Maid 1

4087 Words
"Thank you for your hardwork, Master!" I smiled sweetly at him. He really looked like he had a rough day. Kaya kahit hindi labag sa loob ko ang cringey na ginagawa ko, I am trying my very best na maiparamdam sakanila ang comfort. Napa hinga naman ako ng maluwag when the last customer head out. Nakakapagod! "Thank you for your hard work, Ellie!" Sabay sabay na sambit ng mga kasamahan ko sa trabaho. I smiled in return. Kapag nag salita ako, paniguradong hahaba lalo ang usapan namin. Hindi ko naman gugustuhin na malate sa pag pasok sa school. Agad kong dinampot yung mga gamit ko at tumakbo na papalabas. Hindi ko masyadong nabantayan ang oras dahil na rin sa dami naming ginawang pag hahanda para sa darating na event ng Caffelandia. Mula sa designs ng shop hanggang sa magiging costume. Umupo ako saglit sa bangko malapit sa gate ng school namin para mag pahinga. Nawala sa isip ko na halos wala pa akong tulog mag mula kahapon. I saw the guard smiled at me. Natawa na lamang ako sa sarili ko. Aasahan ko na mukha akong hindi manganak na pusa sa sobrang pula. Masisisi niyo ba ako sa lagay ko ngayon? Work is life, but school is lifer! Sumaludo ako kay Manong pag ka tayo ko para maipahiwatig na ayos na ako. Sa totoo lang ay sanay na sa akin iyang si Manong, sa araw araw ba naman na akala mo'y laging may humahabol sa aking sampung aso at lagi akong hingal na pumapasok sa eskwela. "Good morning, Miss President!" Saludo nitong pabalik sa akin tsaka ko siya inabutan ng kape. "Mukhang galing pa kayo sa trabaho ah." Tumango na lamang ako sakaniya. Huli na nga ako sa klase nakuha ko pang makipag chismisan? Iba ka rin, Ellie! Wala akong masabi sa iyo! Marami pa ang bumabati sa akin kaya lang ay hindi ko naman lahat sila ay mangingitian sa sobrang pag mamadali ko. Kaya kahit saglit na lingon ay hindi ko na magawa, "Nako, Ellie! Strikta pa naman ang professor mo ngayon. Mag bibilang ka na naman ng hibla ng buhok mo pag nag kataon!" Walang masama kung paminsan minsan kakausapin at tatakutin mo ang sarili mo, trust me! Naka hinga ako ng maluwag nang makitang wala pang masungit at matabang guro sa harapan. Nakakaloka ang isang iyon! Dahil sa tuwing may mag-aaral siyang mahuhuli sa klase ay pinag bibilang niya ng hibla ng buhok. Hindi ako nag bibiro at hindi lang yun basta pananakot sa sarili ko no! Lumipas ang mga nakakaantok na oras at ang pag pipigil ko na maka tulog sa oras ng klase. Ramdam ko rin kasi ang tingin ng madla sa akin. Wala bang ibang mas nakakakuha ng pansin nila maliban sa akin? Nakakaloka! Nang marinig kong tumunog yung bell ay agad akong nag madali papunta sa opisina namin. Hindi ko na nga naisipang ayusin pa ang gamit sa bag ko dahil na rin sa dami nang gagawin namin mamaya. Napa tigil ako sa pag lakad nang maramdaman ko ang pag kirot ng ulo ko. "Hindi ka pwedeng makisabay ngayon? Naiintindihan mo ba?" Saway ko sa ulo ko habang dahang dahan ko itong hinihilot. Napa pikit ako ng mariin nang may nakita akong lalaki sa harapan ko, "Saan po ako nakikisabay, Miss Pres?" Bakas pa sa mukha nito ang pag kagulat. "It's not you, okay." Madali akong umalis sa kahihiyan. Kahit kailan ka talaga, Ellie. Walang pinipiling lugar sa pakikipag usap mo sa sarili mo, umayos ka nga! "Pres!" Pakiramdam ko ay pumutok ang mga ugat ko sa ulo nang marinig ko ang pga sigaw ni Oreo. Hindi ba siya marunong makipag usap ng maayos? "Okay ka lang ba?" Tanong niya nang mapansin iyang naka kunot ang noo ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at nauna ng mag lakad. Para siyang answering machine na hanggat may sinasabi ka, may sinasabi rin siya. Pero kahit tahimik ka na at wala ka ng pakialam sa sinasabi niya, dumadaldal pa rin siya. Parang answering machine, ang sarap patayin! Agad na sumalubong sa akin ang mala bundok na