung baby pwede po bang ako yung magbantay?" "Oo baby, panghahawakan ko yang sinabi mo okay?" Nakita ko kung paano tumango si Rex. Napatingin sakin si Rex at ngumiti. Tumayo siya saka lumapit sakin at hinila ako. "D-daewon. Anong ginagawa mo dito?" "Buntis ka ba?" Yumuko si grace kaya hinawakan ko yung mukha niya saka pinaharap sakin dahil ayoko sa lahat yung yumuyuko pag kinakausap ko. "Hindi pa, hindi ko pa alam." Malungkot na sabi nito. "Tito daewon, aalis na po ba kayo ni mommy?" Inosenteng tanong ni rex habang nakahiga sa kama. Ngumiti ako sakanya. "Oo, kailangan na namin umuwi ni mommy mo." Pahayag ko. "Okay po, basta ingat po kayo." Nakangiting sabi nito. Tahimik lang lumabas si grace kaya sumunod ako sakanya nakita ko na nagpaalam siya sa mga kaibigan niya bago lumabas at sumakay ng kotse. Pumasok na din ako. Habang nasa byahe kami sumusulyap ako sakanya pero ang tahimik niya hanggang sa makarating kami ng condominium building ang tahimik niya. Nung nasa mismong unit na kami hinila ko yung braso niya bago pa siya makapasok sa kwarto namin. Kanina pa ako nagtitimpi, naiinis na ako sa pinapakita niya. "May problema ba?" Tanong ko. "Bakit? May dapat ba tayong problemahin?" Dahil sa sobrang inis ko hinila ko siya papalapit sakin habang hawak pa din yung braso niya. "Wag akong tanungin ng isang tanong pa habang hindi mo pa sinasagot." Giit na sabi ko sakanya. Hindi man lang siya sumagot o ano. "Alam mo ba kanina pa ako naiinis dahil sa sobrang tahimik mo. Hindi ko naman alam kung anong problema mo." Nagpumiglas siya saka lumayo sakin ng konti. "Bakit hindi mo pa puntahan si kim?" "Napasok naman si kim dito sa usapan natin." "Kaya ba nung ikwento ko sayo yung nangyari sakin ganon yung reaction mo? Sabagay hindi ko naman alam dahil kailan ko lang naman nalaman na asawa kita. Biglaan lang naman kitang naging asawa." Sabi nito. Bigla tuloy akong napatahimik sa sinabi niya. "Gusto mo bang bumalik sakanya? Sige go!" Sabi nito. Nakita ko kung paano siya umiyak pero kaagad niyang pinunasan. "Siguro naman nag enjoy ka sa halikan niyong dalawa." Sabi nito bago pumasok sa kwarto. Nanghihina ako dahil sa mga sinabi niya at nakita pala niya yung nangyari kanina sa office ko, kaya pala hindi na siya bumalik kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD