"Maglalayas ka ba?" Tinignan ko ang mga gamit na pinalagay ko sa kanya sa loob ng sasakyan. Wala naman akong mali na nakikita sa dami ng gamit na dala ko. Kaunti pa nga ‘yon sa usual kong dinadala kapag nagbabakasyon. "What?" I asked. "Ang dami mong dala," he answered and open the car's door for me. I said thank you before entering. “You told me to pack my things kasi may pupuntahan tayo. I keep on asking you where are we going but you keep on saying 'secret' naman. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dadalhin kaya dinamihan ko na lang for choices." Nakakairita siya. Ilang beses ko siyang tinanong ng maayos pero hindi naman siya sumasagot ng maayos. Kung hindi lang siya sumbongero kay Mama hindi talaga ako sasama. Nagiging isip bata bigla, e puwede na nga siyang gumawa ng bata! "Okay."

