Oreo's POV
This is the day we are all waiting for! Hindi ko maiwasan na hindi kabahan lalo na't papasok na naman kami sa Dragon's lair! Buti na lang at lagi kaming fully equipped. Kaya bilib ako kay Ate Ellie, hindi iyang pumapasok basta basta na lang sa gulo kung alam niyang wala siyang baon. Mahirap ng maisahan.
Magaan rin akong nakakakilos ngayon dahil hindi kami naka uniporme. Kaya si Ate Ellie hindi na rin mag kandaugaga sa pag sita sa mga naka suot ng sosobrang iksi!
Hindi bagay sa pangalan ng school namin yung suot nila. Sobrang inaapproriate na naman kasi talaga. Naka short skirts na tapos nag sleveeless pa. Hindi ata knowledge ang gusto nilang makuha kung hindi pulmonya!
"Saan ka pupunta?" Rinig ko na tanung ni Ate Ellie dun sa babae. Kakasabi ko lang hindi ba? May nakita na agad si Ate Ellie! "Kinakausap kita, hindi ba?"
Lumapit ako sakanila. Nakita ko yung nakakairitang reaksyon nung babae ng tingnan mula ulo hanggang paa si Ate Ellie. Hala, hindi na nga maganda war freak pa! "Hindi mo ba nakikita? Papasok na ako sa classroom?"
Napa pikit ng mariin si Ate Ellie sa sinagot nito sakaniya, "It's inaapproriate to wear something so short." Kalma na sita niya. Hindi ko alam saan niya nakukuha yung haba ng pasensya niya.
"I have the rights to express myself." Maarteng sambit pa nito kay Ate Ellie. Hindi talaga siya maganda, pero malaki yung bowbs niya. Lahat ata ng nutrition niya imbis na sa utak ay dun na dumerecho.
Napa irap naman ako, "I am not holding you against your will." Mahinahon nguniti may diin na sa mga salita ni Ate Ellie, "I don't care if you like to wear those things just don't wear it in here. Because this is a school, your school to be more precise, what you do is what reflects to the school. If you don't like resoecting yourself... at least try to give it back to the school who's helping you to be a better person- not a boobie person." Woah! That's My Ate Ellie, you got there!
Nakapamewang na humarap ito lalo kay Ate Ellie at para bang pinamumukha yung boobies niya, "Inggit ka lang kasi wala ka nito."
Nagulat ako ng tumawa ng malakas si Ate Ellie kaya lahat ng nasa corridor ay napa tingin, "Oo, kasi lahat ng nutrients na meron ako sinigurado kong dumerecho sa utak ko. Para naman mabawas bawasan yung mga kagaya mong brain dead zombie dito na pakalat kalat."
Nag pigil ako sa pag tawa. Mas marami na rin ang nanunuod. Hindi na tama to. Dapat ko ng pigilan si Ate Ellie, "Student, what are we trying to say is that thing you are wearing is not acceptable in school."
Napa yuko naman siya at bahagyang sinilip ang sarili. "I am your President. Ang gusto ko lang ay yung ikaaayos niyo, hindi yung ikakatulad mo." She smiled sweetly. Girl, you just wounded her ego. Prepare to be drag down to hell! "In layman's term, wala akong pakialam kung wala ka mang isuot basta hindi dito sa school." Ngumiti ulit si Ate Ellie sa babaeng hindi na alam paano itatago ang katawan. Kaya kahit alam kong naiinis siya ay bigla niya itong niyakap.
Lahat ng na sa apaligid ay nagulat sa ginawa niya. Parang kanina lang ay grabe kung mang trash talk siya pero ngayon isinama na niya yung babae papunta sa locker. Nakakaproud talagang maging apprentice ni Ate Ellie! Bukod sa boobies lang ang tanging makaka hurt ng feelings niya, mahaba talaga ang pasensiya niya.
Sumunod na lamang ako sakanila. Naririnig ko pa rin ang pangangaral niya rito. Hindi na rin naman masama na nang yari yung kanina, para naman malaman nila na sensitive ang aming Presidente sa usapang boobies!
Tsaka kung nag sorry na lang sana siya hindi na sana hahaba ng ganun yung usapan. Nako, ipinag malaki pa kasi niya inaappropriate yung suot niya. Baka kung humaba pa ng kaonti yung skirt niya tapos hindi siya nag sleveeless na halos pumuputok na ang mga boobies niya hindi naman siya pakikiaalaman ni Ate Ellie.
"Let's go, Oreo." Yaya sa akin ni Ate Ellie, matapos pahiramin ng jacket yung babae. "Muntik na akong maka bawas ng boombilya kanina." Natatawa niyang sabi sa akin. See?
Nang makarating kami sa labas ng dragon's lair ay nandun na si Mond at Kuya Louis. Lalong lumakas ang t***k ng puso ko! Sa sobrang kaba ko nga ay hindi ko na namalayan na nalulukot ko na pala ang papel na hawak ko. Kaya agad itong kinuha sa akin ni Ate Ellie na may ngiti sakniyang mga labi.
Napansin din ata ni Kuya Louis ang mabilis kong pag hinga. He patted my head and smiled at me very wide. Hindi ko narinig yung sinabi niya because mentally I was actually adoring him! Bakit ba naman hindi? Bukod sa guwapo na, mabait pa!
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa dragon's lair- este sa opisina pala ni Mrs. Estrada, "You may begin."
Right after mag salita ni Ate Ellie agad naman siyang humugot ng napakalaim na pag hinga. "Is that it?" Mrs. Estrada asking for more. Awtomatikong napataas ang kilay ko at agad na pinigilan ang sarili ko na mag salita. Respeto na lang sa nakakatanda. I expelled a deep sighed and fake a smile. Dahan dahan kong binaba ang kilay ko and when I turn at my side I saw Kuya Louis controlling his laughter! Pasalamat siya crush ko siya!
Ate Ellie nodded her head twice. "I shouldn't add more, Masyado nang magiging panatag ang mga students and I don't like that to happen. I am their school president and I am concerned in everything specially in their academic statuses." Proud na proud na sagot ni Ate Ellie sakaniya.
Pinigilan ko yung sarili ko na pumalakpak dahil sa totoo lang sobra akong napapahanga ni Ate Ellie. Hindi ganoon kadali ang humawak ng responsibilidad at maging responsable. Sa classroom pa nga lang mahirap na mag presidente, sa buong eskwelahan pa kaya?
Napahawak naman si Mrs. Estrada sa ilalim ng baba niya tsaka kami nginitian. Napahugot rin ako ng isang napakalalim na hininga. She dismissed us at agad naman kaming dumerecho sa club na inaasahan ni Ate Ellie na tutulong sakaniya. Pero si Kuya Louis ang kumausap dahil puro lalake ang nasa club na yun at puro condition at favor pa ang gagawin ng mga yun mapapayag lang sila.
Pag dating pa lang namin dun hindi na mag kamayaw yung mga tao kung pano pag uusapan si Ate Ellie ng palihim. Halata naman sa mukha ni Ate Ellie na naririnig niya pero hindi na lang niya pinapahalata. Nasanay narin siguro siya kasi sa tagal ba naman mag sawa ng mga chismosang yan, mas nauna na siyang nag sawa.
Hindi ko namalayan na kasama na pala namin si Kuya Mike instead of Kuya Louis. I pouted. Kuya Mike tapped my head and smiled at me teasingly. I just rolled my eyes and sit. Nakakakilig silang tingnan ngayon!
Si Ate Ellie, busy sa kakakain while Kuya Mike is happy watching her eat! Bakas naman kasi sa mukha ni Ate Ellie ang pag kainis kahit hindi niya sabihin samin. Siya yung tipo ng tao na kitang kita sa mukha niya yung inis at kahit minsan hindi niya naigawang itago yun.
"Bakit kaya kung sino pa yung mga panget sila pa yung maiingay?" Hindi ko maiwasan na hindi mag komento at sinadya ko yun na iparinig sa kabilang lamesa. Siguro friends to ni Super Boobies kaya ganito rin mang galaiti!
Narinig ko pa na nag salita sila pero halatang hindi nila sakin pinaparinig kaya hindi ko na hinayaan na sila lang ang may spotlight! "Minsan nakaka asiwang makita ang mga mukha ng taong boses pa lang ang sarap ng patayin, paano pa kaya pag nakita mo na sila ng harapan?"
Napa ngisi ako nang mag puntahan sila sa table namin. This is what I call cat fight, Ate Ellie. Hindi ka kasi marunong! Learn from the expert.
Nang mapa lingon ako ay wala na sa tabi ko si Ate Ellie. Showing off for nothing!
Pero nandito na rin naman ako bakit hindi ko pa simulan? Masampolan man lang ang mga to. Akala kasi nila parati palalagpasin na lang sila basta basta. Pwes, hindi ako!
Tumayo rin ako para naman makita nila na kahit hindi ako mag pakita ng ganoong balat ay maganda ako at mas maganda ako sakanila kahit mag hubad at mag ttwerk pa sila sa harapan ko!
Para silang cast ng isang musical show na any minute sasayaw dahil sa mga back up sa likod na mukha namang mga bouncer. Nakakatawa naman, sasali talaga sila sa away ng mga babae?
"Wala ba kayong kahihiyan sa katawan? Na ultimo away ng mga babae nakikisali kayo?" Kuya Louis said. Pero naka upo pa rin siya sa pwesto niya habang naka tingin sa akin. Bakit sa akin? Ako ba ang kalaban dito? Ako ba ha?
Nakaka ilang naman kasi! "Ka baro ko ata, Kuya Louis." I said that made everyone laugh.
I smiled not minding the sore he is causing in my arms. "Masyado kang maraming sinasabi." He said smirking.
Napa irap ako, "Pogi ka na ba niyan?"
Bago pa man ako makapag salita nakabitiw na ang lalake sa braso ko at galit na galit na nakatingin kay Kuya Louis? "I was just patiently waiting for you to move pero hindi ko ineexpect na mamakit ka talaga ng babae!" Kita ang pag pipigil ng galit ni Kuya Louis, "Hindi ako makapaniwala na may mga kagaya mo talagang naatim na manakit ng babae."
But before he could punch the guy, agad na lumapit si Kuya Mike sa amin, "Enough." Yun lamang ang sinabi niya at masamang tingin ay nag si alisan na sila.
Si Kuya Mike lang naman pala ang katapat niyo! "Akala mo naman ang laki laki mo para isugod mo ng ganun si Louis." Nag aalalang sambit ni Kuya Mike sa akin kaya napa kamot na lamang ako sa ulo ko.
"Hindi ko kasi talaga mapigilan yung sarili ko, Kuya. Kung si Ate Ellie, kaya yun, ako hindi. Kaya kong palagpasin pero kapag sumosobra na, hindi na tama." Alam ko naman na mali na pinatulan ko pa. Unang una, officer ako. Pero hindi kasi kasing haba ng pasensya ni Ate Ellie ang pasensya ko.
Seryoso lamang na naka tingin sa malayo si Kuya Mike, "Louis, can you get me their names?" Hindi ko alam kung anung plano nila pero nakaramdam ako na hindi maganda yun dahil sa ngisi ni Kuya Louis.
Nakakatawa kasi. Ilang taon na bang presidente si Ate Ellie dito? Pero bakit parang bago ng bago sakanila si Ate Ellie? Hindi naman sa sobrang higpit niya, mas iniisip pa rin niya talaga ang kapakanan ng mga estudyante rito kahit yung pag katao niya na yung kapalit.
Oo nga't hindi nila kilala si Ate Ellie, pero kung yung mga kaibigan niya ang makakarinig na mula ulo hanggang paa, mula kaluluwa hanggang katawang tao niya, hindi makakapayag na basta basta na lang ganunin siya.
Sa totoo lang, I knew that she is working at maid cafe. Kaya hindi masyadong napupuntahan nang mga taga Saint Love yung Coffee house ay dahil sa aming tatlong bibe ni Ate Ellie. Hindi namin hinahayaan na may makaalam bukod sa amin.
"Sorry po, late ako!" Bati niya kay Manager Nikka. Napansin din nito ang pamumula ng mga mata ni Ate Ellie. Kahit naman kasi sabihin na hindi niya pinapakitang apektado siya alam ko naman na nasasaktan rin naman siya.
Sinundan ko si Ate Ellie hanggang sa loob. Kilala naman ako ni Manager Nikka kaya hindi na siya umimik ng makitaniya ako. I heard her whisper, "Even if people hear a bad story about me. Understand there was a time where I was good to those people." She smiled to herself. Gusto ko siyang yakapin ng mahipit. Ate Ellie, "Malakas ka, Ellie! Alam mo ang totoo sa hindi." I was about to go and hug her when Kuya Mike stopped me, "Pero ang hirap palang mag panggap na walang naririnig."
Wala akong magawa to lessen what she is feeling. Nandito lang kami ni Kuya Mike pinanunuod si Ate Ellie na umiyak lamang ng umiyak. Tama naman si Kuya Mike, kung pupuntahan namin si Ate Ellie, mas lalo lang niyang kakaawaan ang sarili niya. Mas okay na to, kahit papaano, nandito pa rin kami para sakaniya.
Pinakiramdaman ni Ate Ellie ang sarili niya bago naisipang tumayo na at agad na nag hilamos. Si Ate Ellie yung paulit ulit na nag papakita sa akin na hindi porket paulit ulit ka nilang sasaktan ay hahayaan mo na lang sila na makita kang lugmok. Kailangan mong patunayan sakanila na hindi ka nila basta bastang mapapabagsak kahit sobrang sakit at bigat na.
"Why do you think I am in love with that innocent Femme Fatale Maid Cafe President?" Kuya Mike said while still looking at Ate Ellie.
Napa tingin rin naman ako. Kahit na halos isang timba ang iniiyak niya ay maganda pa rin ang ngiti na ipinapakita niya sa lahat, "How to be Ate Ellie?"
Kuya Mike smiled at me. Ginulo rin nito ang buhok ko, "You don't have to be like her Oreo. You just have to be the better version of yourself." Napa tingin ulit ako kay Kuya Mike na masayang naka tingin kay Ate Ellie. "That's why I am proud of Ellie. She chose the right path of life."
Hindi ko maiwasan na hindi mainggit kay Ate Ellie. Nasa akin nga ang lahat pero hindi ang tibay ng loob niya. Pero kahit ganun pa man mapag kumbaba siya. Kung hindi, bakit niya kailangang mag tiis, "Sabi nga ni Ate Ellie, kung sino ang mas marunong umintindi ang dapat nag papakumbaba. Dahil hindi lahat ng tao ka parehas nating mag isip."
Ngumiti muli si Kuya Mike sa akin, "Gusto mo pumasok?"
Hindi pa man ako nakasasagot ay hinila na niya ako sa loob. Paano kung magalit sa amin si Ate Ellie! Hindi ko kaya na mag away kami, ano! Siya na lang ang mayroon ako sa school hindi naman pwedeng mawala pa. "Huwag kang mag alala, akong bahala."
Lalo akong kinabahan sa sinabi ni Kuya Mike, pero hinayaan ko na rin. Alangan namang mag tyaga kami dun sa labas halos ubusin na kami ng mga lamok dun! Dito, air conditioned na libre pa! Wala ng mas sasarap pa sa libre!
Pero katulad nga ng sinabi ni Kuya Mike, hindi man lang nakaramdam si Ate Ellie na nadito kami. Nalungkot agad ako... sigurado akong iniinda pa rin niya yung nang yari kanina. Hindi man halata pero makikita mo naman sa mga kilos niya. Paulit ulit pa siyang natutulala at biglang iiling.
Ngayon ko masasabi na kilalang kilala talaga ni Kuya Mike si Ate Ellie. Kung may makakaintindi man ng sobra kay Ate Ellie dito, si Kuya Mike yun at hindi ako. Pero walang kaso yung sa akin. Ang mahalaga alam kong hindi kailanman hahayaan ni Kuya Mike na umiyak na lamang ng umiyak si Onee chan.
Hindi na ako sumabay kay Kuya Mike sa pag uwi. Hindi ko kayang patuloy na panuorin ng ganun si Onee chan! Nasasaktan ako para sakaniya! Pakiramdam ko ay kahati niya ako sa nararamdaman niya. Ayoko rin naman na makita ni Kuya Mike na umiiyak ako sa harapan niya. Nakakahiya!
"What are you up to, Oreo Rain?" Hindi ako makapaniwala na nakikita ako ni Kuya Louis na umiiyak! Kaya agad akong napa tayo at nag punas ng luha, "Sabi sa akin ni Mike isasama ka niya, bakit mag isa ka lang?"
Saglit akong napa tingin kay Kuya Louis. Nag aalala ba siya para sa akin? Pero agad rin naman akong natauhan. Syempre, kaibigan ka kaya ng taong gusto niya. Gumising ka sa sarili mong ilusyon, Oreo Rain! "Mag kasama kami kanina pero na una na ako." Tipid akong ngumiti sakaniya.
Inabutan niya ako ng panyo, "Sabi na nga ba at iiyak ka rin sa nang yayari kay Ellie." Naka ngiti lamang siya sa akin habang ako naman naka tingin sa panyo. Hindi na rin naman ako nag dalawang isip at kinuha iyon.
"Hindi ko lang maintindihan paano kinakaya ni Ate Ellie yun." I said between my sobs. Kainis, bakit ba hindi maubos ubos ang mga luha na ito?
"You will never know not unless you experience it." Kahit umiiyak pa ako ay sinamaan ko na siya ng tingin kaya agad siyang natawa, "What I meant is, hindi mo malalaman kung gaano ka kalakas hanggat hindi dumadating yung susubok ng tibay ng loob mo." Napatigil ako sa pag iyak. Ibig sabihin heto na yung oras na sinusubok si Ate Ellie? "Hindi lang basta heto na yung susubok sakaniya. Alam kong marami pa."
Napa tigil ako sa pag iyak. Tama si Kuya Louis. Imbis na umiiyak ako dito dapat ay hindi ako lalong umalis sa tabi niya lalo na't sa oras na kailangan niya ako. Hindi ko dapat hahayaan na maramdaman ni Ate Ellie na mag isa lang siya habang sinusubok siya ng panahon. Lalo kong ipapakita sakaniya kung gaano ako ka saya nang makilala ko siya at kung anung pakiramdam na wala siya sa amin.
Tumayo ako at lakas na loob na tumingala upang hamunin pa ang mundo. Handa na akong labanan ka, tadhana! Hindi mo ako agad mapapasuko sa oras na hamunin mo ako.
Natatawang tumingin sa akin si Kuya Louis. Kaya hindi ko maiwasan na hindi mapatitig sakaniya. Kung siguro mas nauna niyang narealized na gusto niya si Ate Ellie, siya ang nasa tabi nito at hindi si Kuya Mike.
Pero gaya nga ng sinabi ni Ate Ellie sa akin noon-- hindi lahat ng gusto natin ay pwedeng maging atin. HIndi rin natin pwedeng ipag damot yung hindi naman sa atin. Kasi para saan pa? Kahit hawakan mo ng mahigpit, kung hindi talaga para sayo, kusang kakalas na lang iyon sa mahigpit mong pag kakakapit.
Na una ako sa pag lalakad at hindi na nakapag sabi kay Kuya Louis. Naririnig ko pa rin ang pag tawag sa akin nito pero mas pinili kong umuwi mag-isa.
Habang nag lalakad ay biglang tumunog yung cellphone ko..
"Gusto ko lang sabihin na, you don't have to be someone else to be that strong. It will be always a matter of choice, Oreo. Because life itself is a choice. Kapag mas pinili mong mas maging malakas sa alon ng tubig, mahihirapan ka. Pero kapag nag patianod ka, hihintayin mo na lamang kung saan ka nito dadalhin. Pinili ni Ellie na labanan ang malalakas na hangin at alon, dahil alam niyang kahit anung mang yari, mananatili ka sa tabi niya. May kabigan na kagaya mo ang sasalo sakaniya sa oras na malunod siya. Kaya sana piliin mong maging puno na makakapitan niya sa malalakas na hangin na sasagupain niya at sana mas piliin mong maging tubig na kahit gaano kalakas ang alon ay hinding hindi siya iiwan. Thank you for being a good friend to My Ellie, Oreo Rain. Thank you for being so strong!"
Ang mga luhang kaninang pinipigilan ko ay nag unahan na naman sa pag tulo. Hindi ko na isip na ganun pala ang tingin sa akin ni Ate Ellie. Na maaasahan niya ako sa kahit anumang oras. Laking pasasalamat ko sa text ni Kuya Mike at lalo akong nabuhayan ng loob.
I got you always, our Innocent Femme fatale Maide Cafe President!