“Susunod ka ba do’n?” tanong ko kay East habang naglalakad kami pabalik sa hospital room ni Mama at Papa. “Yes, hon. Kukunin ko lang ang mga gamit na kailangan mo tapos pupunta na rin ako agad do’n,” sagot niya. Lalabas na si Mama ngayon sa hospital pagkatapos ng dalawang linggo ng pananatili niya. She’s okay now although nanghihina pa rin siya. I told her to spend more days in the hospital but she disagreed. Gusto niya na lang daw umuwi at sa bahay na magpahinga. East also offered to have them a personal nurse pero umayaw sila ni Papa. Wala naman kaming nagawa kung hindi sundin ang gusto ng mga matatanda kaya nagbayad na lang kami ng bills. “Wala ka bang trabaho? Hindi na kita nakikitang pumapasok at umaalis para pumunta sa resort niyo. You’ve been spending time here in the hospital wi

