Mabilis akong nagbihis. Hindi ko nga namalayan na patakbo na akong bumababa sa hagdan at akmang lalabas na nang harangin ako ni East. “Hey, what’s going on—” “Si mama. She… she’s in the hospital and I need to see her,” hindi mapakali kong sabi. “Go in the car and wait for me,” aniya. Agad ko siyang sinunod at hindi nagtagal ay sumunod na rin siya sa ‘kin sa garahe at minaneho ang sasakyan paalis ng bahay. “What hospital?” tanong niya. Tinignan ko ang message na sinend sa ‘kin ni Papa dahil nando’n ang address ng hospital kung nasaan sila. “St. Alexius,” sabi ko. “Okay, baby. Please calm down, nanginginig ka,” puno ng pag-aalalang sabi niya. Mabilis pero maingat ang pagmamaneho niya. His one hand is holding mine which I find very helpful dahil ramdam kong hindi ako nag-iisa. He is hol

