ONSCREEN LIES CHAPTER 23 ELISSE’S POINT OF VIEW. “NAKO! NAG HARAP na ang dalawang gwapo!” Napasapo ako sa aking noo nang sabihin iyon ni Lola. Dahil nandito si Jared sa bahay, nagkita na rin sila ng kaibigan ko na si Kim. Hindi ma itsura ang mukha ngayon ng boyfriend ko habang nakatingin siya kay Kim. “Sino ka?” malamig na sabi ni Jared sa kaibigan ko. Hinawakan ko naman ang braso ni Jared upang kumalma naman siya. Parang anytime ay susugurin na niya si Kim eh. ‘Wag naman… wala namang ginagawang masama ang kaibigan ko. “Kim Louis Libre nga pala, Pare!” nakangiti na pakikilala ni Kim kay Jared. Akala ko ay magpapakilala rin si Jared kay Kim, pero nagkakamali ako… nagulat ako sa kanyang sinabi. “Kilala mo na ata ako, pare. I’m one of the popular actors in the Philippines. Sigurad

