Nag madali akong bumalik sa office namin para kuhain ang mga natira kong gamit, matapos ang klase namin. Hindi kasi nila kasing yaman para kumuha ako ng locker. Ang abusada ko naman atang scholar?
Hindi na rin naman bago sakanila na nandito yung gamit ko. Kapag marami kasi kaming ginagawa ay halos dito na ako matulog kaya halos lahat ata ng gamit ko nandito na sa opisina namin.
Nag mamadali akong inayos ang gamit ko dahil kailangan ko pang pumasok sa trabaho para kahit papaano ay makapag aral pa kahit konting oras. Hindi ko na kasi sigurado kung pag dating ng bahay ay gising pa ako.
Napa tigil ako saglit nang marinig ang ingay na nag mumula sa labas. Bakit kaya ang aga naman ng mga ito? Ang pag kakaalam ko kasi tuwing lunes ay halos mag kakasalungat na kami ng oras ng pasok kaya hindi talaga kami nag kikita kita.
"Nandyan na kaya si Pres?" Rinig kong tanong ni Louis. Kabisado ko na ang mga boses ng mga yan. Kahit nakapikit ako ay kaya ko silang isa isahin. Nauumay na nga ako sa mga pag mumukha nila.
Agad akong napasinghap nangbumukas ang pinto. Bakit nga ba ako nag tatago sakanila? "Kanina ka pa na dyan?" Ay, close tayo Simon?
Tumango na lamang ako at agad na nag lakad palabas nang marinig ko ang mga tawanan nila mula sa likod, "Saan kayo pupunta?" Pag taas ko pa ng kilay sakanila.
Bigla naman akong tinalon ng yakap ni Oreo, "Sasama sayo sa pag-uwi." Napa ngiti na lamang ako sa sinabi niya. Paano ako makakapag trabaho kung susundan nila ako?
"Hindi ako sa bahay dederecho?" Bakit ba kailangan nilang sumama sa akin? Hindi naman sila kasya sa bahay namin!
Umakbay naman sa akin si Mae, "Sasama pa rin kami sayo." Nag tanguan naman yung iba sa sinabi ni Mae. Bakit ang hirap niyong kausapin ngayon? Ano bang na kain niyo at ipag babawal ko na sa canteen ang mga yun?
Napa pikit naman ako ng mariin. Bakit kung kailan kailangan ko si Mike tsaka naman siya wala? "Hindi kayo pwede dun!" Hindi kayo pwede sa pinag tatrabahuhan ko at hindi niyo pwedeng malaman na roon ako nag tatrabaho.
Tumaas taas naman ang kilay ni Oreo sa akin at nginitian ako ng makahulugan, "Si Kuya Mike kasama mo no?" Napa ngiwi naman ako. "Siguro may date kayong dalawa kaya bawal kami sumunod no?"
Naramdaman ko ang pag higpit ng pag kapit sa akin ni Mae kaya napa lingon ako sakaniya. Naka ngiti pa rin ito sa amin. naeexcite din siya? "Totoo ba yun Pres?" Galit ka ba sa lagay na yan, Mae?
"Mae.." tawag ko sa atensyon niya nang maramdaman ko ang pag hapdi ng pag kakahawak niya sa akin. "Hindi kami mag dedate ni Mike. Hindi kahit kailan!" Sagot ko naman sakanila.
Lumuwag ang pag kakahawak sa akin ni Mae at bahagya siyang umusog palayo sa akin, "Huwag niyo na ngang kulitin si Pres." Naka ngiting sabi niya sa amin.
"Ellie, let's go?" Lahat kami ay napa lingon sa biglang nag salita mula sa likuran ko, "We don't have much time to waste." Napa sapo na lamang ako sa mukha ko at lumapit sakaniya. Lumakas lalo ang kantyawan nang umakbay sa akin si Mike at bumulong, "Did I came in the right time, Femme Fatale Maide Cafe President?"
Nang gigigil na ngitian ko siya, "Stop calling me that."
Tumawa siya ng mahina, "But you are a Femme fatale." Sinamaan ko siya ng tingin na lalong ikinalakas ng tawa niya, "My Innocent Femme Fatale."
Hindi na lamang ako kumibo at nag lakad na kasabay niya. Pero hawak hawak ko pa rin ang braso ko. Masyado atang na excite si Mae sa sinabi ni Oreo para kapitan ako ng mahigpit ng ganon? Halos bumukat na yung kamay niya sa braso ko sa sobrang higpit ng pag kakahawak niya.
Napansin ni Mike na naka hawak ako sa braso ko kaya agad niyang hinatak yung kamay kong naka kapit mula roon. Nakita ko ang pag tiim niya ng bagang bago itinago yung galit? Anong problema nito sa braso ko?
Sinundan ko ang tingin niya. Nakatingin lamang siya sa likod ng mga officers ko na nag lalakad pa balik ng office. Hala, ano na naman ang iniisip ng isan.g ito? Balak ba niyang dagdagan ang pang aasar ng mga iyon sa amin?
"Halika na." Hila ko sakaniya para mag tuloy tuloy na siya sa pag lalakad. Pero nakita ko pa rin ang pag lingon niya at ang pag talim ng mga tingin niya. Nasisiraan na ata talaga ng bait si Mike.
Wala namang magandang nang yari buong araw sa trabaho. Bukod sa ang totoxic ng mga teenager dun, wala na akong ibang nakita. Isang sinulid na lamang ang pasensya ko ang paonti onti pang nababawasan dahil sakanila.
Bakit dito sila nag punta kung hindi naman pala nila kami gusto? Kami ba ang talo dun? Hindi ba't sila? Nag aksaya na nga sila ng oras, nag aksaya rin sila pati ng pera... pera ng mga magulang nila na nag papakahirap kumayod.
Mariin akong pumikit sa harapan ni Mike. Tinawanan lamang ako nito at bahagyang hinawakan ang mga kamay ko na naka patong sa lamesa.
Sa totoo lang, dahil lang naman sa Mike na to kaya nandito yang mga kireng high school students na yan. Akala ata may meet and greet dito si Mike. Yung pantay na ngipin lang naman ang habol nila kay Mike sana inabangan na lang nila sa labas.
Nang gigigil na bumulong ako sakaniya, "Pwede ba? Umalis na kayo ng mga fans mo? Umiinit lang yung coffee house." Hindi ko maiwasan na hindi mapa irap bago tuluyang umalis sa harap niya dahil naririnig ko na naman ang pag tawag sa akin ng mga senyorita.
Lumapit ako sakanila ng naka ngiti, "Wala namng order si Kuya Mike, bakit lumapit ka sakaniya?" Ay, may mga entitle fan pala ang lolo niyo!
I smiled as sweet as possible, "Master is one of the vips here." Sagot ko saknila ng naka ngiti kahit gusto ko na silang tuktukan any minute. "Anything you want, mi ladies?"
Gusto kong masuka! Help me, Oh good Lord! Hindi ko dapat patulan ang mga batang ito! "Just stay away from Kuya Mike. Thanks!" Ngiti pa sa akin nung isa.
Nginitian ko lang sila at agad na tumalikod. Napa irap na lamang ako bigla. Kanila na yung Kuya Mike nila! Hindi nila ako kailangang taray tarayan! Hindi ko naman aagawin sakanila. Akala nila? Ganda ba sila?
Nang pumasok ako sa kitchen nakaramdam ako ng pagod. Ayoko ng lumabas sa mga bratinelang teenager na yun! Kaonti na lang masisiraan na ako ng bait.
Napa sapo ako sa noo ko. Kapag hindi pa ako nag timpi ng kaonti, masasagot ko na talaga ang mga batang iyon. Pero paano pa ako huhugot ng pasensya? Saan pa ako kukuha ng maraming pasesnya?
Napa kapit ako kay Ate Nikka, "Pwede bang hindi na muna ako lumabas?" Pag mamakaawa ko sakaniya. "Ang hirap mag timpi."
Nginitian lamang ako nito at bahagyang itinulak papalbas. Nakakaloka ka, Ate Nikka! Huminga ako ng napaka lalim bago ngumiti, "Have you forgotten who you are, Ellie?" My subconscious mind spoke for me.
Lumabas ako and smile. Dinaanan ko lang ang mga bratinellang kanina pa ko tinatawag at dumerecho kay Mike. Bakas sa mukha niya ang pag tatanong, "What are you trying to do?"
Ngumiti lamang ako sakaniya at nilingon ang mga babaeng kanina pa ako pinahihirapan, "Just warming up." Paulit ulit naman na umiling si Mike, "What?"
He was about to stand up nang pigilan ko siya. Napa buga na lamang siya ng hangin, "Iyilet Ellisha Mae, they are just kids." He said with a bit of annoyance in his tone.
"Brat kids, for your information." Awtomatikong tumaas ang kilay ko sakaniya, "mike, you can't stop me from lecturing teenage girls na mga naka baby bra pa lang kung umarte na akala ko cup C na ang bra."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at umalis na sa harap niya. Well, I did that on purpose. Kung asaran lang din naman ang gusto nila, hindi ko sila aatrasan. Those baby bra bratinella should know kung saan dapat nilulugar ang kaartehan, at hindi dapat sa akin.
Everytime na mapapatingin ako kay Mike ay umiiling ito. Ngayon lang ata siya hindi naging supportive sa akin. Well, anywasy, may point naman siya. Pero kung hindi sila kayang hawakan sa leeg ng school nila. Let me dot it for them.
Sa totoo lang, ang hirap makipag asaran sakanila. Kasi everytime na lalapit at ngingitian ko si Mike ay sila namang bawi nila. Mauuna akong mapagod sa inumpisahan ko! Pero nasimulan ko na ngayon ko pa ba titigilan?
"Ellie, what happened to you?" Pero imbis na magulat ako ay tinanguan ko na lang sila Mae na nauna pa sa aking umuwi ng bahay. Yung totoo, bahay niyo?
Lumapit sa akin si Oreo at inakbayan ako at sinmaan ng tingin si Mike, "Siguro..." She pause for a minute at lahat kami nag aabang lang sa susunod niyang sasabihin, "Pinagod mo si Ate Ellie no!" May pag turo na akusa pa niya kay Mike.
Sabay sabay kaming tumawa ng malakas, "Nakakatawa, Oreo." Pag irap ko pa sakaniya.
Sabay sabay kaming napa lingon sa biglang tumayo na si Mae. She's back to her old self. "Ang bastos naman ng bibig mo, Oreo." Nag tawanan na naman sila sa sinabi ni Mae.
Ako lang ba? O talagang may problema si Mae? She seemed so unease. Hindi na naman siya nung mga ganyang araw. Though, mas nakakausap namin siya ng mas maayos ngayon. I can really feel she is going back where she used to.
Naramdaman ko ang titig sa akin ni Mike asking me if something's bothering me. Umiling na lamang ako sakaniya and smiled. Sa sobrang pagod ko, kung anu-ano na naman ang naiisip ko.
Sabay kaming pumunta ni Oreo sa kitchen. Siya na nag prepare ng mga dala nilang food. Samantalagang ako busy pa rin sa ginagawa ko. Inabot na ako ng hatinggabi sa trabaho kaya natambakan na ako ng mga gawain.
Naramdaman ko na may nag mamasid sa akin kaya agad akong lumingon. Natawa naman ako ng makita ko si Mama na hindi na malaman paanong tago ang gagawin nang makita ko siyang naka tingin sa akin.
Lumapit naman ako sakaniya at agad siyang niyakap, "Ang mama ko naman." Mahigpit ko siyang niyakap. "Who needs boyfriend? Kung ikaw pa lang, Ma, tanggal na yung pagod ko?" Naramdaman ko ang pag yakap niya pabalik.
"Kailangan mo pa ring mag asawa, Anak." Natatawang komento nito sa akin.
Agad naman akong humiwalay sa yakap, "Ma, asawa agad? Boyfriend nga wala ako."
Tumawa ito at nag lakad papunta sa mga ginagawa ko, "Kung hindi puro iyan ang kaharap mo, sigurado akong hindi ka tatandang dalaga." Nakakatawa naman talaga itong si Mama oh.
Lumapit ako sakaniya at hinawakan ko ang kamay niya tsaka ngumiti, "Okay lang tumandang dalaga! Ang mahalaga naman sa akin ay kayo ni Whitney." Bigla naman nalukot ang mukha nito, "Mama, masaya po ako sa ginagawa ko. Aanhin ko naman yung boyfriend kung wala naman kayo sa akin?"
Nako, nararamdaman ko na naman na mag bubukas na naman ang dramtic mood ni Mama. Kaya inunhan ko na siya at agad na niyakap, "Salamat, Anak."
Ang mga ngiti lang nila Mama, pawing pawi na ang pagod ko sa mag hapon. Wala ng ibang makapapalit sa saya na makitang masaya sila Mama at buo pa kaming tatlo. Yun lang naman ang mahalaga sa akin ngayon. Siguro dadating din naman ako sa punto na mag aasawa't mag aasawa rin ako, pero rito muna tayo sa kung anong meron ako.
Saglit pa kaming nag kwentuhan nang dumating si Mike na may dalang prutas. Namilog naman ang mga mata ko nang makita na puro paborito ko ang dala niyang prutas. Pero imbis na sa akin niya iabot ay kay Mama pa.
Napataas naman agad ako ng kilay, "Anong ginagawa mo na naman dito ha?" Pero imbis na sagutin niya ako ay nginitian niya lamang ako.
Malakas akong pinalo ni Mama sa braso kaya naman napa hawak ako sa hinampas niya at agad siyang nginusuan, "Bakit ba ganiyan ka sa boyfriend mo ha, Ellie? Ganiyan ba kita pinalaki?" Pangangaral nito sa akin.
Mabilis akong umiling sakaniya sanhi para mahinang tumawa ni Mike mula sa tabi ko, "I know you are tired from work." He smiled sincerly at napa balik ang tingin ko sa mga prutas. "As ypur boyfriend I need to maintain that smile in your face."
Ibinawi ko ang tingin ko sa mga prutas pabalik sakaniya. Sa akin siya naka tingin at naka ngiti lamang. Hala, nam boom panes na naman! "Mabuti nga't may nakatitiis sayo." Masungit na sita ni Mama, "Iho, huwag mong intindihin ang masungit na yan at halika na't sumabay kila Oreo na kumain."
Hindi ako makapaniwal an talagang ibinenta na ako ni Mama kay Mike. Kaya bago ito umalis ay nginisian ako, "Come join us, Love."
Wala sa sarili akong tumayo at sumunod sakanila papunta sa labas, "Masunurin ka naman pala, Anak." Nang aasar na sabi nito sa akin. Napa irap na lamang ako at hindi na umimik pa.
Tahimik na lamang na sumalo ako sakanila. Naramdaman ko rin kasi ang pagod ng katawan ko nung sumandal ako sa sofa. Sa totoo lang, kaya ayokong napapa hinga kahit saglit lang. Pakiramdam ko ay anumang oras susuko yung katawan ko.
Hindi ko maiwasang hindi mapasandal kay Mike. Wala naman akong narinig na kahot ano mula sakanila. Masaya lang silang nag tatawanan at nag kekwentuhan. Habang ako, nakikinig na lamang sakanila at hinayaan na maka tulog sa balikat ni Mike.
Hapong hapo ako habang patuloy sa pag takbo. Patuloy na pag takbo lamang ang ginagawa ko na para bang may humahabol sa akin. Pero sa tuwing lilingon naman ako ay wala naman akong nakikita na humahabol mula likuran ko.
Naramdaman kong may tumatapik mula sa balikat ko pero wala ni kahit anong imahe akong nakikita. Pero ramdam ko ang sunod sunod na tapik nito mula sa balikat ko.
Mula naman sa malayo sa akin ay nakikita ako ang pag abot ni Mike ng kamay niya sa akin. Pilit ko yung iniaabot pero sa tuwing malalapit ang kamay ko sakaniya ay lalo itong lumalayo.
"Ellie. I am here." wala sa loob na napa yakap ako sakaniya. Hindi ko na rin napigilan ang pag tulo ng mga luha ko. Hindi ko mahanap kung nasaan ang katahimikan sa puso ko, "Love, I am here. Okay? I will never leave you." Dun ko lang muling naramdaman ang mga kamay ko.
Saglit akong kumalma. Kita ko ang pag aalala sa mga mukha niya, "Ate Ellie, tinakot mo naman kami e!" Hagulgol na yakap nito sa akin.
Napa tingin lamang ako kay Mae na may taka sa mga mukha, "Sa susunod nga Pres, huwag ka masyadong mag pakapagod. Hindi ka naman mawawalan kung mag dadahan dahan ka sa mga ginagawa mo." Sita sa akin ni Simon kaya lahat kami ay napa tingin sakaniya, "Hindi minamdali ang buhay. Hindi rin minamadali ang pag asenso. Kasi hindi natin alam... minsan sa kamamadali natin may naiiwan na pala tayo. Kaya sa oras na mahawakn mo yung gusto mo, ikaw na lang mag-isa. Wala na yung mga tao na nakasubaybay sa atin."
"Life isn't about who cross the finish line first. It's about making the most of your life with the people you love." He smiled sincerely at me. Naramdaman ko rin ang mahigpit na pag kapit nito sa akin, "There is nothing wrong on working your ass off... pero huwag mong kakalimutan yung mga taong nandyan para sayo. Kailangan ka rin nila."
Napa tingin ako sakanilang lahat. Naka ngiti na para bang sang ayon sa huling sinabi ni Mike. Siguro nga kaya ganun yung panaginip ko. Mag isa na lamang akong tumatakbo at lumalaban sa mundong ako na lamang ang gumagawa.
Minsan. . . hindi natin maiwasan na hindi gumawa ng mundo para sa mga mahal natin sa buhay. Akala natin nakakahabol pa sila, yun pala naka tingin na lamang sila sayo mula sa malayo pilit na muling iniaabot ang kanilang kamay para alisin ka sa mundong ginawa mo... na ikaw na lang ang masaya.
Hindi ako nag dalawang isip na puntahan si Mama at yakapin. Ang dami ko na ring pag kukulang sakanila. Sa sobrang pag iisp ko na unahin ang pangangailangan nila bilang tao, nakalimutan ko ng isipin yung pangangailangan nila bilang Mama at kapatid ko.
Mag uumaga na rin nang mapag desisyunan nila na mag uwian. Masyado silang nalibang sa pag kekwentuhan. Kung hindi pa nagising si Mama at hindi sila pauuwiin ay hindi pa talaga sila uuwi.
"You sure you okay?" Pang sampung tanong na niyang simula kanina. "I can stay here if you want too."
Natawa na lamang ako sa sinabi niya, "Huwag masyadong OA, Mike. I am fine." Pero halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsado sa sinabi ko. "May pasok ka pa bukas at tsaka isa pa may mga priorities kang mas kailangan mong unahin."
Seryoso itong hinawakan ang mga kamay ko, "But you are my top priority."
Napa ngiti na lamang ako sa sinabi niya, "Mike, stop being so cheesy. Your life is not just about me."
"But you are my life, Love." Hindi ko alam sa isang to kung anong na kain at kung anu-anong sinasabi sa akin, "Sorry, hindi ko lang maiwasan na hindi mag alala sayo."
I smiled at him and held him back, "Thank you for making me your life and priority, Mike." hindi ko mabasa kung anong emosyon ang mayroon siya ngayon. "But... both of us still have some things to do. Naiintindihan mo ba?"
Why do I feel like explaining myself to a love sick? Seryoso niya akong tiningnan, "Just stop trying to push me. The bushes can't even help you." Yun lamang at tinalikuran na niya ako.
Ano ba ang nasa isip ng isang iyon at galit na naman? Tama naman ako ah! Hindi naman lahat tungkol sa akin, o tungkol sakaniya. Parehas kaming may sari sariling buhay na dapat pang ayusin. "Gusto lang naman sabihin nung tao na kahit anong dami ang kailangan niyang gawin, kaya ka niyang bigyan ng oras kahit hindi mo hinihingi."
Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi ni Louis, "At bakit nandito ka pa?" Naka pamaweng na harap ko sakaniya.
"Nawain ko kasi yung cellphone ko hindi ko naman inaakala na kakailanganin pa pala ako ni Mike para ipaintindi sayo yung ibig niyang sabihin." Kumaway kaway ito sa akin tsaka ako natauhan.
Ang arte naman nung si Mike!