papel sa lamesa ko. Napa iling na lamang ako. Sa paningin ako ay basura na lamang kayo! Sabay tabig ng mga papel sa harapan ko. Pero syempre biro lang yun. "Ate Ellie." Malambing na tawag sa akin ni Oreo. Hindi ko malaman sa isang to kung ano ba ang kailangan. Wala namang ginagawa dito kung hindi ang panunuod sa akin, "Matagal ka pa ba dyan?" Saglit ko siyang tinapunan ng tingin bago ngitian, "May kopya ka ba nito, Oreo?" Pakita ko sakaniya nung budget allocoation for the month of April. Pero pawang wala siyang naririnig at derecho sa pag titipa sa cellphone niya. Kahit kailan talaga ang isang ito! Iwinagayway ko ang papel sa mukha niya hanggang sa mairita siya at agad na ngumuso sa akin. Pakiramdam niya cute siya mukha naman siyang tuta, "Kain na kais muna tayo!" Napa iling na lamang ako sa sinagot niya. "Later na yan, please?" Nag sisisi ako kung bakit namin siya trinato ng ganito. Oo nga't siya ang pinaka bata pero pakiramdam ko ay nasobrahan kami sa trato namin sakaniya, "Kung tinutulungan mo kasi ako dito di sana kanina pa ako tapos, hindi ba?" Ngumuso na naman siya sa akin kaya agad kong hinatak ang nguso niya. Napa layo siya habang hawak hawak ang mahaba niyang nguso. Mukha kasing bibe, nakakagigil! "Kanina pa kaya kita kinakausap na naayos ko na yan at lahat may kopya na ako pero para kang ewan dyan na ginulo na naman, kaya hinayaan kita!" Proud na proud pa na pag kakasabi niya. Napa tigil ako sa ginagawa ko. Kaya naman pala wala na akong iniaalis. Ganito pala karami yung pinag usapan namin nung nakaraan? Nakakalula! "Guys, I'll be having lunch with Oreo. You can have your break too. Thank you for your hard work." I smiled sweetly at them. Pero instead of letting me go, they called out for me. May masama ba akong sinabi? "I think I've heard that before." What? Louis stand up beside me, "Parang narinig ko na rin yun, Miss President. I couldn't recall where and when." Napa isip rin naman ako. Ano bang sinabi ko na narinig na nila sa iba noon? Ellie! I called out for myself. Why did you use that?! I remember using "Thank you for your hard work, Master." during work hours! Heto yung kapag we are asking what happened in the whole day! "Kung ano-anung inisiip niyo, tara na nga!" Hila ko na lamang agad kay Oreo. Nakakaloka ka, Ellie! Kaya naman pala mukha silang mga hog riders na uhaw na uhaw sa information about you because you keep on feeling them! You keep onsatisfying their appetite. Ibang klase ka talaga mag-isip, Ellie. Sabay na kaming lumabas ng opisina habang si Oreo parang unggoy na nakasabit sa akin. Isip bata talaga! "Wala ka bang klase, Oreo?" "Makakasama ba ako sayo kung meron, Ate?" Pamimilosopo na sagot niya habang masaya pa rin na naka kapit sa akin. Hindi ba niya alam na pagod ako galing sa trabaho tapos kung maibigay niya sa akin yung bigat niya parang ganun ganun na lang? Suntukin ko kaya ang isang to? Dear Ellie, you are insuating to hit a person who knows nothing about your work. I adore you for being so reasonable. Please, just stop existing? Napa tigil ako ng mga biglang tumigil si Oreo. Malamang sa malang kasi nakakapit siya sa akin, "Nakita ko nga po pala si Kuya Mike kanina. Sabi niya bakit daw hindi ka nag rereply sakaniya?" Napa tingin ako sa parang kiti kiti na si Oreo Rain, "Hindi naman ako kasing yaman niyo na may load araw araw." Akala ko naman kung ano nang importante ang nakita niya. Puro kaharutan lang naman pala ang bitbit. Nag simula na naman pong mag daldal ang answering machine sa tabi ko. Hindi ko naman siya kinausap na mag mula kanina pero tuloy tuloy pa rin siya sa pag kekwento at kilig na kilig. Para siyang uod na inasinan sa sobrang likot. Lalo tuloy sumasakit ang katawan ko sa mga pag hila hila niya. Wala rin naman akong maintindihan sa sinasabi niya? Ano bang nakakakilig