Nang makapasok kami ay hindi ko mapigilan ang pagkamangha. Malinis ang cabin at hindi masakit sa mata kahit maraming gamit. "Isang kama lang mayroon?" agad kong natanong nang mapansin ko ang malaking kama na nasa likod ng malaking bookshelf na puno ng mga libro. "Yes, what's wrong?" Tumaas ang kilay ko. "Saan ako matutulog?" "Sa kama." Nginuso niya ang kama which made me looked on his lips. Umiwas rin naman agad ako ng tingin dahil baka makita niya. "So, sa sofa ka?" tanong ko ulit. "Sa kama rin." Sinamaan ko siya ng tingin pero nagkibit balikat lang siya. Argh, I so hate him. "You hungry? Magluluto ako," aniya at pumunta sa mini kitchen na nasa gilid. Gusto ko sanang makipagtalo dahil ayaw ko siyang katabi sa kama pero naisip kong puwede naman akong mag hotel na lang kung ipipili

