Maid 4

3117 Words
"Ate Ellie, kanina pa sa baba si Kuya Mike. Bumangon ka na." Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong kinatok ni Whitney at hindi ko na rin alam kung bakit kailangan pang dumating ang sabado. Bakit na hindi na lang lunes agad?Nag takip ako ng kumot sa buong katawan. Wala akong ganang umalis ng kama ko. Pakiramdam ko'y sasamaan ako ng pakiramdam! Narinig ko ang pag tunog ng door knob ko. Inaasahan ko na naman na papasukin nila ako sa kuwarto ko. Dahil kadalasan kapag tinatawag nila ako bumabangon na ka agad ako. Iba nga lang ngayon! Naramdaman ko ang pag lubog ng kama ko. Hindi kasi magandang klase yung kutson ko, pero okay lang malambot naman. "You should get up, Ellie." May pananakot sa boses nito. Awtomatikong tumaas naman ang mga kilay ko, "Sinung nag sabi sayong pwede kang pumasok dito? Alam mo bang trespassing ka?" Nag sasalita ako mula pa rin sa ilalim ng kumot. Kaya kung hindi man niya ako maintindihan, hindi ko na kasalanan pa yun. Pagak itong tumawa, "Respassing pero naka higa ka na sa akin?" Mapang asar na sabi nito kaya agad akong napa tanggal ng kumot. "See?" Kahit wala akong balak na bumangon ay mabilis pa sa alas quatro bumangon na ako, "Maliligo na nga, hindi ba?" Agad akong lumabas ng kwarto at hindi na hinintay si Mike. Bahala siyang mag ikot ikot dun. wala naman siyang mapapala dun. Mahihilo lang siya sa kakaikot sa sobrang... saobrang liit ng kwarto ko. Dali dali akong pumasok ng banyo nang marinig ko na tinatawag ako ni Mike. Ano na naman ba ang kailangan ng isang iyon? Wala naman kaming usapan na susunduin niya ako dito sa bahay. Hindi ko naman siya hinahanap. Sadyang nabawasan lang yung sakit ng ulo ko nung mga nakaraang araw kaya parang may kulang na kuto sa buhay ko. Nakakapanibago rin kasi kapag tahimik ang mundo ko. Nakakabinge! "Anak, hindi mo man lang sinabi na dadating si Mike. Sana man lang nakapag handa ako." Napa ismid naman ako sa sinabi ni Mama. Para namang napaka .yaman namin para ipag handa pa si Mike. Umupo ako sa tabi nito, "Bakit? Bisita pa ba turing mo sa sarili mo?" Sinamaan ko pa ito ng tingin habang nag sasalin ng pag kain sa plato ko. Pero napa tigil ako nang mapansin na naka tingin silang lahat sa akin. Si Mike naman ay ngiting aso habnag si mama at Whitney ang lalaki ng ngiti. "Congrats, Ate Ellie and Kuya Mike!" May pag yakap pa nito sa amin. "Nako, nakakahiya naman! Kung nasabihan mo. kami agad, anak, sana man lang naka bili tayo kahit maliit na cake." Sumubo muna ako ng pag kain bago sila sinamaan ng tingin. "Pinag sasabi niyo ba diyan?" Sinamaan ko sila ng tingin. Pabiro akong hinamapas ni Whitney sa braso, "Sa amin ka p.a nahiya ate. Tanggap naman namin si Kuya Mike. Siguradong tuwang tuwa pa iyang si Mama." Lumapit sa akin si Mike para bumulong sa akin, "Iniisip nila na tayo na kasi hindi mo na ako tinuturing na bisita." Yun lang naman pala. Big deal na ba sakanila na hindi na bisita ang turing ko kay Mike? Kami? Nag papatawa ba sila. Naibuga ko ang kinakain ko nang marealize ko kung ano yung sinabi ko kanina. Nataranta naman si Mike habang si Whitney ay tatawa tawa mula sa harap, "Nakakadiri ka naman, Ate. hindi ka ba nahihiya sa boyfriend mo?" Lalo akong na ubo sa sinabi ni Whitney, "Ang tagal nang nan liligaw sayo ng binata na iyan, mabuti na lang at naisipan mo na siyang sagutin." "Hetong si Mike nanliligaw sa akin? Sigurado ba kayong nakatulog kayong dalawa?" Pag ka inom na pag ka inom ko ng tubig ay tumayo na ako sa hapag kainan. Minsan talaga Ellie, bantayan mo yang mga sinasabi mo. Hindi yung basta ka na lang nag bibitaw ng salita hindi ka naman sigurado kung ano ang kalalabasan at kung paano maiintindihan ng iba. Wala akong masabi sa galing mo! Habang nag lalakad hindi ko maiwasan na hindi ma ilang kay Mike. Nakakahiya kaya yung sinabi ko! Hindi naman nanliligaw yung tao sa akin kung anu-anong pinag sasabi nila Mama. Na hindi naman nila masasabi kung nag iingat ka rin sa mga sinasabi mo, Ellie. . Ngiting aso pa rin ang lolo niyo kaya lalong hindi ko magawang lumingon. Bakit ba kasi sunod siya ng sunod sa akin? Hindi ko nga sinabing kailangan ko ng security guard! "Saan ka pupunta?" naiinis kong tanong sakaniya. Hindi naman mang yayari yun kung hindi siya pumunta sa amin. Nag kibit balikat lamang ito tsaka ako tinawanan, "Sasama ako sayo." Parang bata na sabi niya .sa akin. "I'm going to hell. Are you still sure you are coming with me?" Pero hindi pa rin nawawala ang ngiting aso na meron siya. "I don't think so." Nauna na akong mag lakad sakaniya. Sinasabi na nga ba, sa una lang magaling ang mga kagaya niya. Ay, wow? May hinanakit? Napa tigil ako sa pag lalakad nang bigla niyang hablutin ang kamay ko at agad na ngumiti, "I am going anywhere with you." Aga aga nitong mang boom panes! Hindi na lamang ako nag salita at nag lakad na. Nakakatawa naman, nagiging komportable na ako sa hawak niya. Tsaka ko lang naalala na hawak niya ang kamay ko nang makarating kami sa Caffelandia. Dahil marami ang taga Saint Love ngayon dun dahil sa event namin. Hindi pa man bukas ay ang dami ng tao. Siguro 30 percent lang ang population ng mga babae rito. Samantalang ang natitirang pursyento ay halos puro lalaki na. Sabagay, puro babae kasi kaming nandito kaya aasahan na namin na mas maraming lalaki ang nag pupunta kaysa ang sa babae. Mula sa likod ako pumasok, samatalang si Mike ay nag hintay rin sa harap ng pag bubukas. Napa buntong hininga ako ng makita ko na naman ang damit. Dalawang araw lang naman, tiisin mo na, Ellie! Aarte ka pa, tagiliran na lang naman ang kita sayo. Walang pag dadalawang isip na nag palit na ako ng damit. Ganun rin naman si Zai, Nicole, at Manager Nikka. Ang iba naman ay yung pang maid pa rin ang suot dahil sila ang magiging host ng event. "Welcome to the World of Fairies!" masayang bati ng isa sa amin. "As a celebration for the easter sunday, most of the maids wore a special costume for all of you." Lumakas ang kaba sa dibdib ko ng lumakas ang sigawan mula sa labas. "But before we proceed on the game, let me first introduce our lovely fairies." Ayan na! Hinga, Ellie! Hinga! Halos lahat sila ay nakalalabas na maliban sa amin ni Ate Nikka. Pero mukhang siya lang naman ang excited sa aming dalawa. Kaya nang tawagin siya ay lalong namasa ang palad ko, "Let us all welcome the Queen of Fairies, Ellisha!" Halos nabingi ako sa palakpakan at sigawan ng mga tao habang lumalabas. Isang ngiti ang ibinigay ko sakanila tsaka nag salita, "Good morning, humans! Thank you for visiting us." Yun lamang at sumama na ako sa mga naunang lumabas. Mechanics of the game: 1. All participants will initially search for hidden egg halves and check for pairs among the collected egg halves thereafter. 2. Scoring will be based on paired egg halves, as follows: 5 points for a matching egg halves. 3 points for unmatched halves. 3. The participant awarded with the most number of points wins the game. 4. The participant (only one golden egg each participant) who gets the golden egg have the chance to have a picture taken with one of the fairy who's name is inside the egg. NOTE: There are exactly eight golden eggs hidden and not all eggs are hidden. *wink wink* Prizes: 3rd Place: 1 week free of egg omelet 2nd Place: 1 week free of any choice of shake 1st Place: 1 week free of egg omelet and any choice of shake and 1 day vip Wala naman akong alam sa mga kinalalagyan ng mga eggs. Kaya habang nag hahanap silang lahat ay nag mamasid rin ako. by the way, 50 person lang ang naka pasok by first come first serve. Kaya yung mga hindi naka pasok ngayon ay may pag-asa pa naman bukas. Pero ang alam ko iba na ang mechanics bukas. Who knows? Malikot rin kasi ang imagination ni Ate Nikka. Mula sa pwesto ko kita ko ang prenteng naka upo na si Mike. Bakit pa siya pumasok kung hindi rin naman pala siya sasali? Nakakapang hinayang naman! Sana pinayagan na lang niya muna maka pasok yung iba. Pinaningkitan ko siya ng mata kaya naman na tawa ito. Nakuha ata ang ibig kong ipahiwatig kaya itinaas niya ang isang itlog. Masaya na ba siya sa isang itlog na yun? Nang pag tuunan ko ng pansin ang itlog tsaka ko lang napansin na gold pala yung hawak niya. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng tubig, "Are you ready to take a picture with me?" Naka ngiti niyang sabi habang masayang nilalaro ang itlog na hawak niya. Marahan ko siyang pinalo sa braso, "Don't forget that there are 8 eggs and there are only 4 eggs who has our name in it." I smiled sweetly at him. Masyado siyang pakampamte sa buhay. "Mike, hindi ka pwede dito!" May pag tulak pa sakaniya ni Ate Nikka, "Wow, golden egg!" Manghang manghang sabi niya ng ipakita ni Mike iyon sakaniya, "Paano ka na kita?" Pabulong na dagdag pa nito. "Anong ibig mong sabihin, Ate Nikka?" Tumawa siya ng mapang asar tsaka ako kininditan, "Hindi ko itinago yung golden eggs. Pero, once you ordered the special fairy food package, tsaka ka lang makakakuha." Aba, wais ah! Sabay kaming napa ngiti ni Mike, "It's a matter of comprehension and analyzing." Masayang sabi ni Ate Nikka. "I think si Mike pa lang ang nakakakuha nun." Let's talk about how intelligent Ate Nikka and Mike, please! "Kapag hindi ka nag pay attention sa kahit maliit na details hindi mo malalaman." Natatawa akong sagot kay Ate Nikka, "Who have thought na may egg sa food na bibilhin nila?" "Mike is." Proud na proud na sagot ni Ate Nikka sa amin. Kanina lang ay pinaalis niya si Mike pero ngayon ay halos hindi na niya gusto na umalis ito sa kinauupuan niya. Kasi may mga umoorder ng pag kain dahil malapit si Mike sa cashier, kaya kahit hindi self service ay nag papa kapagod talaga sila. Mukha namang walang pakialam yung lalaking katabi ko. Dahil sa golden egg lang siya naka tingin at pilit nilalaro. Kaya yung mga nakakita na may hawak siya ay pilit nag tatanong kung saan makikita iyon. Asa pa kayong may makuhang sagot sa taong to. Lumipas ang limang minuto at lahat ay binibilang na ang mga eggs. Kaya busy rin ang mga kasamahan namin sa pag dodouble check sa pag bibilang ng mga eggs. Matagal tagal rin ang inabot ng bilangan bago nag declare ng winners. Tuwang tuwa pa si Ate Nikka dahil si Mike lang talaga ang nakakuha ng golden egg. ako ang nalungkot para sa mga sobrang nag bigay ng effort para makahanap lang ng golden eggs. "Wow, you are the only human being who found the Queen's golden egg." Maanghang manghang sabi ng emcee ng event. Halos lahat naman ay makikitaan mo ng panlulumo. Tumango lamang sakaniya si Mike at tumabi ako rito, "Ba ba ba ra ma la! I, the Queen of the Fairies blessed thy!" Sa oras na sinabi ko yun ang lahat ay nakatuon lamang ang pansin sa golden egg na dahang dahang binubuksan ni Mike. Bago niya tuluyan na mabuksan ay nginitian pa ako nito, "Good luck." Sincere na sabi ko sakaniya. Pero nang makita ko ang pangalan ko sa loob ng golden egg ay gusto ko na lamang mag patiwakal, "Sorry, pero nasa akin ang loyalty ng mga kasamahan mo." Nanlaki naman agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Isa isa ko silang pinangkitan ng mata at nag iwas rin naman sila na may mga ngiti sa mga labi, "Hey, don't count me in! Hindi ko sinabi sakaniya how to obtain the golden egg." Naka ngusong sambit ni Ate Nikka. Ano pa nga bang magagawa ko? Dun na mismo ay pinicturan na kami. He was smiling while looking at me kaya naramdaman ko ang pag ka ilang. But I still manage to smile. hindi ko maiwasang hindi mapa upo nang matapos ang event namin. Pinayagan kami ni Ate Nikka na mag pahinga muna kahit dalawang oras bago bumalik sa pag tatrabaho. Buti naman at mapapalitan ko na rin ang suot ko! "Who told you to change your clothes?" Naniningkit na tanong sa akin ni Zai. "You are the Queen of all the Fairies, right?" Wala akong ibang nagawa kung hindi ang hayaan na suot ang costume ko, "Bakit ako lang?" Nag mamaktol na tanong ko sa sarili ko mula sa sulok. Nakaramdam ako ng pag bigat ng mga mata ko. Hindi ko rin mawari kung bakit bigla akong nakaramdam ng antok. "Sleepy?" Maiksing tanong ni Mike. Wala sa sarili akong napa tango, "Kakaiba nga yung pakiramdam ko ngayon." Pilit kong nilalabanan yung antok ko pero hindi ko magawa. "Inaantok na talaga ako!" Halos pa sigaw na sabi ko sa dun. Tinawanan lamang ako ni Mike at tumabi sa akin, "It's not weird feeling sleepy. It's natural, Dear Ellie." He said as he gently lean my head on his shoulders. Before I can finally drifted to sleep, I felt his lips on my forehead and then he whispered, "Sweet dreams, Love." Kaliwa't kanan ang ingay na naririnig ko. Kaya napag desisyunan ko ng dumilat na at tingnan kung ano bang nang yayari sa paligid ko. Lahat sila napa tigil sa oras na idinilat ko ang aking mga mata. Nakatitig lamang sila sa akin habang kani kaniyang telepono ang hawak. Bahagya akong nag hiab at nag unat unat. Ano na naman kayang trip ng mga ito? At parang mga kriminal na nahuli sa akto? Isang nakakasilaw na flash ang bilglang tumama sa akin. Kaya agad namang naningkit ang mga mata ko at bigla silang nag takbuhan. Narinig ko pa ang pag tawa ni Zai at ang pag puri nito kay Ate Nikka. "Hindi ko talaga alam na may flash!" Mula rito ay rinig ko pa rin ang boses ni Ate Nikka. Hindi na ako nag dalawang isip na lumapit sakanila, "Huwag ako! Hindi niyo rin naman mapigilan na hindi sila kuhaan ng litrato!" "Sinong sila?" Sabat ko mula sa likod nila. Agad silang napa tago ng telepono at ngumiti lamang sa akin, "Naka tulog lang ako may sikreto na kayo sa akin!" Napa ngiti ako nang nakita ko ang pag nguso ni Ate Nikka na ikininailing naman ng iba, "Boss, huwag mo naman ipahalata sa amin na si Ellie ang pinaka gusto mo." Yumakap sa braso ko si Ate Nikka, "Hindi ko naman ikinakaila na kay Ellie talaga ako ah!" Taas noo pa na sabi nito. "Pasensya ka na, Ellie-chan. Natutuwa kasi talaga kami sainyo ni Mike kaya hindi namin mapigilan na picturan