dun sa hinintay ako ni Mike kanina sa gate para sabay kaming pumasok hanggang sa mag bell? Hindi ba't purong kalokohan lamang? Ginawa pa akong dahilan para lang mahuli sa klase. Heto pa, sino bang nag sabi sakaniya na dalhan niya ako araw araw ng pagkain sa office kahit alam naman niya na bawal ang pag kain dun? Sige nga, anung nakakakilig dun? Meron ba? Kasi hindi ko rin alam. "Kahit kailan talaga, kuripot." Narinig kong bulong niya. Hey, it's not kuripot! It's being practical. Imbis na ipang load ko bakit hindi ko na lang idagdag sa gamot ng kapatid ko at mga pang gastos namin sa bahay? Parang mas okay yun kaysa sa maubos ang pera ko sa kaka load. Hindi naman sila nag papasahod sa akin, ano! "I've heard that!" Yumakap siya sa akin tsaka ako binulungan, "Loloadan ka naman daw niya ate." Kinikilig na umupo siya sa harapan ko. Anung nang yari dun? Loloadan lang ako, mamatay matay na sa kilig? "Hindi ko siya sugar daddy." Ultimo ako ay natawa sa sarili ko. Anung iniisip mo at sinabi mo ang ganung bagay, Ellie? "Kumain na lamang tayo nang may mapuntahan naman ang pag uusap natin." Natatawa kong sabi sakaniya. Mabilis pa sa ala singko nang makuhaan ako ng llitrato ni Oreo. Napa iling na lamang ako sa tatawa tawa na Oreo Rain sa harapan ko. Kahit kailan talaga ang isang ito! Nasanay na rin naman ako sakaniya. Naka ugalian na niya na kapag maganda ang ngiti ko ay kukuhaan niya ako ng walang katapusan na litrato. Para daw maaalala niya sa tuwing nagagalit ako ay hindi ko kayang mangain ng buhay when in fact nangangat lang naman talaga ako. Inilabas ko na yung baon ko pero si Oreo naka upo pa rin sa harap ko at parang nag hihintay ng grasyang babagsak, "Hindi ka ba kakain? Kating kati ka kanina na kumain tapos ngayon titigan mo lang ako?" Pero imbis na sumagot ay nginitian niya lamang ako. Parang alam ko na ang ibig sabihin ng mga ngiti niyang iyan. Iniabot ko sakaniya yung kutsara. Wala naman akong extra'ng utensils na dala. Hindi ko naman ineexpect na mag kukuripot si Oreo ngayon, "Mas masarap kasi ang pagkain kapag alam mong inihanda talaga para sayo." Tinaasan ko naman agad siya ng kilay, "Para sabihin ko sayo, para sa akin yan at hindi para sa iyo." "Sana man lang nag panggap ka na para rin sa akin iyan, Ate." Dahan dahan niyang binaba ang kutsarang iniabot ko sakaniya. Kahit kailan talaga ang isang to, may kaartehang taglay sa katawan! Natawa na lamang ako sa tinuran niya, "Sige, sa susunod isasama na kita sa pag gawa ko ng lunch." Nag liwanag naman ka agad ang mukha niya, "Hindi ko na kasi makuhang istorbohin si Mommy. Alam mo naman yun, Ate. Broken hearted." Gusto ko rin sana sumabay ng pag tawa sakaniya kaya lang alam ko anung kwento ng pamilya ni Oreo kaya mas pinili ko na lamang na tingnan siya. Sa totoo lang, si Oreo Rain yung taong hindi mo aakalain na may problema. Parati lang kasing nakatawa. Mas gusto niyang piliin na tumingin sa brighter side of the world kaysa sa dilim nito. Kung tutuusin, kung wala ang bata na ito, baka naloka na ako sa pagiging presidente ng eskwelahan namin. Kungbaga si Oreo ang nag bibigay ng liwanag sa amin. Napa ngiti ako ng wala sa oras. Kaya narinig ko na naman ang walang katapusan na tunong ng camera ni Oreo Rain. Kailan kaya mapapagod ang isang to sa kakakuha ng litrato ko? Mukhang napaka labo. "Ang ganda mo talaga, Ate." I know right! Pero mas pinili kong hindi na lang mag salita. Dapat humble lang tayo. Hayaan natin na mag kandarapa sila sa kagandahan natin. Pero biro lang ulit yun. "Kung sa bawat pag puri mo sa akin ay may kapalit na pera sigurado ako na mayaman na ako ngayon." Nginusuan niya na lamang ako at kumain na ulit habang nag eenjoy sa pag tingin sa mga kuha niya. "Pasa mo sa akin yan, Oreo." Sabi ng kabute na bigla bigla na lang nang aakbay. "Bukas na bluetooth ko." Ano na naman kayang pinag kakaguluhan ng dalawang ito? Kaya sinubukan kong agawin ang cellphone ni Oreo Rain mula sakaniya, "Miss President." Pero parang nakikipag laro lang siya sa bata na animo'y pinag kakaitan ng lollipop. He chuckled, "Why are you so interested?" Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umupo at sumubo na lamang ng pag kain. Hindi ba subong limang araw nang hindi kumakain, Ellie? Tuwang tuwa naman 'tong Buenvinido na 'to. Akala mo naman ako yung nasa picture. Ay, feeling lang te? Malay mo naman, wala namang mawawala. Naramdaman 'kong naka tingin sa akin si Oreo at Mike kaya I rolled my eyes. Hindi talaga ako natatahimik kapag itong dalawang to ang kasama ko. Kahit isa lang sakanila gulong gulo na ang mundo ko. May choice naman ako na huwag silang pansinin at pabayaan na lamang. Kaya lang isa sila sa mga nag bibigay ng sakit ng ulo ko sa eskwelahan. Syempre bilang isang mabuting presidente kailan kahit papaano ay napapangalagaan ko sila. Pero mas masarap pa rin talaga mabuhay kung may sarili na silang mundo parehas. Kumunot ang noo ko nang makitang wala pa ring tigil si Oreo sa pag seselfie. "Hindi ka ba nag sasawa sa mukha mo?" Sita ko rito bago muling sinubuan. Mas inuuna ang pag seselfie kaysa sa pag kain. Masisiraan na talaga ako ng ulo sa batang ito. I saw Mike looking at me waiting for something perhaps? "Why did you do that?" Natatawa akong tumingin sakaniya. He was about to talk again nang sapakan ko muli ng pag kain ang bibig niya. Huwag na kasi dumaldal. Ayan na naman si Oreo. Akala mo first time mag karon ng touch screen na cellphone at ayaw paawat sa kakaselfie. "Oreo. I'm going to confiscate that. Picture ka ng picture. Mag sawa ka naman." Tumayo ako para abutin yung cellphone niya pero agad niya itong tinago para hindi ko maagaw sakaniya. "Titigil na Ate Ellie." Sabay belat pa niya sakin. "Kain na ulit tayo Ate. Mag titigan na lang ba tayo?" Sabay tawa pa nila ni Mike. Ang galing talaga ng dalawang kuto na to sa buhay ko. Magaling mang gulo! "I told you to mind your own business, Miss President." Aba't naka recover na pala ang isang ito! Gusto ata ulit mabaharan ng pag kain sa bibig para hindi na maka rebat pa. "I can read what you are thinking based on your facial expression." Medyo naka kunot noo na sambit nito, "I am not liking it." Natawa na lamang ako. Wala naman akong pinaplanong masama. Maliban na lang kung may gagawin na naman siyang hindi kaaya aya. Napapakiusapan naman ako ng maayos as long as tao ka rin kung kausap. Sabay sabay kaming nagulat sa lalaking akala mo porn star sa ayos ng uniporme, "Pare, nandun na raw yung professor natin." Ay, wow. Close sila? Kung maka hatak kasi siya sa braso ni Mike. Iba rin! Lakas rin ng loob ng porn star na to. Ang baho ng bibig mo, Ellie. Kung ano-anung sinasabi. Akala niya ata hindi 'ko mapapasin yung polo niya na naka unbutton at parang hangin lang ako na dinaanan niya. Umubo ako ng palihim at nakuha ko naman ang atensyon niya nang ituro ko yung parte ng uniform niya. Sinundan naman niya agad ng tingin. "May balak ka bang mag porn star?" Napahagikgik naman sa sinabi 'ko si Mike na tuwang tuwa sa nang yayari. Basta talaga kalokohan ang bilis gumana ng utak ng lalakeng to. Sana hindi na lang siya nag aral at gumawa na lang nang kalokohan. Pero ikaw pumigil hindi ba? Hindi ko rin alam minsan sayo, Ellie. Para siyang nakakita ng multo nang tumingin sa akin sa sobrang gulat. Agad agad naman niyang binutones at tinapik si Mike na chill lang na nakaupo sa tabi ko. Ayos din talaga tong isang to. Saglit itong tumalikod sa amin para mag butones ng polo. Nahiya pa ang kumag! "Sige, una na ako pare ha." Ngumiti ito sa amin at tumango sa akin. Nakakatuwa naman pala ang isang iyon. Alam naman pala kung kailan dapat matakot at hindi matakot. Minsan natutuwa talaga ako sa posisyon ko. Para lang silang mga batang sinasaway ng mga magulang nila sa tuwing pipingutin ko sila sa tainga. Masusunurin naman lalo na kapag tinakot nang bonggang bongga! Agad naman akong humarap sa lalaking ang sarap pa nang pag kakaupo sa tabi ko, "May klase ka pa hindi ba?" Nakipag titigan pa sakin ito. Praktisado na ako sa ganiyang ng mga mag-aaral dito, sayo pa kaya? Nag kibit balikat naman agad ito at tumayo. "Whatever you say, Miss Pres." "Oo. Kaya alis. Tinataboy kita! Sayonara!" Hindi ko maiwasan ang hindi mapa ngiti ng malaki dahil mawawala na ang isa sa tinik sa aking lalamunan. Mabuti pa nga at muling matatahimik ang mundo dahil maya maya lang ay may klase na rin si Oreo Rain. I wasn't paying attention to the little things. Hindi ko namalayan na naka lapit na pala sa akin si Mike with a wide smile. I couldn't move a muscle. Kahit may gusto akong sabihin ay parang nalunok ko ang aking dila. Wala akong ibang magawa kung hindi ang titigan na lamang siya at ang mapalunok na lamang. His eyes is talking to me. Para bang may gustong ipahiwatig ang mga ito. Pero ultimo ako ay hindi ko maintindihan kung ano nga ba ito. Maya maya pa man ay naramdaman ko na ang labi niya mula sa noo ko. Lalo akong hindi naka kilos. Kaya sinubukan kong galawin ang mga kamay ko at hindi nga ako nag kamali, naabot ko lang naman siya sa mukha. Natatawa itong ngumiti sa akin, "Bye Miss Pres. Bye Oreo!" Hindi mawala na ngisi niya sa amin. Lalo na sa akin! Ultimo si Oreo ay hindi pa rin natitigil sa pag tawa, "Huwag kasi masyadong maraming sinasabi, Ate." Napa tingin naman agad ako dito. Nakakalimutan ata ng bata na to na mas matanda ako sakaniya. Baka gusto niyang ipaalala ko pa sakaniya? "Mag tigil ka dyan, Oreo." Nauna akong tumayo sakaniya pabalik sa opisina namin. Napapailing na lamang ako sa tuwing makikita ang pag iwas sa akin ng mga tao. Hindi ko naman sila aanuhin bakit kaya kung maka tingin sila sa akin akala mo ililibing ko sila ng buhay? Wala na bang bago? Hindi ba pwedeng tatadtarin ko naman sila sa walo? Lahat kami ay nabigla sa loob ng may sumigaw, "Miss Del Carmen." Hindi muna kasi pumasok bago ako kausapin hindi yung sisigaw sigaw ka mula sa pintuan. Lumapit na lamang ka agad ako at bago sumigaw na naman. Sagrado kaya ang opisina namin para mag sisisgaw na lang siya basta basta. "Yes, Mrs. Estrada?" Syempre naman mabait tayo, at gusto ko pang grumaduate. Kaya kung sino yung mas nakaka iintidi, sila na lamang ang unang umunawa. Hindi ba? "What do you think about the event?" Napaisip rin ako bigla sa tanung niya. Ang hilig talaga sa impromptu nito, mabuti na lang at lagi akong handa. "It would be a great idea, an another escape from too much stressed in studying." Saglit akong napa isip. Ultimo naman ako stressed na sa pag aaral, stressed pa sa kanila. Gusto daw kasi nla ng mga Competiton. Examples: cooking, baking, singing competition tapos dance competition, etc.. Meron din para sa sports. Bawat course and year mag kakalaban. Parang foundation pero more on contests. Humawak siya sa sintido niya at nag palakad lakad "Miss Del Carmen, we'll talk about this later okay? As for now students, si President nyo ang kailangan nyong kumbisihin dyan. Bye!" Students talaga? Kahit naman ako lang ang kausap niya? Okay lang ba si Mrs. Estrada? Sa kasamaang palad, hindi ako makaka tulog sa oras na libre ako dahil walang katapusan na pag tawag ang ginawa nila Manager Nikka mula sa Caffelandia. Kesyo hindi nila makita yung ibang gamit. Pumunta ako ng banyo para mag hilamos at pag balik ko ay hawak hawak na ni Oreo yung cellphone ko. May nabasa ba siya? May nakita ba siya? Nginitian lamang ako ni Oreo at itinuloy na ang ginagawa niya. Mukha naman wala siyang nabasa? Sa kakamdali kong lumabas ay naka salubong ko pa si Mrs. Estrada. Ang tadhana nga naman. Kung kailan ka nag mamadali tsaka pilit na mang aasar. Lalo lang sumakit ang ulo ko sa mga nang yayari ngayong araw. Wala bang pause o stop man lang? "Miss Del Carmen." Ano na naman po ba yun? I wanted to say pero mas pinili ko na lamang na lumapit at pakinggan kung anung sasabihin niya para matapos na kami. Ang dami na masyadong nang yari kayong araw at alam kong masyado pang maraming mang yayari. "About the event." "Ahh. That would be a wonderful idea Ma'am. It can also boost their self confidence. May report nga po, pero Ma'am I think it life as a student doesn't just end there. Malakas lang ang loob nila sa harap ng blockmates nila and I'm sure they will enjoy their stay here." I don't know if I am making any sense, pero I just said what's in my mind. "Okay. You and your team must start planning. Report to me immediately." Pwede po bang pahinga muna? Napa hawak na lamang ako sa ulo at dumerecho na sa opisina to call for an urgent meeting. I called the caffelandia na medyo malelate ako ng dating because of an urgent meeting. Alam ko naman na maiintindihan nila ako. Kaya naman nila yun kaya nga lang puro bibig kasi ang inuuna nila imbis na gamitin muna ang mata. I can easily call for a meeting kahit may mga klase pa ang ibang member ng sco. May rule kasi ang school na to, na puro dean's lister lang pwedeng mag officer that others found so unfair. I really don't think so. Siguro pinipili lang nila yung mga students na kayang imaintain yung grades despite of the pressures academically. "Good afternoon, Miss Pres!" Masiglang bati sa akin ni Mae na may magandang ngiti mula sa sakaniyang mga labi. Ibinalik ko naman sakaniya ang mga ngiti, "Good afternoon, to you too, My Auditor." Agad siyang yumakap sa braso ko at pinisil pisil iyon, "Maganda ata gising mo?" She smiled at me, "Yes, Miss President. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko ngayon. I feel so renewed." Tatanungin ko pa sana ulit siya kaya lang isa isa na silang nag datingan, "You just save my ass being burn in hell, Miss Pres." Natawa na lang ako sa sinabi ni Mond, my treasurer, as far as I can remember Statistics ang schedule niya ngayon. Wow ha! Try niya kayang maging Presidente tsaka niya ako balikan! Nakaramdam ako ng pangingilabot bigla, "Daldal." Simpleng sambit lang ni Simon. Nakatutuwa talaga ang ka sungitan ng isang to. Hindi mo matantya ang mood. Umikot ang tingin ko sa loob ng opisina at mukhang kumpleto na naman kami. "Is everyone here?" "Yes Pres!" Sabay sabay na sabi nila. Maliban kay Simon the Sungit! Paalisin ko na kaya yan? Kaya lang kahit naman kasi ganyan iyan ka sungit ay kahit papaano ay mas marami siyang naiaambag kaysa kay Louis, ang bise presidenteng laging tulog. "Let's start this." Louis said na mukhang kakagising lang. Wow, attentive naman pala ang isang ito. "What brought us here Pres?" Natapos ang meeting at halos lahat sila ay parang lantang lanta na. They even need to go back to their respective class. Nakakaawa man sila pero ginusto naman nila yan at alam kong masaya sila sa ginagawa nila, "Thank you for your hard work!" Lahat sila ay napa tigil sa ginagawa at muling tumingin sa akin. Did I just said that again? Napa pikit ako ng mariin when Mike suddenly barged in, "Thank you for your hard work, Ellie." Yes, saved me once again! Para lalong hindi na ako maka ahon sa dami ng utang na loob ko sayo! Naiilang na tumawa ako sakanila. Karamihan sakanila ay mukhang iniisip pa rin kung saan ba nila narinig yun. Mas mabuti ng hindi niyo na maaalala! Kasi kahit ako nakicringe sa mga pinag sasabi ko dun. Hindi lang obvious. "Thank you for your hard work, Master." What the hell, Oreo?!!!! I guess, I really need a long sleep!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD