Grace's POV
Lupilas yung dalawang linggo na hindi kami nag-uusap, humiwalay siya ng pagtulog. Natutulog siya dun sa isang kwarto, kahit pag dinner hindi kami nagkakasabay.
Alam ko na mali yung mga pinagsasabi ko pero sobrang nasaktan lang ako at nagselos ako nung araw na yun.
11:30 pm na alam ko tulog na siya, pero ako hindi pa makatulog dahil hindi ko alam kung gagawin ko. Namimiss ko na siya, namimiss ko na din na makatabi siya sa pagtulog.
Lumabas ako ng kwarto saka dumeretso sa kwarto niya at dahan-dahan binuksan yung pintuan. Nakita ko siya mukhang mahimbing na yung pagkakatulog niya.
Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto niya saka umupo. Hinahaplos ko yung buhok niya habang mahimbing yung tulog niya. "Daewon sweetheart, sorry ah. Hindi ko sinasadyang masabi yung mga salitang yun. Alam ko na parang nasaktan kita dun sa part na 'biglaan mo lang akong naging asawa. Hindi ko sinasadya nasaktan kasi ako ee at nagselos ako sa nakita ko. Sana magpansinan na tayo. Miss na miss na kita at miss ko na din na makasama ka sa pagtulog." Sabi ko, para akong ewan na nagsasalita dito habang si daewon tulog.
"Good night, i love you sweetheart." Bulong ko patayo na sana ako ng may humila sa kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya at biglang pinalupot yung braso niya sa bewang ko.
Naramdaman ko na inaamoy niya yung buhok ko. Tumingala ako sakanya at sakto naman na nakatingin siya sakin. "Ahmmm. It's okay, oo nasaktan ako pero nasaktan din naman kita. Wag mo nang alalahanin si kim. Matagal na iyon, I'm sorry too sweetheart. Dito ka na muna matulog sa tabi ko miss na kita." Sabi nito.
Napangiti ako. "Miss na din naman kita. Nagtitimpi lang ako kahit gusto na kitang makausap." Sabi ko saka umayos ng pagkakahiga.
"Tulog na tayo, good night sweethear. I love you." Sabi nito.
Nabigla tuloy ako dahil sa narinig ko. "A-ano?"
"I love you sabi ko." Ulit na sabi nito.
"I-I love you too daewon, sweet dreams." Sabi ko saka yumakap sakanya at pumikit.
**
KINABUKASAN nagising ako pero tulog pa din si daewon. Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising.
Patakbo akong pumunta ng banyo ng parang bumaliktad yung sikmura ko. matapos akong magsuka, nanghihina akong kumapit sa lababo dahil nanghihina ako at nahihilo. Aayos na sana ako ng pagkakatayo ng bigla akong mandilim yung paningin ko.
Huling nakita ko papalapit sakin si Daewon bago ako mawalan ng malay.
Daewon's POV
Tumakbo ako papalapit kay grace ng makita ko siyang natumba at nawalan ng malay. May hindi ba siya sinasabi sakin?
Kinuha ko yung susi ng kotse sa sofa saka ko binuhat si grace. Pagkababa ng elevator sinakay ko kaagad siya sa passenger seat saka ako pumunta sa kabilang pwesto.
Habang nagmamaneho ako hindi ko maiwasan na hindi mapatingin kay grace na walang malay ngayon.
Pagkarating namin sa hospital inasikaso kaagad si grace. Pinahintay nila ako sa waiting area. Lumipas ang 20 minutes lumabas yung doctor na nagsuri sa asawa ko.
"Doc. Kamusta yung asawa ko?" Nag-aalalang tanong ko.
"Normal lang na mahilo, dahil buntis ang asawa mo. Hindi mo lang alam pero pumupunta dito si grace para magpasuri dahil nahihirapan siyang magbuntis. Siguro nagdadahilan siya sayo na hindi niya pa alam." Kwento ng doctor.
Nakaluwag yung paghinga ko dahil sa narinig ko mula sa doctor. "Salamat doc." Nakangiting pagpapasalamat ko.
Dumeretso ako sa private room ni grace. Pagkakita ko sakanya nakagising na siya. "Sweetheart." Malambing na tawag ko sakanya.
Lumapit ako sakanya saka umupo sa tabi ng kama niya. "Hmm? Anong nangyari daewon?" Tanong nito.
"Nahimatay ka. Bakit hindi mo sinabi sakin na nagpapacheck-up ka pala dito? Sana sinamahan kita para naman may kasama ka."
Napaiwas siya ng tingin. Hinawakan ko yung chin niya at pinahirap siya sakin. "Kaya ka lang nahilo at nawalan ng malay dahil buntis ka."
"T-totoo? M-magiging mommy na ako?" Naiiyak na tanong niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Tumango ako. "Oo. Magiging mommy ka na at magiging daddy na ako." Nakangiting sabi ko saka pinunasan yung basang pisngi niya.
"Thank you." Saka siya hinalikan sa labi at tumugon naman siya. Pagkaputol ko tinitigan ko siya sa mata habang siya nakapikit at nakangiti.