ONSCREEN LIES CHAPTER 21 ELISSE’S POINT OF VIEW. ANONG GINAGAWA ni Nadine sa Singapore? At kasama niya pa ngayon ang Real Family… si Jared! Tumawag ulit sa akin si Sophie at mabilis ko naman itong sinagot. “Girl!” agad akong binungad ng kanyang malakas na boses ng sagutin ko ang kanyang tawag. “Ang sakit mo sa tainga, Sophie!” hindi ko mapigilan na mainis sa pagsigaw niya. “Hays! Bakit kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag ko eh! Nataranta tuloy ako. Ah! Alam mo na ba ang news today? May alam ka ba tungkol doon?” sunod-sunod niyang sabi. Napahagod ako sa aking buhok at huminga ako ng malalim. “I was out together with my grandmother, Sophie. And no, I didn’t have an idea about the pictures and news circulating online,” seryoso kong sabi sa aking kaibigan. “Oh my God! Is your boy

