Maid 3

3284 Words
This is the hardest part of being the school president. Hindi ka pwedeng umopensa puro ka lang depensa. Taga damage control. Pero kapag ikaw na ang usapan wala ka ng magawa. Bakit? Because you need to be a role model. Kung papatol ka lang ng papatol sa kakakokak nila, hindi matatapos, walang tatapos. Gustong gusto ko ng mag salita kanina. Pero bakit nga naman kailangan kong linawin yung sarili ko sakanila? Hindi at wala naman akong kailangang patunayan sa pag katao ko. Basta ako, ginagawa ko kung ano yung responsibilidad ko. Pero minsan hindi ko na talaga mapigilan na hindi maapektuhan. Unang una, anung kinalaman ni Mama at ni Whitney sakanila? Kung sa akin sila may galit, kami lang dapat ang nag tutuos. Minsan iniisip ko rin kung hanggang kailan ba dapat na manahimik lang. Hanggang kailan ba dapat na puro pakikinig na lang ang ginagawa ko? Kahit gaano karami yung baon mong pasensya kung yung mga tao sa paligid mo ay mas maraming baon na pag aalipusta sayo, wala ring silbi. Wala ka ring magagawa kung hindi ang habaan pa lalo ang pasensya mo. Yung mga problema mo hindi mo madala sa school pero ang mga problema ng studyante kailangang ikaw ang umayos. Hindi sana mahirap ang trabaho ko being the school president kung yung mga tao sa paligid mo marunong makiramdam at marunong kumilos ng sarili nila. Mahilig sila sa spoon feeding! Gusto nila lahat ibibigay na lang ng kailangan nila. Ayaw nilang nahihirapan sila ang gusto nila may nahihirapan para sakanila. "Are you all right, Ellie-chan?" Manager Nikka woke me up from ranting. Nginitian ko lang siya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala. "You can tell me what's bothering you." Napa hinga ako nang malalim and smiled at her, "Ang hirap po pala talaga mag President, Ate Nikka." Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ng mag sabi ako. "Gusto kong lumaban pero hindi ko po alam kung papaano." She sat beside me, "Ellie-chan, it's not how you will fight back. Life's a survival game. In order to win, you must endure. You must be strong even if it's killing you. If you fight back, they will just counter your attack. Hindi na matatapos. Lalo lang gugulo ang mundo." Niyakap niya ako at pakiramdam ko para akong naupos na kandila. Pagod na nga talaga ako. "You have great friends who's always watching you from behind. Malakas ang support system mo. Kilala ka nila pati na rin ang kaluluwa mo. Is it important na maganda ang tingin ng lahat sayo?" Mula sa pag kakayakap niya ay umiling iling ako. "You, Ellie, couldn't and will never please everyone. You are living in this world because of you, because God let you. Not because of them." I smiled from a sudden realization, "What's important is that the people around (closer) to me, knew what's in my heart." Sabi nga nila, Sila lang sapat na! "You are so strong, Ellie-chan! Magaling lang akong mag salita pero kapag ako na, hindi ko na rin naman alam ang gagawin ko." Ngumuso pa ito sa akin. Nakikita ko talaga si Oreo kay Ate Nikka. Pabiro kong inakbayan si Ate Nikka, "Wala akong ibang choice kung hindi ang mabuhay para sa kila Mama. Ako na lang ang makukuhaan nila ng tibay ng loob. Kung mang hina pa ako, saan na sila kukuha? Paano na kami?" I smiled at her as sweet as I could. "Kaya nga sayo ako e!" Malakas na pag kaka sabi niya. Minsan iniisip ko talaga kung iisang hospital lang ba sila pinanganak ni Oreo, para naman maiwasan kong mag punta dun. Hindi ko gustong maging kasing ingay nila. Mahirap na. Tumawa na lamang ako at bumalik na sa labas. Mabuti na lang at hindi na ganun karami ang tao dito. Kanina ay halos hindi ko na mamukhaan ang mga tao sa sobrang crowded. Sa totoo lang.. kung tutuusin wala naman talaga dapat akong pakialam. Kasi ako ito. Kahit anung sabihin nila sa akin, heto na ako. Kung hahanap pa sila ng wala sa akin, hindi ko na naman problema yun hindi ba? Mas mahirap pa yung lagi silang nag hahanap ng mali at kulang sa mga ginagawa mo. Kahit na ibigay mo na lahat at wala ng natira para sayo, pakiramdam nila kulang pa rin. Lagi silang nag hahanap ng pag babago pero hindi nila magawang simulan sa sarili nila. Ganoon ba talaga ka hirap ayusin ang sarili bago mamuna ng iba? "Thank you for you hard work, Lovies!" Sigaw ni Ate Nikka mula sa labas. Hindi pa man din pakiramdam ko nabasag na yung eardrums ko. Kung hindi si Oreo, si Ate Nikka naman. Paano kaya kapag nag sama silang dalawa? "Delubyo!" Napalakas na bulong ko kaya lahat sila ay napa tingin sa akin. Pinaningkitan ako ng mata ni Ate Nikka at dahan dahang lumapit sa akin, "Anong delubyo ang pinag sasabi mo dyan ha, Iyilet Ellisha Mae?" Lahat naman kami ay natawa sakaniya, "Sa susunod, Ellie, mamimigay ka ng pangalan ha. Hindi yung nang aangkin ka! Mahaba na pangalan, maganda pa, tapos may jowa pang papalicious!" Nanlaki naman ang mga mata ni Ate Nikka sa sinabi ni Nicole. "Sinong may jowa?" Halos hindi ko mabanggit sa j word na yun. Ang sagwa pala talagang banggitin! Kulang na lang ay masuka ako. Tumabi sa akin si Zai at inakbayan ako, "Sino pa ba? Kanina pa nga nag aabang yung jowa mo sa labas." She emphasize the word mo at pakiramdam ko nag taasan lahat ng balahibo ko sa katawan. "Tigilan niyo na nga si Ellie-chan! Hindi niyo ba naririnig kung gaano kacringey yung mga pinag sasabi niyo?" Parang bata na sita ni Ate Nikka sakanila. Kaya agad naman kaming nag tawanan, "Nga pala..." Malungkot na sabi niya. Kaya hindi pa man siya nakakapag salita ay kani kaniyang dahilan na agad na hindi sila pwede. Mga loka loka talaga kahit kailan, "Sige, ako na maiiwan dito Ate Niks." Tinalon ako nito ng yakap at binelatan ang apat na nanunuod lang sa amin, "Kaya kay Ellie-chan talaga ako e!" Maya maya pa man ay nag alisan na sila. Gabi na rin kasi masyado at iba sakanila ay malayo layo pa ang tinitirhan mula dito. Samantalang ako... ganun rin. Kailangan ko pang sumakay ng jeep at tricycle naman papasok ng subdivion. Daming alam ano? "Babalik din agad ako, Ellie-chan!" May pag tatalon pa na paalam niya sa akin. Kapag iyang isang yan nadapa hindi ko na alam paanong tawa pa ang gagawin ko. Kumaway kaway rin ako sakaniya, "Ingat ka, Ate!" Hindi na ako nag aksya ng oras at nag ligpit na rin. Hindi naman gaano karami ang ligpitin dito. Yung gamit ko talaga ang nakakalat. Kasi kapag nag mamadali ako minsan naiiwan ko na lang ng basta basta. Hindi ko naman pinapagalaw sakanila kasi nakakahiya, ano! My cellphone caught my attention. Mukhang kanina pang may tumatawag dun... "Yes?" I answered the call without looking kung sino yung tumawag at tinuloy ang pag iinventory. Kilala ko naman siguro iyan, kasi alam ang number ko, maliban na lang kung.... stalker? Feeling pretty talaga, te. (You better watch out. Evil Santa is coming to town.) She laughed devilishly. Hindi ko ma recognize yung boses so I checked the caller and it is an unknown number. Bago pa man ako makapag salita ulit, she ended the call. Panibagong may sira ang ulo na naman ang nakaalam ng number ko. Block ka ngayon sa akin! Evil Santa, April pa lang kaya. Ilang months pa bago dumating si Santa. Bahala ka dyan, hindi naman kita kilala. Tinuloy ko ang pag iinventory ko. Halos mag gagabi na rin ng matapos ako sa pag aayos ng mga delivery. Grabe pala, paano kaya kinakaya ni Ate Nikka ang lahat ng ito, mag-isa? Bukod sa ang bibigat nung box, mabilis siyang maguluhan sa mga ginagawa niya. Hindi kaya may boyfriend na yun? Tatawa tawa akong lumabas para mag tapon ng basura. Kung anu-ano na naman ang iniisip ko. Kami nga hindi makatagal sakaniya, boyfriend pa niya kaya? Nang buksan ko ang pinto mula sa likod nakaramdam ako ng kilabot. Saan kaya nang galing ang masamang hangin na iyon? Halos mapatalon ako nang may maramdaman akong humawak sa akin. Hindi ko halos maramdaman ang mga braso ko dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Heto na ba yung sinasabi nilang gumagalang rapist sa gabi? "Bakit mag-isa ka lang dito?" Bulong nito mula sa aking tainga. Awtomatikong tumaas ang aking mga kilay sa sinabi niya, "Kasi hindi ako dalawa?" Narinig ko ang pagak niyang pag tawa mula sa likuran ko, "Ikaw? Bakit ka nandito?" Pero imbis na sumagot siya ay tumawa lang na naman ito. "Anong nakakatawa ha?" Nilingon ko siya at sakto naman nakita ko ang mga ngiti niya. Infairness naman kay Mike, mapuputi at pantay ang mga ngipin niya, "Napadaan lang ako." He smiled again. "Ano naman kung mapuputi ang mga ngipin mo? Kailangan nilalabas?" Inismiran ko lang siya at agad na pumasok sa loob. Hindi naman siya nang gulo sa akin sa loob. Nag basa lamang siya ng libro habang ako hindi maiwasan na hindi mapa tingin sakaniya. Kung napadaan lang pala siya, bakit naman nandito pa siya? Dapat umalis na siya kanina pa. Hindi yung inaagaw niya yung pansin ko, imbis na nakatuon ang pansin ko sa ginagawa ko. Napapalingon ako sakaniya sa tuwing mapapa ngiti siya. Ano ba naman iyang isang iyan? Kung tatawa lang siya ng tatawa sana umuwi na lang siya! Nawawala ako sa focus! Nag pamewang ako sa harapan niya. Agad niya naman akong nginitian at ibinaba ang libro na hawak hawak, "Ikaw lang pala." Lalong naningkit ang mga mata ko. Malamang ako lang naman ang kasama niya dito! "Ako lang pala ang what?" I said with my 'sagutin mo ako ng maayos kung hindi tapos ka sa akin' tone. Gusto ko lang sabihin na pilosopo ang tao na yan at ang sarap na lang ibaon ng buhay! Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Infairness naman ulit sakaniya, mabango siya. Bahagya siyang lumapit sa tainga ko at bumulong, "Ikaw lang pala...." Ulit niya sa sinabi niya kanina and I am loosing my patience! ".... ang mamahalin ko ng pang habang buhay." BOOM PANES! Naramdaman ko ang biglang pag boom panes ng dibdib ko, "Pinag sasabi mo dyan? Nilalagnat ka ba?" Kapa ko pa sa noo niya. "Hindi naman. Kulang lang sa tulog yan, Mike." Tumatawa akong tinalikuran siya. Nakakalokang puso to! Naboom panes lang ayaw ng kumalma. Hindi tayo malandi, okay? Kaya kumalma ka dyan ng mga sampu kung hindi tatanggalin talaga kita! "What do you want? What's your business here?" Naiinis na tanong ko sakaniya mula sa pwesto ko. Ibinalik ko ang tingin ko sakaniya, "You." Hindi niya iniaalis ang mga tingin niya sa akin. Pero yung kamay talaga niyang naka turo sa akin ang problema ko. Bakit nanunuro ang isang iyan? Pinakakain niya ba ako ha? "You are my business here." It wasn't funny at all.. Edi na boom panes ka na naman, Ellie! Tatanong tanong ka tapos matatameme ka. Huwag ganun! Gustuhin ko mang sumagot ay mas pinili ko na lamang alisin ang tingin ko sakaniya. "Leave." "Paano kung ayaw ko?" "Edi ayaw mo!" Napa sigaw na sambit ko. Nakakainis! Namatay tuloy ako sa angry birds! Napaka daldal naman kasi ng isang to, "Dyan ka lang at huwag mo akong guguluhin dito sa pwesto ko." Masunuring bata naman si Mike. Parehas kaming nag karoon ng tahimik na buhay sa loob. Masaya ako kasi bukod sa tinigilan niya na ang pang buboom panes sa akin, na beat ko na yung sarili kong high score sa angry birds. Pwede na akong mamatay! Take me, Lord! Joke lang, Lord! Mula sa pwesto namin ay narinig ko na ang mala armalite na boses ni Ate Nikka kaya agad agad akong pumunta sakaniya. Sinalubong niya ako ng maraming maraming paper bag na hindi ko alam kung paano niya na iuwi. "Kumusta naman ang urgent meeting, Ate?" Busy pa rin siya sa pag tanggal ng mga gamit sa loob ng paper bag. "Ang dami naman niyan. Paano mo nadala lahat yan?" "Oh, buti na lang mabilis mong nasamahan si Ellie." Napa lingon ako sa kausap ni Ate Nikka. Yung totoo? Ako ang unang sumalubong sakaniya, hindi ba? Bakit ako ang hindi niya pinapansin! Lord, kinuha niyo na po ba ako? Joke lang po yun! Tumabi sa akin si Mike at dumekwatro pa ang lolo niyo, "It happens that I am just around the corner." Kibit balikat pa na sagot nito. "Napadaan lang talaga siya dito, Ate Nikka. Kanina ko pa nga pinapaalis. Pero I hope you don't mind ha. Makulit kasi." Walang prenong sabi ko kay Ate Nikka. Kailan ka pa natutong mag salita ng walang preno, Ellie? Masyado kang defensive. Tumigil si Ate Nikka sa ginagawa niya at seryosong tiningnan si Mike, "Don't tell me..." bigla namang tumawa ang nasa tabi ko. "I've heard na malapit dito sa area yung rapist. It was trying to open a door nang may naka huli sakaniya. Alam na may naiwan sa loob." Napa tigil rin ako. Saglit nag isip. "Buti na lang at safe ka." Wala sa loob na napa ngiti ako kay Ate Nikka. "What do you mean?" Hindi na niya ako muling pinansin at isa isang pinakita sa akin yung mga dala niyang damit. "Bakit fairy?" Nandidiri kong tanong sakaniya! Tinawanan nila akong dalawa at talagang nag apir pa, "Wala ka namang magagawa, Ellie-chan. Nasabi mo na sa akin na free ka this weekend. So, meaning papasok ka dito wearing the fairy costume." Nanlumo ako sa sinabi ni Ate Nikka. Bakit nga ba pwede ako ng weekends? "May gagawin kaming mga officer this weekend." Sinusubukan kong tawagan si Oreo Rain pero hindi siya sumasagot. Bakit kung kailan kailangan ko siya tsaka siya mawawala. Umakbay sa akin si Mike at ngumisi, "There is nothing wrong in wearing the costume. It will suit you perfectly." HIndi ko alam kung compliment ba yun o insulto. Hindi na lamang ako umimik at pinag lalamayan yung damit na hawak hawak ko. Buti sana kung ako ang namili ng isusuot ko. Ang lagay kasi si Ate Nikka at Mike na ang nag desisyon para sa akin. Okay naman, willing naman akong mag suot. Huwag lang naman sana yung kita na yung pusod ko! May mga pag kain din na dala si Ate Nikka. Pampalubag loob niya siguro sa akin to! Kaya hindi ko papalagpasin ang pag kakataon. Uubusan ko talaga sila ng pagkain hanggang sa manaba ako at hindi na mag kasya sa akin yung costume na yun. Nag pumilit si Mike na ihatid ako kahit ayaw ko naman. Ang sama pa rin ng loob na hindi ako nakapamili sa costume. Tuwang tuwa pa man din ako kanina na ako yung nandun ako yung unang makakapili. Yun pala, wala rin akong choice! "It's not that you are going naked." Ismid sa akin ng kasama ko. "Edi ikaw pala mag suot!" Balik ko naman sakaniya. "Anong iniiyak mo dyan?" Seryoso niya akong tiningnan. Naiinis na siya sa akin! Pakiramdam ko tuloy pinagalitan ako ni mama. "Hindi naman ako papayag na isuot mo yun kung alam kong babastusin ka." Bahagyang lumakas ang boses niya. Napa tigil naman ako sa pag nguynguy. "Galit ka na nyan?" Hindi ko alam kung tatawa ba siya o lalong maiinis sa sinabi ko. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko, "Hindi ako mag dedesisyon kung alam kong mapapahamak ka. Tara na nga." Hila niya sa akin. Napa ngiti ako ng wala sa oras. Sabagay, may punto naman siya dun. Siya ang unang unang aayaw kapag nakita niya kung gaano ka liberate yung damit ko. Pero since pumayag siya, okay na rin ako. Nag inarte lang ng konti, hindi ba pwede yun? Nasa tapat na kami ng bahay nang marealize ko na hanggang ngayon ay hawak pa rin ni Mike ang kamay ko. Aba, nawili ang lokong to. Hinatak ko ang kamay ko sakaniya tsaka ko siya hinarap, "Salamat po sa pag hatid." Yumuko pa ako sa harapan niya na ikinatawa naman niya. "Ano pang tinatawa tawa mo dyan? Umuwi ka na!" Pero imbis na umalis ay lalo pa siyang tumawa, "Yung bag ko kasi dala dala mo." "Anong pinag sasabi mo?" Napa tingin naman ako sa bitbit kong bag mula sa likod ko. Nanlaki naman agad ang mga mata ko. "Akin kaya to!" Pinag masdan ko pa lalo yung bag. "Hoy, bakit mag ka parehas tayo ng bag!" Ka agad kong binato sakaniya yung bag niya at inagaw ko yung sa ain, "Ikaw nga ang dapat tanungin ko niyan, Ellie. First year pa lang ako, bag ko na to." Naka ngisi pang pag mamayabang niya sa akin. Inismiran ko siya, "Kung au-anong iniisip mo dyan, nag kataon lang yan, ano!" Bakit ba defensive ka masyado, Ellie? Gigil ka rin, ano? "That's what I am talking about. Ultimo pag kakataon, sumasang ayon sa ating dalawa." Gusto kong masuka sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang na ngumiwi sakaniya. Kung anu-ano na naman kasi ang pinag sasabi. "Sige na, pumasok ka na at uuwi na ako." Sinamaan ko siya ng tingin, "Bakit hindi ka ba makakauwi ng hindi ako pumapasok sa loob?" Lalo ko pang pinaningkit ang mga mata ko sakaniya. "Hindi." Isang salita lang pero na boom panes na naman ako! "Hindi ako aalis hanggat hindi ako sigurado na ligtas ka. Pumasok ka na lang at huwag ng dumaldal pa." Natulala na lamang ako sa mga sinabi niya at dere derecho na pumasok sa loob ng bahay. Hindi ko maintindihan kung bakit parang security guard ang isang iyon. Wala naman akong ipapasahod sakaniya. Sana si Oreo ang sinusundan niya kung gusto niya ng trabaho, hindi ako. Natawa naman ako ng makita ko ang bag ko. Bakit ba hindi ko napansin na mag ka parehas nga kami ng bag? Tsaka ano naman kung mag ka parehas kami ng bag? Hindi ba pwedeng parehas lang talaga kami ng taste? Pag ka kitang pag ka kita pa lang sa akin nila Mama ay mahigpit na yakap na agad ang sinalubong nila sa akin, "Bakit? Mayaman na ba tayo? Nanalo ba tayo sa lotto?" Masamang tumingin sa akin si Mama at mahina akong binatukan, "Paano tayo mananalo sa lotto kung wala namang tumatayo sa atin?" Kahit ako ay natawa sa sarili ko, lumang joke na bumenta pa rin sa akin. "Bakit ganyan kayo maka yakap sa akin? Para namang nabuhay akong mag muli!" May pag taas ng kamay na pag kaka sabi ko pa. Tumapat sila parehas sa akin, "May lamay ba ulit kayong pupuntahan? Bakit parehas kayong naka puti?" Nag pamewang si Whitney sa harapan ko at umirap pa ito, "Syempre naman, Ate. Para handa na kami sa kung anung mang yayari sayo! Edi derecho burol na lang hindi na namin kailangan mag palit ng damit ni Mama." Sabay namin siyang binatukan ni Mama, "Ano namang mang yayaring masama sa akin?" Inirapan naman ka agad ako ni Whitney, "Nag ka gulo sa tapat ng pinag tatrabahuhan mo ng hindi mo alam? Kakaiba ka, Ate!" Nanlaki naman ang mata ko! Ibig sabihin hindi totoong napadaan lang si Mike sa amin. Kung hindi nandun na talaga siya mag mula pa nung umalis si Ate Nikka! Kaya naman pala parang pagod na pagod yung taong yun! Napa tingin naman agad ako sa telepono at madaling tinawagan si Mike, "Okay ka lang ba?" Tumawa naman ito mula sa kabilang linya. "Nakukuha mo pang tumawa! Bakit hindi mo sinabi sa akin? Edi sana dalawa tayong hinuli yun!" Saglit natahimik sa kabilang linya at humugot ng napaka lalim na hininga, "Hindi nga kita sinasaktan. Hahayaan ba naman kitang masaktan ng dahil sa iba?" BOOM PANES!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD