ONSCREEN LIES - 22

1168 Words

ONSCREEN LIES CHAPTER 22 ELISSE’S POINT OF VIEW. “JARED… anong ginagawa mo rito?” hindi ko makapaniwala na tanong sa kanya. Kami na lang dalawa ni Jared dito sa may kusina, iniwan na kami ni Mama rito upang makakain daw kami ng maayos. “Hmm, kumakain?” pabalang na sagot ni Jared sa aking tanong. Hindi ko naman mapigilan na mapairap. “Jared, seryoso ako!” inis kong sabi sa kanya. Nag angat siya ng tingin sa akin. “Seryoso rin ako, Elisse. Pwede ba na kumain na muna tayo rito bago tayo mag usap? You need to eat. Ang sabi ni Tita ay hindi ka raw kumain ng hapunan. Kaya mas kailangan mong kumain ngayon,” seryoso na sabi ni Jared at muli siyang bumalik sa kanyang pagkain. Bumuntong hininga ako at wala akong magawa kundi ang kumain na muna. Nakaramdam na rin ako ng pagkagutom ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD