PARA SA DIYOS, KAILANGANG MAGDUSA TAYONG LAHAT.
"Sikat na sikat ako noon at maraming kaibigan......" Rinig kong bigkas niya at kasabay niyang sabihin iyon ay biglang nagbago ang nakikita ko.
Ngayon nakatayo si Annie sa harap ng babaeng estatwang nakapiring habang kumakanta. Nakangiti siya. Sa kanang gilid niya ay nandoon ang isang madre. May mga nakapila rin na mga estudyante sa harap niya.
Hanggang sa malipat ang nakikita ko sa dulong cubicle. Nandoon siya at tuwang tuwa habang nakaupo sa bowl pero nanlaki ang mga mata ko at halos masuka dahil.........d-dahil m-may kinakain siya..........
..........isang baso ng bulate!
"Pero nang makita nila ako na kumakain ng insekto ay nagbago sila ng pakikitungo sa akin." Kasabay non ay may mga dalagitang estudyante rin ang dumating. Parang slow motion ang nangyayari dahil nang makita nila si Annie sa dulong cubicle ay labis ang diri nila sa kanya. Si Annie naman ay gulat na gulat. Kumuha ng tabo ang isang dalagitang nakakita kay Annie at sinalinan ito ng tubig sa sink. Akala ko ay tutulungan nila si Annie mag linis pero ganoon na lang ang galit na sumiklab sa pusoko dahil walang babala nitong sinaboy kay Annie ang tubig dahilan para mabitawan niya ang baso na hawak niya at nagkalat sa sahig ang mga bulate. Nagsitilian pa ang mga babae at lumayo.
Maya maya pa ay may dumating na isang madre na halatang masungit at istrikta. Hindi ko kilala ang madre na ito. Mabagal siyang naglakad papuntang cubicle at natahimik naman ang mga dalagitang estudyante nang dumating ito at tumingin sa kanila na may nakakatakot na tingin. Napayuko na lamang sila. Mabagal itong naglakad papuntang cubicle at doon niya nakita si Annie na umiiyak.
Nilapitan niya ito at akala ko ay aaluin niya ang bata pero hindi ko na inaasahan ang nangyari. Marahas niyang pinatayo si Annie at hinila sa kaliwang balikat nito dahilan para mangiwi ang bata sa sakit. Walang boses ang napapanood ko pero sa nakikita kong ekspresyon sa mukha ni Annie ay alam kong nasasaktan siya.
Kinadkad siya ng madre palabas ng banyo, pababa ng hagdanan. At habang bumaba sila ng hagdanan ay doon na nakisilip ang iba pang mga estudyante dahil alam kong sigaw na ng sigaw si Annie sa sakit na nararamdaman pero ang madre ay wala yatang pakialam doon. Imbis na maawa ang mga estudyanteng nakakita sa kalagayan niya, ay pinagtawanan pa nila ang mga ito.
Hanggang sa makababa sila sa ground floor. Patuloy sa pagkaladkad ang madre kay Annie kahit na muntik nang madapa ang bata. Parang gusto kong sabunutan ang madre dahil sa ginagawa niya. Isang tao lang ang pinapaalala niya sa akin na may ugaling katulad niya.
Si Nana Clarisse...........teka.........hindi kaya si Nana Clarisse ang madreng ito?! Pero imposible dahil ibang iba ang mukha ni Nana dito.
"Tama ka nang hinala, si Nana Clarisse ang nakikita mo. Ang bait niya no?" Rinig kong sabi niya pero napalunok lang ako.
Paanong humantong si Nana sa ganitong kalalang pagpaparusa?
Nang makarating sila sa harap ng estatwang babae ay doon marahas niyang tinulak si Annie doon. Kitang kita ng mga estudyante ang pangyayaring iyon.
"Pinag-initan nila ako."
Naiba na naman ang nakikita kong senaryo at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Annie na nakaluhod sa harap ng chapel sa may third floor doon sa may bodega kung saan nakita ko ang kaluluwa ni Christine na nagtatago, nakataas ang dalawang kamay niya na parang nanlilimos.....
"Walang nakinig sa akin ni isa."
......at ganoon na lang ang awa ko sa kanya dahil may isang madreng may hawak na kahoy na sakto na pampalo at walang pag aalinlangang pinalo sa dalawang kamay ni Annie. Kitang kita ko ang pag ngiwi ng bata dahil sa sakit na natamo dahil sa palo.
"Kahit sa bahay, hindi ako nilayuan ng kamalasan."
Nag iba ang eksena na nakikita ko. Para akong nanonood ng pelikula sa mga nakikita ko. Puro nalalagas na buhok ang nakikita ko. Para siyang ginugupit. Hanggang sa makita ko na mismo ang buong eksena at nandoon na naman ang labis na awa ko dahil........d-dahil........
"Ginupitan ni Mama ang buhok ko. Binaboy niya na para akong walang kwentang manika. Habang ang walang kwenta kong tatay ay nanonood lang sa amin habang naninigarilyo." Galit na saad na rinig ko mula kay Annie at ang boses niya ngayon ay parang nanggaling sa lupa. Nakakatakot.
Sumunod na eksena ay ang sa isang classroom. Lahat sila ay nakatingin sa estudyanteng may balabal ang ulo na nasa pinakahuling silya nakaupo.
"Sobrang pangit ng gupit ko noon."
Si Annie.
Halata sa mukha niya ang hiya dahil sa ginawa ng nanay niya sa buhok niya. Maya maya pa ay unti-unting pumunta ang madre sa kanya at marahas siyang hinawakan sa braso kaya napatayo agad siya. Kinaladkad siya hanggang pinto at doon itinulak ng malakas palabas ng silid. Hindi ko alam kung si Nana Clarisse ba ang may gawa sa kanya non pero hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa niya noon kay Annie.
"Lahat sila pinagtawanan lang ako."
At ipinakita niya nga sa akin na imbis na tulungan siya ng mga kaklase niya ay pinagtawanan lang siya ng mga ito.
Walang nagawa si Annie kung hindi ang tumayo at nakita ko siyang pumunta ng hagdanan at umakyat. Sa third floor.
Sa my banyo at sa dulong cubicle siya mismo nag iiiyak.
Awang awa ako sa nakikita kong sinapit niya noon sa paaralan na ito.
"Ang gusto ko na lang ay mamatay......" Rinig kong saad niya habang pinapanood ko siya na umiiyak sa dulong cubicle.
"Sabi nila, Diyos lang ang tanging sagot sa lahat. Siya lang at wala nang iba ."
At lumipat na naman ang eksenang nakikita ko. Nasa chapel si Annie habang nakatayo sa estatwa ng mama Mary sa may gitna. Binahiran niya ng dugo ang dalawang pisngi ng estatwa. Bakas sa mukha niya ang lungkot at pag iisa dahil sa itsura.
"Siya ang dapat sundin."
Muli siyang pumunta sa lamesa sa likod ng sculpture ng mama Mary. May lamesa doon at may isang baso ng nagsisilbing dugo ni Kristo. Pumunta siya doon at walang alinlangan niyang ininom iyon.
"Siya ang dapat palugudan kahit pa nahihirapan na tayo."
Tumutulo pa sa bibig niya ang ilang likido at binagsak na lamang ang baso dahilan para kumalat ang natitirang laman non sa sahig.
"Sinubukan kong umalis pero hindi nila ako pinayagan."
Matapos non ay tumingin muli siya sa imahe ng mama Mary na nasa harap niya. Idinura niya doon ang likido na ininom niya.
"Dapat magdusa tayong lahat para sa pinakamamahal nating Diyos."
At pinunasan niya yung bibig niya. Ang itsura niya ngayon ay ang lagi kong nakikita sa tuwing magpapakita siya sa akin. Hindi ko na makita sa mukha niya ang saya at pagiging bibo.
"Pero mukhang ako lang naman yung nagdurusa sa mga kaklase ko."
Nagbago muli ang nakikita ko.
"Kaya isang araw ay pinangako ko sa sarili ko....."
At nanlaki ang mata ko ng makita kong umakyat si Annie sa toilet bowl. Narinig ko pang may kumatok sa pintuan habang paakyat siya sa bowl pero hindi niya ito pinansin. Nang makaakyat siya ay tumingin siya sa gawi ng pintuan at ngumiti. Ang hula ko ay may gustong pumigil sa balak niyang gawin.
".......na hindi lang dapat ako ang magdurusa........."
Gusto ko siyang pigilan ng makita ko siya ipinulupot yung belt niya sa leeg niya. Hindi ko alam kung paano niya natali yung belt niya sa may tubo at tuluyan na akong nanlumo dahil......
".....para sa Diyos, kailangan magdusa tayong lahat."
Tuluyan na siyang nagbigti at nalaglag pa ang isang sapatos niya.
Akala ko ay tapos na ang lahat doon pero muling lumipat ang eksena na ipinakita niya sa akin.
"Nang mamatay ako ay pinapapunta nila ang mga magulang ko dito para kunin ang mga natitira kong gamit." Kasabay non ay nakikita ko ngayon ang isang kotse na nakaparada sa labas ng gate ng Wanda.
"Doon ko natuklasan na may kaya akong gawin na hindi ko magawa nung nabubuhay pa ako." At ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko ng maging pamilyar sa akin ang kotse lalo na ang dalawang tao sa loob nito. At gusto kong mapatakip sa bibig ko ng makita ko ang mga magulang ni Annie pero.......a-ang t-tatay niya............
.......sinasakal ng tatay niya ang nanay niya!
"Si Mama, ang dali niyang patayin."
Habang sinasakat ng tatay niya ang asawa nito ay nakita ko si Annie sa backseat. Nakangisi siya habang nakatanaw sa dalawa. Malademonyong ngisi.
"Mahina siya." At tuluyan nang nalagutan ng hininga si Mrs. Ventura. Ang tatay niya naman ay doon lang yata nahimasmasan at unti-unti lumingon sa beackseat at doon niya nakita ang anak niya.
"Pero mas mahina si Tatay."
Hindi ko maintindihan kung anong pinupunto niya. Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ginawa ni Mr. Ventura iyon.
Doon na ako nabalik sa reyalidad. Nakikita kong nasa loob na ako muli ng kumpisalan pero nasa utak ko pa rin at kitang kita ko pa rin ang pagsakal ni Juanito sa asawa niya.
"A-anong ginawa mo Annie?" Halos hindi lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Sobra akong kinakabahan. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Hindi mo pa ba makuha Miss Belle?.......pinatay ko si Christine gamit si Tonio." At para akong tiankasan ng ulirat sa sinabi niyang iyon. Napaluha na ako. Napatakip ako sa bibig ko para lang hindi niya ako mapansin.
"Para magkaroon ako ng kasama dito pero nagkamali ako." Saad niya pa at parang baliwala lang sa kanya ang ginawa niya.
"Ayaw niya sa akin, katulad lang siya ng mga kaklase ko noon." Saad niya pa pero sumabat na ako sa kanya.
"A-annie a-alam kong h-hindi tama y-yung ginawa nila sayo noon pero......yung pumatay ka ng tao? Hindi tama yon-" Pero hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumabat naman siya.
"Pinatay na rin nila ako nung una pa lang eh, araw araw nila akong pinapatay dahil sa mga pangungutya nila dahil lang sa kakaiba ako." Sabat niya.
"Ngayong alam mo na ang nakaraan ko miss Belle. Gusto mo pa rin bang sumama sa akin?" Hindi ako nakaimik sa tanong niyang iyon.
Parang pinagsisisihan kong pumunta pa ako dito para kausapin siya.
"A-ano?" Nanginginig na tanong sa kanya.
"Kontento naman ako sa pagiging mag isa ko eh pero dumating ka na lang dito bigla. Kinaibigan mo ko, ikaw ang nagsabi sa akin na lumabas ako at makipagkaibigan sa iba." Hindi na ako nakaimik dahil doon. Hindi na ako nagsalita. Ang gusto ko na lang........ang gusto ko na lang ay tumakbo palayo dito!
"Pero nadiskubre ko na wala rin namang gustong kumausap sa akin eh, na mga tulad mo. Katulad ka lang din nila!" At nang sabihin niya iyon ay doon na ako lalong kinabahan.
"Hindi na ako pwedeng mabuhay pero kayo......." Pinutol niya ang sasabihin niya. Nag iisip na ako ng paraan kung paano makatakas dito pero walang pumapasok sa utak ko na paraan.
".....pwede kayong maging katulad ko.......maging patay." Pagtatapos niya.
"Una si Selena, pangalawa si Christine.......ngayon ikaw!" Nanlaki ang mga mata ko ng makuha ko ang gusto niyan iparating kaya lalong nanginig ang katawan ko.
"Hindi mo naman ako tatakbuhan katulad nila hindi ba?" Rinig kong tanong niya sa malalim at nakakakot na boses pero hindi ako sumagot at napalunok lang ako ng laway ko.
"Hhahahah...........paparating na siya." At pagkasabing pagkasabi niya non at napasinghap ako at napatakip ako sa bibig ko dahil.......d-dahil........m-may naririnig akong mga yapak..........p-pero.......
........papunta sa direksyon ko!