kayo." Napa tawa naman ako ng pagak sa sinabi ni Ate Nikka, "Parang yun lang." Nag lakad na ako pabalik sa pwesto ko kanina. Hindi iniintindi ang mga naririnig kong bulungan mula sakanila. Siguro... naging komportable na lang talaga ako ng sobra kay Mike kaya ako ganito. Napa ngiti ako nang makita ko ang natutulog na si Mike. Bakas sa mukha niya ang pagod. . . pagod na ni minsan hindi niya ininda sa akin. Sabagay, wala namang pumipilit sakaniya na tulungan niya kami dito. Lumapit ako sakaniya at mahinang pinitik sa ilong. Mababaw naman ang tulog ng isang ito. Nag iinarte lang iyan kaya kunyari walang naririnig. Hindi pa man siya dumidilat ay nasialayan ko na agad ang mga ngiti niya. Nakaka inggit talaga yung pantay pantay at mapuputi niyang mga ngipin. Ang sarap bunutin! Yung isang hilahan lang matataganggal lahat pati bagang. "Hatid na kita?" Mabilis akong napa tango sa tanong niya. Nasanay na siguro talaga ako na may body guard na sumusunod sunod sa akin. Yumakap sa akin si Ate Nikka ng mahigpit, "Thank you for your hard work!" Nginitian ko na lamang sila at mabilis na umalis. Baka kung ano na naman ang sabihin ng mga yun."You were so great, earlier." Naka ngiting puna niya sa akin habang naka pamulsa pa at naka tingin lamang sa daan. Wala sa sariling napa ngiti ako sakaniya, "Thanks for helping inside the kitchen." Si Jerry naman kasi, bigla biglang nawawala ng walang pa sabi! Ang dami pa man ding tao kanina! "Anything for you." Kumindat pa ang haliparot na ito sa akin. "Napagod ka ba?" Iba yung pakiramdam ko ngayong kausap siya... komportable ako. Bakit? Mabilis lamang akong umiling sakaniya, "Sanay na yung katawan ko sa pagod kaya hindi ko na nararamdaman yun." Mula sa pag kakamulsa niya ay hinawakan niya ang mga kamay ko at isnuksok sa loob ng bulsa ng jacket niya, "You still need a lot of rest." "Sweet." Wala sa hulog na sambit ko. Ano na naman ba yun, Ellie? Ramdam ko ang pag higpit ng hawak niya sa kamay ko at kita ko ang mga ngiti niya, "Si Ate Nikka... sweet." Ulit ko sakaniya na ikinatawa naman niya ng pagak. Napaka defensive! Matapos ng nakaka ilang na eksena na ginawa ko, hindi na kami ulit nag usap. Nag lalakad lang pauwi at mag ka hawak pa rin ang mga kamay. Hindi ko alam kung kailan pa ako naging komportable sa mga hawak niya at mismong nasanay ako sa presensya niya. mas mahalaga pa rin yung tanong na bakit nag buboom panes yung puso ko! Pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo sa kakaisip. Kaya mas minabuti ko na lamang na manahimik at hindi mag isip ng mag isip. Sa sobrang kaka isip ay may naitanong akong miski ako hindi ko alam na masasabi ko pala, "Nanliligaw ka nga ba?" Parehas kaming napa tigil sa tanong ko. Pero siya naka ngiti sa akin habang ako seryosong naka tingin sakaniya at nanalangin na bakit nagawa kong itanong yun sakniya, "Yes. I thought you will never ask." Gusto ko ng pumasok sa bahay pero hindi ko magawang maigalaw ang mga paa ko. Ano ba naman ito? Pakiramdam ko ay lalamigan ako ng tyan! "Pinag sasabi nito?" Yun lamang ang kinaya kong sabihin at pumasok na. Narinig ko ang pagak na pag tawa nito, "Ellie." Awtomatiko akong napa lingon nang tawagin niya ang pangalan ko, "Good night." Naningkit ang mga mata ko at inismiran siya, "Init lang yan dulot ng pag luluto mo kanina!" Yun lamang at dere derecho na akong pumasok ng bahay ng walang lingon lingon. Mag ka stiff neck ka sana, Ellie!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD